Monday, May 1, 2017

sa grocery

Check-up Time: 10:00 am

Tanghali ng nagpunta ako sa SM Bicutan dahil kailangan ko bumili ng toiletries ko na gagamitin para sa trip ko papuntang Leyte.

Nasa grocery na ako at namimili ng shampoo nga bigla akong may mapansin. Hindi ko alam kung bakit parang aligaga yung katabi kong babae. Hindi ko masasabing morena sya dahil medyo mas mapusyaw ang kulay nya sa morena. Katamtaman ang taas nya at parang nasa late 20's na sya. Maganda naman si ate pero kahit na babae eh medyo may kaunting kagaspangan ang pagkilos nya. lumipat ako ng pwesto dahil sunod ko naman kukunin ay conditioner na nasa bandang likuran ng babaeng tinutukoy ko.


(credits to the owner of the pic)



Ganun pa rin sya, alam kong may kakaiba sa ginagawa nya pero hindi ko na sya pinakialaman. Lumingon sya sa kanan ay luminga-linga sya parang may hinahanap o inaabangan. Matapos nun at sa kaliwa naman. Nung natiyak nya siguro na walang nakatingin sa kanya ay bigla niyang ipinasok ang isang bote ng shampoo sa loob ng bitbit nyang bag. Nagulat ako sa ginawa nya. Tumalikod sya at tumingin sa direksyon ko pero nagpatay malisya lang ako ay kunwari ay walang nakita.

Palihim kong inobserbahan ang kilos ni ate. Lumipat sya sa kabilang na estante na ngayon ay nasa mga sabon na. Wala akong imik. Kunwari ay binabasa ang label ng mga sabon dahil naniniwala ako na para makisugurado ako sa pinipili ko ay kailangang i-check ang label ng biglang walang ano ano ay parang nakita ko na may sunod sunod na isinilid ng babae sa bag nya. 3 sabon yun na mahal na sabon.

Hindi ko alam kung bakit parang may kung anong natulak sa akin na tumingin sa bandang kaliwa ko. Napansin ko ang isang Lalaki na pinagmamasdan sya. Mukang isang staff ng grocery dahil napansin ko ang ID nya na nakasabit sa pantalon nya. Mukang civilian guard.

Nilingon ko ulit si ate at kumilos na ito palayo. Lumingon ako sa gawi kung nasaan ang civilian guard at mukang susundan nya ang babae. Nasimulan ko na ang tagpong ito na parang pelikula kaya nakaramdam ako na dapat kong tapusin ang eksena kaya sumunod ako para makita kung paano magtatapos ito.

Lumapit ang lalaki sa babae at mahinahong sinabi, "Miss para hindi na tayo magkagulo pa pwede mo bang ibalik na lang kung ano ang kinuha mo". Nagulat ako sa sinabi ng babae. "Anong sinasabi mo? Wala akong ginagawa. Wag kang lalapit kundi sisigaw ako". Malumanay pa din ang lalaki na sinagot ang babae. "Eh di sumigaw po kayo miss, kayo po ang mapapahiya". "Taray ang palitan ng linya" yun ang nasabi ko sa isip ko. "Pinipilit mo ako ah!" sabi ni ate ng bigla nga syang sumigaw ng....



























































































"Brilyante ng hangin protekyahan mo ako...."




Tapos nagkaroon ang armor yung babae na kulay blue ang taray! Nagtransform talaga sya.



Tapos biglang sabi ng lalaki "Sa wakas natagpuan din kita Amihan ngayon din ay pupunta ka ng Devas" at nagpalit ang lalaki ng kanyang anyo...

Nagkaroon ng kaguluhan dahil dun at nagtakbuhan ng ibang tao...

"Hagorn, tapusin natin ito sa Encantadia..." sabi ni ate at may kinuha syang medalyon sa bag nya at sinabi nya "Asnamon Voyanazar! Dahilhin mo kami ni Hagorn sa Encantadia" at may bumukas na portal at nawala sila...


Hanggang ngayon wala pang balita kung ano ang nagyari sa kanilang dalawa...

Baka po nabalitaan nyo ito... I-chismis nyo naman po sa akin...


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

4 comments:

hansaveh mo?