Wednesday, August 31, 2016

oh ber months!

Check-up Time:

Hello from the other side!
 
Ang bilis bilis ng panahon noh? Parang kaja-January lang ngayon eh papasok na ang Ber season.
 
Uso nanaman ang mga taong magiinarte na magpopost ng wake me up when September ends... Wag nyo nga gisingin ng matuluyan. Keme lang!

 
 







Yung iba naman eh hinihintay na ang boses ni Jose Mari Chan at ang pinakasikat na kanta nyang Christmas in our hearts. 








Tapos maglalabasan na ang mga baratillo at tyange na nagbebenta ng kung ano ano na maaaring pagkunan ng idea na pangregalo.

 
 





Madami nanaman ang tatambay sa Ayala Triangle para manood ng Christmas Light show.

 
 





Dadami na din ang tao sa Divisoria at tutuban para bumili ng mga pangregalo kahit na maaga pa para lang hindi na makipagsiksikan sa mga tao lalo na kapag Christmas rush na.

 
 






Titindi na naman ang traffic di lang sa mga major na kalsada. Pati na yata eskinita traffic na din.

 
 






Pagkatapos ng Halooween, All Saint's at all Soul's day eh magsisimula na din ang pagiipon ng sticker para sa planner ng overated na mga coffee shop.

 
 



Magsusulputan na din ang mga nagtitinda ng bibingka at puto bumbong.


 
 


Tapos nun magsisimula na ang simbang gabi habang ang iba naman ay simbang tabi. Makikita mo na ulit ang mga grupong ito na baka manghuli lang ng pokemon habang nag mimisa ang pari. (Judgemental ko lang lolz).




 
 
At dahil nagsimula na din ang simbang gabi. Magiging maingay na din ang labas ng bahay nyo dahil sa makakarinig ka na ng mga tinig ng mga batang kumakantang pampasko dahil manghihingi ng aginaldo... Ilang kantang "Thank you, Thank you, ang babarat ninyo thank you!" ang maririnig mo sa labas ng bahay nyo?










 
Tapos magpe-prepare na ng Noche buena ang lahat. Tapos habang ang lahat ay nagbibilang ng mga regalong natanggap, ikaw naman ay nakanganga lang dahil walang naka alalang magbigay sayo ng kahit medyas man lang... Saklap noh? Choz lang
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
Tapos ilang araw lang pagtapos ng Noche buena eh maghahanda naman kayo ngayon para sa Medya Noche.
 
 
 





 
Hayzt ang cycle nga naman ng Ber months....
 
(credits to the owner of the pics)

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

14 comments:

  1. Napagod ako eh bukas pa ang start ng ber months, ha,ha,ha. Kahit naman hindi ber months, matrapik na talaga. Siya Merry Christmas!

    ReplyDelete
  2. Pakisama ng perwisyo ng SM at ang kanilang walang tigil na midnight, all day, weekend at kung anu-ano pang sale!

    Ako namann, isa sa inaabangan ko kapag ber months e ang Manila Intl Book Fair tuwing September. At madalas, ber months din may magagandang offering ang ccp, peta at kung anu-ano pang art houses. :)

    ReplyDelete
  3. ako handa na ang katawan ko sa ham. at another, makakakuha na naman nga ako sa Starbucks planner na never ko gagamitin. perfect!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nyahaha mukang ako din makakakuha ng planner pero hanggang feb ko lang magagamit like the old planner na meron ako ☺

      Delete
  4. September is my birthmonth so I am very excited at what this month will bring to me
    : )

    ReplyDelete

hansaveh mo?