Friday, August 19, 2016

malungkot na umaga

Check-up Time: 7:17am

Nanlalamig 'yong dating nagbabaga. 
Kung maibabalik lang sana.
Titiisin ko na kahit paulit-ulit 
Tapos pipilitin ko na di maulit 
Ang masulyapan mo yung dulo
Akala ko walang hanggan
pero may dulo.

Bawat segundo sa aking puso iuukit. 
Lahat ng alaala aking iguguhit, 
Para makalimutan mong may dulo.
Ang sabi mo walang hanggan,
pero eto tayo sa dulo.


****

Nung Lunes pa masama ang pakiramdam ko dahil sa trangkaso at dahil sa nakakaramdam na ako ng sobrang pagkabagot ay sinubukan kong makinig ng mga kanta sa Spotify. Hindi ko alam kung ano ano ang aking na kaltis sa telepono ko hanggang sa isang malumanay na melodya ang tumogtog. At dahil mas masarap makinig ng mga ganitong musika kapag masama ang pakiramdam ay hinayaan kong magpatuloy ang musika.

Hindi ko inaasahan na sobrang sakit ng bawat linya ng kantang ito. Inulit ko ang kantang ito at sa pagkakataong ito halos lahat ng linya nya ay lumalatay sa damdamin ko. Ito ay ang kasalukuyang naririnig nyo sa BGM ko ☺

May mga pagkakataong hindi ko maiwasang ihambing ang sarili ko sa taong umaawit.

Ayon sa mga dalubhasa sa larangan ng sikolohiya, ang taong nakakaramdam ng matinding emosyon ay nakakarelate sa kantang pinakikinggan nila.

Para sa buong liriko ng kanta paki-visit po yung music room ni Maestro.


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

3 comments:

  1. Oo nga naman, puro realizations din while being ill. What's good about realizations eh natatanaw natin ang kinabukasan na may adhikaing ipagbuti ang nakaraan. Nawa'y magaling ka na.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hopefully gumaling na din ako sa flu ko soon.

      Delete
  2. pagaling ka Rix , I Bioflu mo na 'yan he he ( feeling endorser : )

    ReplyDelete

hansaveh mo?