Tuesday, December 20, 2022

J A P A N !

Check-up Time: 1:30am

Perfect talaga kapag may kaibigan ka na same ang wave length nyo sa kalokohan..

So here na nga, like I was going to Ayala North Exchange para makipag slight kiskisang siko with my old combergis folks.

Very maulan that day and mahirap sumakay ng bus, lucky me pansit canton at may dumating na bus na parang naubusan ng biyaya kasi 1/4 lang ang pasahero so ang chubby buddy nyo hop on na sa ride. I was sitting near the end of the bus and habang inaayos ko ang umbrella ni Rihanna at nagwa-wipe wipe ako ng basa sa damit ko napatingin ako sa right side ko at dun ko nakita ang nagpasaya sa araw ko...

Hongkyut kyut ng nakaupo dun...So pasimple ako na nag take ng vid at sinend ko sa mga mame-meet ko. sabi ko lang ayaw ko muna na umalis ang bus at di ako masyadong nag mamadali.... Tsarut lang!

I was happy while listening sa spotify ng kanta nung umandar na ang bus at may pasulyap sulyap pa kunwari patingin tingin kay kyut ang emote ko pero na brokenhearted ako when we reached Magallanes... Bumaba na si kyut.... at ito na lang ang nasabi ko sa kausap ko....






PS. last time na ginamit ko yang abbrev ng JAPAN eh nung nag sagot ako ng slumbook nung grade 6 ako. Ginamit na siguradong pangatong sa sinaing yung pahina nun. ☺



Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Tuesday, October 25, 2022

Walkathon for a cause

Check-up Time: 7:00am

It's been a while crocodile!

So ayun na medyo may kadamihan na din ang ganap sa life of a chubby guy at aminado na me, minsan eh sinusumpong ako ng katam. Ngunit, subalit, datapwat may ferzen na nag message sa akin sa pesbuk at may iskrin siyat ng blog ko... Sabi nya mag update naman daw ako...

Pasensya na po ah! Tsar lang!

So ito na nga, bata pa lang ako eh kind hearted na talaga ako at pinalaki ng mga parents ko na maging mapag kapwa tao. Syempre tsarut lang yun!

Ang totoo, nagsisimula pa lang ang journey ko sa blogging na natapos din naman agad ay may pinag dadaanan na ang mama ko. Nag relaps ng breast cancer sa kanya at this time ay nag metastasis (lakas maka matalino di ba?) na at nagkaroon na din sya sa liver at lungs. Dahil dun eh nahirapan na syang makarecover hanggang sa magbakasyon na sya for good.

So dahil nga ang Month na ito ay di ko lang birthday month, dahil ito ay breast cancer ay nag-SSS ako.... nagSariling Salat sa Suso. Tsarut! Pero seriously speaking ginagamit talaga ito for early detection. Ang talagang ginawa ko ay nakisali ako sa Social Awareness event ng lungsod ng Taguig para sa mga cancer survivor, patient at mga may early signs.








Kasama ang mga former psych classmate ko, hindi lang ako nakiisa dahil pang grupo ang katawan ko sa event na ito... We had like 5 km walk like super layo nya but its like super worth it kasi for a cause ganyan. 




And after pa nga ng walk, may pa zumba pa sila mayora. Syempre di ako sumali kasi nag ti-tiktok ako...







Sana dumami pa yung mga ganitong awareness campaign since isa ito sa mga sakit na wala pa talagang cure... 


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!


Wednesday, May 11, 2022

Sad

Check-up Time: 8:40pm

I'm broken... 

Not only broken but anxious, and lost.

I don't know what lies ahead but I hope He will guide me.... guide us...

di ka mag-eenglish for todays enrty pero yun na nga...



Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Thursday, May 5, 2022

11:32pm thoughts

Check-up Time: 11:32pm

I was making chika with my friend lang siguro mga ilang weeks na ang nag-past and we are discussing stress sa trabaho kaya people like to quit na sa mga work nila dahil sa mental stress kinemeruth.

I was under so much stress that time kasi I'm looking for a new job and like it reached to the point na na I felt so useless and I was so shunga and all that tapos she told me na she felt it din daw when she quit as a manager ng corporate world and then look for another job. She is making isip like what is going on with her life? Bakit parang it's not making any sense, no direction and all. She said she wanted to have a job. Not just a job pero good paying job kaya sobrang ang pressure nya like a pressure cooker sa self nya to have a trabaho pero since its not working she made a little assessment nga. She said to her sarili na why do I need to get a job with a really big sahod and in the end eh she will face a lot of problema and stress. Very not nakaka pretty. So what she did is she make kwenta her monthy expenses and possible na mga bills and all that chenes and then she look for a trabaho with that range lang. She manage to get a job and she said that she never feel any stress kasi she is not making isip na ng too much about the work kasi she is being paid for according sa work nya so wala ng mga extra and on the said kasi she is only paid based on her scope lang talaga na not so broad unlike nung manager sya.

Finally I was hired na din after a few weeks, to be honest di ko sya masyado gusto dahil yung offer is not what I expected pero nagulat ako kasi I saw a lot of opportunity here and also, based on my personal assessment I'm not maiistress na very much kasi like kaya ko yung work as in super. Dun ko na alala yung chismisan namin ng friend ko and I told her, I think I understand you na. I think I know the reason why dito ako na punta sa company na ito. The sahod is not fabulous pero the work is not stressfull tapos the food is always pa buffet pa. Parang laging may birthday.

Minsan talaga hindi binibigay sa atin ang bagay na ayaw natin maramasan na ulit at dun ka napupunta sa path na gustong gusto mo.



Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Thursday, April 28, 2022

Tax payer na ulit ako

Check-up Time: 6:12pm

Sa wakas after 3 months ng depression at anxiety dahilan sa paghahanap ng trabaho eh employed na ulit ang tiyabi...

Ang hirap maging responsible na person for the family, for yourself at for the bills tsareng!

Sinubukan kong itry ang industriya ng virtual assistant kaso lang mukang mauuwi sa virtual ang pangarap na yun dahil sa hindi naman daw sapat ang skill set ko para makakuha ng kliente. Muntik na akong maging star ng porn dahil sa kailangan ko ng mabilisan kita ng pera pero na isip ko walang mag-kakaintires na silipin ang mga bilbil ko kaya change of plan. 

Sa lalong madaling panahon kailangan ko maghanap ng trabaho kaya bumalik ako sa industrya ng mga bayaning puyat pero walang rebulto. Tsariz!

Hindi ko nga maiwasan na manggalaiti sa galit dahil sa panahon na kailangan ko ng trabaho eh walang gustong magtiwala, pero nung natanggap na ako at nakapirma na ng kontrata sa starmagic sarap, ang mga damuho saka nagsipag tawag at pinag-i-invite ako for interview.

Ang naging delema ako lang ay kung itutuloy ko ba ang trabaho na sapat lang ang sahod para mabayaran ang mga bills mo at makatawid sa pang araw araw pero di gaanong stress o may kataasan ang sahod pero araw araw na gasgas ang lalamunan mo sa kakachika sa mga customer mo.

Nagpa-poll question ako sa mga kakilalang nasa parehong industry at unanimous ang desisyon hahaha di tayo magiging gahaman ang magiging mukang pera at di kailangan mastress kaya naman ito ako ngayon pinagpatuloy na ang training ko...

Lets see kung tama nga ang desisyon namin na dito na lamang ako mamalagi...




Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Monday, February 21, 2022

Ambag!

Check-up Time: 2:32pm


Bakit nga ba ngayon kapag nagagalit sa sangkapuluan sa isang tao o group laging ang tanong eh kung ano ang ambag nyo?

Hoooy di naman ako na inform na palagi pa lang may handaan sa pilipinas at kailangan laging may handa.

Nung nag sisimula pa lang ako maghanap ng trabaho nahihirapan ako sagutin yang tanong na yan, kulang na lang sabihin ko "wala pa po akong pangambag, sa sahod na po kapag tinanggap nyo ako" kaso baka lalo ako di ako makuha sa inaapplyan ko.

Big deal na pala ngayon ang ambag ng mga tao sa lipunan, paano na lang ang mga walang pera at walang maambag? Kawawa naman sila.

Okay lang naman kahit di sosyal ang ambag di ba?

Next time nga kapag tinanong ako kung ano ang ambag ko, makikiusap na lang ako kung pwede pancit canton na lang muna kasi wala pa akong pera..

Emeh!


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Thursday, February 3, 2022

Rampu!

Check-up Time: 12:01pm

Yes oh yes 2021 is one of a heartbreaking year for me as it literally broke my heart.

Kinda sad but what else can we do, sabi nga ni Vice ang may mga kasalanan talaga minsan sa isang pagsasama ay yung taong di na kuntento dahil ang salitang sapat ay very subjective. So maaring para sa aking sapat ang nag ibibigay ko pero maaring madaming hinahanap sa akin na wala naman ako....

So bakit kailangan madrama ang entrada? Dahil hapon na, simula na ng dramarama sa hapon. Ems!

Dahil nga sa nangyari eh ayun nag enjoy ako sa paglabas labas nung binaba ang mga restrictions kineso and I took that moment to have time for myself. Huuyy! Hndi naman kailangan mag english? Ems ulit!

So ito na nga dahil sa lahat virtual nung panahon ng pandemic na very dramatic, ayun nagkaroon ako ng mga virtual friend, it so happen na mga gala din sila so alam nyo na... Gala plus gala is equal to lamyerda...

Pinuntahan namin ang isa sa mga nagiging kilalang resort sa Cavitey Zirey ang Villa Colmenar... So ayun na nga, ito yung sinasabi ni lang Santorini of Cavite.

Wait lang ito na nga, alam ko naman na gusto mo makita ang picture.. So ito na... handa ka na ba? Sure ka na dyan? ems!






Hitzaprenk!


Video talaga yan sa tiktok dahil di ako makapag send ng pic from my phone to desktop... Hindi pa dumadating yung connector na binili ko sa shopee so for now yang lang muna... Patawad naman.


O sya dyan na muna kayo at kailangan ko muna magbanat ng buto.... 




Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Wednesday, February 2, 2022

Date?


Check up time: 10:47pm


Oh eh sya, makiuso tayo sa tiktok...

Balakayojan!







Check-up Time: Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Tuesday, February 1, 2022

Oh my Gerd

Check up time: 3:26 pm

Sooooo ito na nga Diyosme! After soooo long long time ago, I can still remember... Ems!

Kelan na nga ba ang huling time na nakagawa ako ng entry dito? (So bat ako nag tatanong pwede ko naman kasi i-check...

Anyway, highway, Skyway, milkyway there's no other way I did it myyyyyyyyyyyy huwey!

So sa people that usually blogs are not using different platform na talaga to express themselves. Pero ganun talaga ang buhay everything is evolving, everything needs to change height ko na lang ata at BMI ang di nag babago....

I hope I was able to share a lot of thing that I did last year... ang mga adventures and misadventures ko like before... And now na meron na ulit akong access. Well well sabi nga ni Leni... lalaban ako... lalaban tayo Emeh!

I really miss putting entry here.. probably sharing my Tiktok antics na din...


Check-up Time: Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!