Dumarating talaga sa punto ng buhay natin na kapag paulit ulit ang ginagawa, natitikman o nakikita ay nakakaramdam tayo na hindi na tayo masaya.
Maari nga na magkaroon ka ng paborito pero paborito mo pa din ba sya kung araw araw eh pareho pa rin ng ganap sa buhay mo?
Tamad. Yan na ang sunod na nararamdaman mo kung paulit ulit na ang ginagawa mo. Walang bago. Walang ng magpapatakbo at kikiliti sa utak mo kaya naman makakaramdam ka ng pananawa sa ginagawa mo.
Sa tuwing dadaan ako sa lugar na walong taon ko ng dinadaanan kapag papasok ako sa trabaho ay halos nakabisado ko na ang itsura ng bawat gusali, tindahan, establisyemento, bahay, at kalye na dinadaanan ko.
Maaring iba iba ang interpretasyon ng tao sa kung ano ang nararamdaman sa mga ganitong bagay, pero ako masasabi kong nagsasawa na ako...
Akala ko hindi mo mararamdaman ang bagay na ito sa nagpapasaya sa akin kapag malungkot ako. Akala ko hindi ko mararamdaman ang bagay na ito sa umaagapay kapag nag-i-struggle ako. Akala ko hindi ko mararamdaman ang ito sa nakakapagbigay ng ngiti lalo na kapag stress na ako. At akala ko hindi ko mararamdaman ito sa nakakapag pabago ng pananaw ko kapag minsan ay nagmumuni muni ako.
Siguro nga ganun talaga ang buhay ng tao. Kahit na sabihin mo na importante eh hindi pa din sya magiging importante sa lahat ng oras. Minsan kailangan mo tanggapin ang katotohanan na dumarating sa punto ng buhay mo na ayaw mo na. Ayaw mo na kasi sawa ka na. Ayaw mo na kasi hindi ka na masaya. Ayaw mo na kasi, ayaw mo na.
Maaring masakit sa loob ang palitan ka, pero kailangan ko itong gawin bago pa ako lalong magsisi dahil pinilit kong gawin ang isang bagay na alam ko namang wala na talagang pagasa na ibalik ang dati...
Paalam
sa current kong kape...
Balik ako sa plain black coffee ko at ang bago?
Ang coffeemate na nagbibigay sa kanya ng bagong flavor....
In fairness masarap sya at hindi mo na kailangan nga sugar dahil kumpleto na ang lasa nya. O ano pa ang hinihintay mo.... Try mo na din ng matikman mo....
Oo nga pala dalawa ang bago nyang flavor try mo din yun isa para masaya...
Akala mo madrama noh? Charot lang yun no!
Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!
Ha ha akala ko kung ano na kasi may mga "kabisado ko na itsura nadadaanan kong mga gusali charot " ... yun pala kape lang ha ha ha ... in fairness , ma try din nga yan minsan : )
ReplyDeletePush. Itry mo din yung iced bongga din ang lasa
DeleteAkala ko nga kung anong drama. Hahaha. At yeheess, endorser na!
ReplyDeleteHahaha. Sideline lang
DeleteGrabe sa emotions.. dalang-dala ko! Yung tipong, humihigop ako nang kape, tapos in the end, napabuga ko.. Sayang yung kape besh! Haha
ReplyDeleteHahaha nakakahinayang nga yung kape na binuga mo lolz
Delete