Monday, September 17, 2018

mas random sa dati

Check-up Time: 9:00am

Buti na lang at di ako natuloy sa Baguio nung weekend, kung nagkataon eh inanod na din ako ng rumaragasang tubig pababa ng bundok. Iscarry underwood ang nangyari sa kanila kaya pinagdadasal ko ang isa sa mga lugar na taon taon ko ng pinupuntahan.

Hindi na yata ako papayat dahil sa puro eat-all-you-can ang trip ko ng weekend, sana naman may mag-offer ng diet all you can.

Binabraso ako na mag apply for promotion para lang saluhin ko ang tambak na trabaho ng mas malusog kong katrabaho na nagresign. Hindi yung parang si Riddick. Yung kamuka ni Maui sa Moana.

Parang gusto ko mag pa-facial with diamond peel mga 2 days 1 night para lang pag labas ko kasing puti na ako ni Kris Aquino o kaya yung masisilaw yung mga taong makakasalubong ko  ganyan. Charot!

Dalawang linggo ng mabagal ang innernet sa bahay, kaimBernadette Sembrano di ako makapagdownload ng nyorn. Charot! Movies yun. Yun talaga ang dinadownload ko.Kalurx Puro interactive voice response eh wala naman masyado interaction sa kanila.

Hay numinipis na ang buhok ko sa stress sana tulad ng pagnipis ng wallet ko dahil sa mga gastusin sa bahay. Buti pa ang gastos tumataas ang sahod hindi. sooooo Saklap!

Sana naman may maganap na maganda this week para makapagbago naman ng tinatamad kong mood. May magkakapera nga pala ako this week sige keri na yun. lolz

Gusto ko magtavel ulit kaso lang tamad talaga ako mag research at gumawa ng itinerary kaya naman siguro bukas alis ako ng Manila to go else where.. Ano daw?

Hay sinasapin nanaman ako ni Valak ngayon parang gusto ko na magpunta sa kama dahil valak ko ng matulog ulit dahil may shift pa ako mamaya.

O dyan muna kayo ang keep blog hoping. Mabuhay sana muli ang mga dugo ng dating bloggers hahaha

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

4 comments:

  1. Ayan, random stuffs nga. Pareho tayo sa dalawang puntos: pagnipis ng buhok dahil sa stress at gastos, at ang pagtaba. Daanin na lang sa pasyal. Ingat!

    ReplyDelete
  2. di ko pa na try kumain sa eat all you can..medyo namamahalan ako sa gasto..

    ReplyDelete
    Replies
    1. May mga affordable naman. May 169 pesos lol

      Delete

hansaveh mo?