Thursday, January 25, 2018

Soup

Check-up Time: 2:30pm

Apat na oras lang ang tulog ko, kahit na sabihin kong sanay ako sa kaunting tulog ay hindi ko alam kung anong meron sa araw na iyon at para akong lumulutang sa ere.

Image result for sleep head guy

Pinipilit kong ikondisyon ang sarili ko, hindi man napipikit ang mata ko senyales na ako ay inaantok eh alam kong sinasabaw ako.

Mahigit tatlopung minuto na lang eh mag-sisimula na ako sa mga gagawin ko sa opisina ng makatanggap ako ng text sa katrabaho ko...

Katrabaho: Asan ka?
Ako: Pantry
Katrabaho: Inaantok pa ako hahaha
Ako: Ako din
Katrabaho: Kape?
Ako: G lang
Katrabaho: Sige login muna tayo tapos punta tayo ng convenient store.
Ako: Push

Matapos namin mag login ay bumaba kami ng gusali para magpunta sa pinakamalapit na tindahan para bumili ng kape.


Tinungo ko agad ang lugar kung saan ako kukuha ng kape. Naglagay ng baso sa makina at namili kung anong klaseng kape ang pipiliin ko at kung gaano kadami.

Ganun din ang ginawa katrabaho ko. Nangmatapos na kami at nagtungo na kami sa kahera para bayaran ang kinuha namin. Pro-active si ateng kahera. Malayo pa lang ako ay nagtanong na sya nga mga kailangan ko.

Ateng kahera: Ilang cream at sugar sir?
Ako: 3 cream at 4 na asukal
Ateng kahera: kumuha sa lalagyan at nilagay sa paper bag
Ako: salamat ate (sabay abot ng bayad)


Nang makarating na ako sa station ko ay inilabas ko ang mga bigay ni ate para ilagay sa kape ko. Laking gulat ko ng biglang




































Yung totoo? Ano ang gagawin ko sa asin?


So sino ang mas sabaw sa amin ni ate? lolz



P.S. hindi ito ang unang beses na maranasan namin ng katrabaho ko ang ganitong kaganapan. Bumili sya ng hotdog sandwich. Dahil sa gutom na gutom na sya ay di na namin tiningnan ang label ng condiment na binigay sa amin. Laking gulat nya dahil hindi ketchup ang nailagay nga sa hotdog na binili nya.


































Ano kaya ang lasa ng hotdog sandwich na may siopao sauce? nyahahahahah

(credit to the owner of the first pic)


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

4 comments:

  1. Ay grabe. Baka naman may purpose. Salt can be added to coffee to lessen the bitter taste of the beverage. Baka naman ganun. Hahaha! Rix you should try to sleep more. Not good for the brain ang kulang sa tulog. Kahit sabihin mo na sanay ka na. Ako nga minsan ganun din pero automatic na ang katawan ko, na kapag day off ko, babawiin niya ang mga kulang na oras ng tulog. The other day, dahil two days akong kulang sa tulog, I slept the whole day. 8 pm nako nagising, pero nakatulog pa rin ako around 11:30 pm, matapos lumamon. Ang galing talaga ng human body no? Hahaha!

    As for the hotdog, baka nagbago lang ng recipe kaya siopao sauce na inilalagay? Hahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Same tayo. Kapag rest day ko alam ng katawan ko na kailangan ko bumawi ng tulog. Hahaha siguro nga ganun ang dahilan kaya binigyan nya ako ng asin sa kape. Wierd yata ng siopao sauce sa hotdog sandwich nyahaha

      Delete
  2. Ako, kinakain ko yung salt minsan as is. Kapag gusto ko lang ng maalat!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi ko kaya ang purong asin Sir OP hahaha

      Delete

hansaveh mo?