Ibang level na din pala ang pakiramdam kapag adulting na noh? Like hindi na simple ang problema mo unlike noong musmos ka pa lang na ang problema mo eh kung ano ang lalaruin mo, anong cartoons ang panonoorin mo, o ano ang candy na bibilhin mo sa tindihan. Parang ang haba haba ng araw mo na wala kang pakialam sa oras. Ngayon ikaw ang laging nakikipag habulan sa oras. Nakikipag habulan sa deadline, nakikipaghabulan sa appointment, nakikipag habulan sa due date at nakikipag habulan sa cut-off.
Kung noon na tahimik ka at pinag-i-isipan mo ang strategy nagagamitin mo para makalusot ka sa patotot sa patentero ngayon iniisip mo kung ano ang gagawin mong work plan para makahabol ka sa deadline dahil kung hindi masasabon ka ng boss mo.
Kung noon ang iniisip mo lang eh paano mo mabubudget ang allowance mo para makabili ka ng laruan na gusto mo ngayon eh ang iniisip mo na eh kung paano mo mabubudget ang sahod mo sa mga bills na kailangan mo bayaran.
Kung dati sa simpleng paluwagan ka lang sumasali para mapalago ang pera mo, ngayon eh masusi mo ng pingaaaralan kung saan mo i-e-invest ang pera mo para sa future mo kung may future ka nga! Charot.
Kung dati wala kang kapaki-pakialam sa hubog ng katawan mo dahil naniniwala ka sa mga sinasabi ng mga nakakatanda sa iyo na kailangan mo kumain para maging malakas ka ngayon eh puro diet naman at gym at pag try ng kung ano anong pampapayat, pampaputi, pampakinis ng balat ang ginagawa at ginagamit mo dahil gusto mo na maging appealing at halos sambahin ng mga tao ang katawan mo kapag nag-post ka ng topless o naka sexy outfit na damit sa FB.
Kung dati makapag lagay ka lang ng pulbo at cologne eh ayos na pero ngayon mas gusto mo na na magpahid ng mga linament, lagis at ointment sa mga kasukasuan mo para mawala ang pamamanhid at mananakit ng mga joints mo.
Kung dati puro kalokohan lang at kwentong barbero ang pinaguusapan nyo ng mga tropa mo kapag nag kita kita kayo sa inuman. Pero ngayon eh nagpapayabangan na kayo ng mga achivements nyo.
Kung dati kontento ka na sa pansit canton na instant for meryenda pero ngayon na can afford ka go na sa iced blended na coffee with matching slice na cake with dozen of pics and choose the super bongang picture to post in FB with a caption of "enjoying my daily dose of caffeine" ganyan.
Kung dati puro advice ka lang ng mga technique kung paano mo matatalo ang kalaban mo sa nilalaro mong video games, ngayon nagbibigay ka na ng advice sa mga kaedad mo ng tungkol sa buhay mo lalo na sa walang kamatayang issue tungkol sa pagibig na akala mo naman eh napaka dalubhasa mo sa larangang yan wag mo na ako charotin! umamin ka na.
Kung dati ang problema mo lang sa mga subjects mo eh ang math at kung paano mo maso-solve ang mga nyemas na mga problems. Ngayon personal problems at struggles na ang binibigyan mo ng solusyon.
Kapag naiisip ko kung gaano kamumplekado ang adulting mas gusto ko na lang bumalik sa pagkamusmos. Pero ano nga ba ang magagawa ko eh nandito na ako. Ikaw may Adulting issue ka din ba? Kung meron man sarilinin mo na lang. Nabasa mo naman na madami na ako issue eh di ba? Charot lang ahahaha
Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!
That was funny! haha akala ko manghihingi ka ng ibang adulting issue eh mukha ngang napakarami na.
ReplyDeleteWhen we were younger, we couldn't wait to get old. Ngayon, pwede bang bumalik muna? Kahit saglit lang. :p
Hahaha kaunti pa yan ser. Sana nga sana may time space warp. Chos
Deletemahirap pigilan ang pagtanda...kung dati tayo ay bata, tayo, ngayon medyo hindi na bata,hehe..
ReplyDeleteTanging bata na lang sa puso lol
Deleteadulting issuessss. juskoooooo lahat tayo nasa ganitong phase naaa. lol
ReplyDeleteAhaha nabasa ko nga last post mo medyo skughtly may issue ganito
Delete