Wednesday, April 20, 2016

Hello from the other side...

Check-up Time: 2:46am

 Stress eating!

Dahil sa anxiety ko more more ang lafang kez. Okay lang sana kung reverse ang effect sa akin ng stress yung mashu-shut down ang appetite ko kaso hindi eh... Super Shuba.. Ang shuba shuba ko na ulit. Alarming and scary na ito fwomiz! Mas lalo nakakadagdag ng frustration ang naramdaman ko na somewhat like rash guard na ang mga damit mez dahil sa kashubaan. Haizt


Frustrated.

Nakakafrustrate malaman na ilan na lang ang damit ang kasya sa akin. Shuzmey! Hindi sya nakakatuwa. Tapos kapag pupunta akiz ng mall ang hirap mamili ng damit na kasya at bagay sa katawan kez at yung mukang okay ang itsura sa akin. Medium na ang size ko.... MEDIUMalaki Haizt!!!


Frustrated again..

May inapplyan ako ng internal job posting sa werk werk werk werk werk. Sabi ko kung magegetsung ko itez, this is it for another plate of pansit. I'll stay for years pa sa company pero if witit then, hinhintayin ko nalang ang sunod ko na anniversary sa company na itez then I'll bid goodbye.


Frustrated more...

Naaansya na ako sa mga monster ko sa summoners war na game. Taas na ng level ko kaso lang ang hihina nila. Wit nila makeri yung mga players na mas mababa pa ang level sa akin.


Hagardo Verzosa.

Gravity! Ang jinet jackson nowadays, Parang kaunting kilos mo lang jajabarin ka agad. Susko buti na lang di ako naging merlat dahil kung lalabas ako ng naka make up eh hulas na agad sya sa fesang ko di pa man ako nakakalayo ang balur.


Imbernadet Sembrano.

Ang bilis malustay ang andakels. Parang nagslide lang sya sa palad mo every after ng payday. Kung sino man ang uupo na Vayz Preysident shoes ko! Sana ay panindigan nyo ang sinabi nyo nung debate kung saan nagsagutan si Cayetano at si Marcos na ibababa nila na sing baba ng baba ni Babalu ang income tax dahil kung hindi. Wala naman ako magagawa mga echusero!


Harsh puppy.

Grabe ang debate ng mga VP aspayrans last last Sunday. Nauga ang bagang ko dahil sa tindi ng emoshen at tindi ng bakbakan nila. Si Chiz lakas maka fliptop, si Cayetano ang pears nya. Si Honasan keber lang, si Marcos hmmmm keme lang din, Si Robredo so so ang dating at si Trillanes natawa ako nung kinuwestion nya si Cayetano kung keri nga nila baguhin ang Pinas in 6 months. Til now hindi pa rin ako sigurado kung sino ang bet ko maupo bilang VP.


Antokyo Japan.

Hindi ko ma-nose line kung bakit sobrang antokin akiz nowadays. Siguro sinisingil na ako ng chubby kong katawan sa mga panahon na laging kulang ang orlok ko.


Happy peanuts

Akalain mo yung naging top agent pa ako ng quarter 2 sa program namin. Hindi ko naman hinahangan yan mas gusto ko pang binigyan nila ako ng pera. Charot!


Heny waiste bago ko tapusin ang entry na ito nais ko magpasalamat kay Bella at kay Arvin sa pag-follow sa  pahinang ito. May mga nagfo-follow pa pala talaga sa blog lolz

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Thursday, April 7, 2016

Tanong lang po...

Check-up Time: 2:48am


Kailangan ko po ng advice. Napapansin ko po kasi na yung partner ko , laging may kausap sa phone at sa tuwing lalapit ako binababa nya kaagad. At na papansin ko rin na lagi nya syang gabi umuuwi at sa tuwing tatanungin ko sya lagi nyang reason na nag oovertime sya sa work nya pero chineck ko yung payslip nya wala naman syang overtime fee at nagtataka ako na thrice a month daw silang nagkakaroon ng team building kaya nag punta na ako sa boss nya at nagtanong kung ganun nga yung ginagawa nya pero sabi ng boss nya 1 beses pa lang nag ti-team building. Sabi ng mga co-officemates ng partner ko minsan absent pa daw sya. The next day aalis nanaman sya para umattend sa meeting kaya sinundan ko sya at di kalayuan sa lugar namin nakita kong may nagaantay sa kanya. pinatay ko yung makina ng motor ko pra hndi marinig , at nung aalis na silang dalawa , susundan ko dapat pero pag kambyo ko, biglang namatay ehhhhhhhhh.... 











Saan po kaya ang problema nun? Sparkplug po kaya o sa main engine?



Yung totoo muntik nang hanapin ng taong nagtanong nyan sa akin ang ulo nya sa payatas nung sapukin ko sya,

Natuwa akerz dahil hindi lang pala akerz nag iisa. May Baliwag, Bulacan pa pala na tulad ko how-Eva Fonda, slightly scared akerz kasi mukang mas malala ang pagka baliwag nila sa akin (pero parang same lang din naman ng level, ganern!)

Nasabi ko na lang sa kanya ay sira ang ulo nya. Bakit agad sya kumambyo eh hindi nya pa nasususian ang motor nya. Saka bakit sya kumakambyo eh babae sya (lalaki lang ang makakaintindi nito. Pero teh, kung girlalet ka at alam mo iterz... Wagi ka!)  Pero pinalakpalan ko sya ng 3 beses para sa effort nyang magisip ng eksena para magtanong sa akin.


Bweno! nawa'y may napulot kayo sa walang kakwenta kwentang isinanguni sa akin ng damuhong kaibigan ko.


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Tuesday, March 22, 2016

may sapi

Check-up Time: 3:40am

Ang gulo gulo ng mundo ko ngayon. Para syang kuko ko sa paa na matagal ng hindi nalilinisan. Habang tinitignan ko sya ay nararamdaman ko ang kirot ng talampakan ko dahil sa pagkakatapilok ko ilang lingo na ang nakaraan.

Ano na kaya ang temperatura sa Baguio ngayon? Nung nakaraang linggo lang eh nandun ako. Kahit na gusto ko magpapayat eh kain naman ako ng kain dun. Namiss ko ang strawberry ice cream pero tama nga, mas marasap pa rin ang prutas na strawberry yun nga lang maasim asim sya.

Hanggang ngayon nagrerevise pa rin kami ng thesis namin. Hindi ko alam kung ilang rim na ng bond paper ang nasayang kakaedit. Hmmmm ilan kayang puno na ang nagbuwis ng buhay para lang sa thesis na yan? Nalulungkot ako para sa puno.

Tumataas na ang hair line ko tapos nagsisimula ng maging manipis ang tubo ng buhok ko. Oh my God! ang mahal talaga ng kilo ng brown rice. kung sana ay meron pa ring unlidata ang lahat ng network sa Pilipinas kahit papaano masaya ang mga hardcore net user na tulad ko.

Nakabili ako ng halaman na mint nung nagbakasyon ako. Mura na sya sa halagang 50 pesos iniisip ko na pwede ko na ihalo sa tsaa ko, may pangontra pa ako sa lamok. Ano kaya ang halaman na pangontra sa mga daga?

Gusto ko na magbakasyon dahil gusto ko na ulit maranasan ang hayahay na buhay. Pero ayaw ko pumasok sa school sa summer para magreview sa board exam. Ewan ko ba bigla akong tinamad at nawalan ng gana. Siguro gusto naman makaramdam ulit ng katawan ko ng mahaba habang tulog. Shemay! Sira na pala ang kutson na tinutulugan ko. Makikitulog na lang ako sa kwarto nila Diko.

Hayzt! Bakit ba ang gulo gulo ng entry na ito? Para namang walang sense ang mga sinasabi ko. Siguro nga ganito talaga kagulo ang utak ko ngayon dahil sa stress. Teka ngayon lang ba ako magulo? Saka may utak nga ba ako? Kung talagang malaki ang binbayaran kong tax, wag na din kaya ako magtrabaho para wala silang makolekta....


Tingin mo?


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Sunday, March 13, 2016

Hindi ito bastos...

Check-up Time: 1:19am

Bago pa lamang ako noon sa kumpanya na pinapasukan ko natural na nakikibagay at nakikisama ka pa sa mga bagong taong nakakasalamuha mo kaya naman kung saan sila pumunta hindi maiwasan na sasama ka sa kanila.

9pm to 6am ang schedule ko nun ang mga kasabayan ko sa shift mga pang derby, sobrang cowboy. Okay naman sa akin ang mga ganun buti na yan walang masyadong maarte kung meron man magiinarte sa amin sigurado ako yun lolz.

Lunes ng araw na iyon, putek! Kasumpa sumpa... Queueing kaya naman  gasgas ang lalamunan mo kaka-kausap ng mga tisoy at tisay. Sigaw dito, sigaw dun, mura dito, mura don. Umaatikabo ang bakbakan kaya naman after nga shift lupaypay ka na dahil sa pagod.


Gustong gusto ko na umuwi nun kaya naman honda ako. Pagpatak ng 6am. Logout agad ako sabay walkout sa station at kuha ng bag sa locker, labas ng building at sakay ng jeep pauwi.

Nung paakyat na ako ng jeep ay may isang service crew na namimigay ng flyers para sa bagong bukas na kainan sa buendia kinuha ko ito pero hindi ko tinignan. May 10 minutes na akong nakasakay sa jeep ng biglang sumakay ang 3 barako kong mga sabay sa shift na pang derby. Nagngitian lang kami pero hindi ko inattempt na kausapin sila dahil pagod na ang lalamunan ko. Pero sila alive pa din sila sila ang nag ku-kwentuhan.

Hindi ko alam pero parang may dumaan na angel sa gitna ng jeep at biglang nagkaroon ng kaunting katahimikan. Hindi pa din umaalis ang jeep dahil pinopuno pa ni kuya driver ang jeep nya ngunit nabasag ang katahimikan na yun ng biglang magsalita ang katapat kong katrabaho na pang derby. 












































"Pare tara, SEx tayo!" 
































Hindi ko maiwasan na mapangiwi sa sinabi nya. Napansin ko din na nanlaki ang mga mata ng mga tao nakasakay namin sa jeep. "Sige tara sex muna tayo" sabi ng katabi nya na kawork ko din na pang derby. Medyo nahihiya na ako para sa mga kawork kong mga pang derby kaya yumuko na ako pero nabigla ako ng inagaw ng isa sa kanila ang flyers na hawak ko sabay sabing

































"Sige tara, gutom na din ako. mukang  masarap dito sa Sinangag EXpress"



















Halos pare-pareho ang reaction namin ng ibang pasahero sa huli naming narinig. Hindi naman namin kasi alam na ang tinutukoy pala nila eh yung bagong restaurant sa Buendia akala naman namin eh kung ano na.













































Hayzt! akala nyo din bastos noh? wag kayo mag-alala nung akala ko din bastos. Pero sa totoo lang masarap ang longanisa sa SEx hindi nga lang ako kumakain ng kanin.



Hindi pa rin tapos ang walang katapusang revision sa thesis namin. Napapagod ako lalo dahil sa nakakastress maghabol ng deadline. Mas lalo tuloy ako nagiging sakitin dahil sa kulang sa tulog. Mukang susundin ko na din ang payo ng 2NE1 na labanan ang sakit...










(credits to the owner of the pic)

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Monday, February 29, 2016

Tiyabi

Check-up Time:2:22am

Hindi ko alam pero lately eh madami akong nakikita na couples na either yung lalaki ang chubby tapos sexy ang babae o chubby ang babae pero hunk o slim ang lalaki.

Sa totoo lang bilang isang chubby natutuwa ako makakita ng mga ganito dahil lumalakas ang loob ko na may pag-asa ang mga tulad naming chubby na makatagpo ng tao na tanggap ang bawat layers ng fats namin, umaalog naming mga tyan sa bawat hakbang namin at ang mga pumuputok naming mga tyan.



Sa totoo lang bata pa lang ako ay tabain na talaga ako. Ewan ko ba napakasarap naman kasing kumain. Nung nasa elementary ako, sinama ako ng teacher ko bilang benificiary sa gift giving activity ng mga taga-Don Bosco (proxy ako kasi may sakit yung ka-klase ko) para sa mga malnorished na estudyante. Medyo hesistant ang nagbigay ng lootbag na may lamang bigas, noodles at delata sa akin. Sa tingin nyo bakit kaya?

Kahit na nung nagkasakit ako at nasa hospital, may gerd! nahiya ang mga pasyente sa ward namin dahil ako lang ang may sakit na magana kumain.

At dahil sa tamad ako noon sa mga gawaing bibigay ka ang todo todong effort eh hindi natatagtag ang taba ko at di na nila ako tinantanan since then. At dahil sa paglobo kong ito ay unti unting nawala ang self confidence ko dahil sa alam ko na hindi ako yung tipo na kayang magpakuha ng litrato ng naka topless (Ewan ko lang kung di mabigla ang makakita ng picture ko na nakatopless sa laki ng manboobs ko. lolz!).


Lalo  pang nag pababa ng kumpiyansa ko sa sarili ay ang discriminashen sa mga tiyabi. Dati kapag tiyabi ka wit ka pwede maging bida. Di ka pwede ka magka-lablayp ng maganda at sexy / gwapo at hunk. Hindi ka pwede maginarte kasi nga mataba ka dapat ang mag iinarte lang yung mga petite ganown.

Ilang beses na din ako na hopia kapag sasabihan ako na ok lang daw kahit na chubby ako, masarap naman daw ihug (stuffed toy?) pero hanggang salita lang yun dahil mafe-friendzone ka lang o kaya naman eh bigla na lang mawawala at di na magpaparamdam. Pero ayos lang naman yun, Mahirap ang ipilit mo sa tao na tanggapin ka kasi alam mo na hindi pure ang lahat ng ginagawa nya sa iyo unlike sa tao na ikaw na ang umaayaw eh sila ang lumapit sayo kasi tanggap ka nila kahit na sangkaterba ang cellulite mo.

Pero ewan ko, sadya nga siguro nagbabago ang mga trip ng tao (O yung iba nakikiuso lang). Bakit????

Nang una akong makapunta sa Boracay natuwa at na amaze ako sa mga tao dun. kasi yun lang ang lugar na napuntahan ko na hindi nadiscriminate ang taong mataba kasehodang nagmumura ang mga cellulite nila sa binti, braso at sa tagiliran ng katawan. Deadma sa sa earth kung pang patatim na yung binti mo basta fierce ang swim suit mo. Keri lang kung nauuna ang tyan mo sa dibdib mo kapag suot suot mo ang very sexy mong trunks at ang pinakanakakalurkey dun eh ang makita mo na naglalakad ang mga couples na nakaholding hands na either si girl o si boy ang chubby.


Nasabi ko tuloy sa sarili ko "Shet! may pag-asa pa pala ako na may makalambuchingan sa beach". Laki ang pasasalamat ko kay Leonardo DiCaprio kahit na hindi ko sya masyado bet (alam ko naman na di nya rin ako bet so fair enough! choz lang) ng dahil sa kanya nauso ang dadbod pero hindi ko maconsider na dadbod ang katawan ko dahil hindi mukang daddy ang katawan ko, muka akong tao na may salbabida sa loob ng damit hihi.


Sa totoo lang iba din ang respeto ko sa mga tao na napili na magmahal ng mga chubby (o masasabi ko na mataas ang respeto ko sa kanila), dahil sa mundong ito na madami ang matang mapanghusga ay pinili nila ang kagustohan ng puso nila na mahalin at makasama ang tao na gusto nila sa kabila ng malalaki nilang size kesa sa isipin kung ano ang sasabihin ng publiko sa kanila.

So ano nga ba ang pinaglalaban ko dito sa post kong ito?????


























Wala naman

gusto ko lang sabihin na chubby ako!













Utang na loob hanapan nyo na ako ng love life...........















Charot lang! Sa totoo lang masayang masaya ang puso ko hihihi.

(credits to the owner of the pics)


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Thursday, February 4, 2016

Putukan na!

Check-up Time: 10:49pm

Hey! Hey! Hey!

This is it for another plate of pansit! May ma-intro lang haha.

Henny waist!

Sooooooo this is Pebrero ang buwan ng mga puso (Wala nito ang karamihan sa mga pulitiko at masasamang loob dahil madalas sila sabihan na wala silang puso). Ikaw, masaya ba ang heart mo?

So ito na nga, kung para sa mga bitter at mga single pagtapos ng Feb 13 ay Feb 15 agad, para naman sa mga taken at umiibig ang Feb 14 ang super extension ng New year at Chinese new year... Kung nagtataka kayo kung bakit, eh sabi nga ni Shalani.... 1, 2, 3..... Putukan na!!!! Chars!
 
Sigurado madami nanamang tao sa Tagaytay at Baguio. Crowded ng mga mall lalo na sa sinehan. Bonga din ang mga tao sa mga park at restaurant at ang nakakagimbal..... Baka maramdaman mo ang pagyanig sa tuwing dadaan ka ng inn, motel, hotel at appartel. Charut lang!
 
Anyway sa kung paano nyo ipagdidiwang ang araw ng mga puso sana ay i-enjoy nyo ng full blast yan dahil last nyo na yan....



























































This year. Next year na ang sunod... Bakit 2 beses ba sine celebrate ang Valentines? Isa lang naman di ba? lolz 


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Thursday, January 28, 2016

aksidente

Check-up Time: 11:05pm

Pasado 11:30 ng gabi ng binabaybay ko ang kahabaan ng abenida ng Ayala dahil sa dulo noon ay sasakay ako ng bus patungo ng Bicutan.

May mga nakakasabay ako maglakad pero mangilan-ngilan at bilang lamang sa daliri ang mga nakakasalubong ko. Dahil maliwanag naman ang ilaw ng kalsada at ganun din ang mga ilaw ng sarado ng tindahan ay hindi nakakatakot maglakad sa daan.

Medyo may kalamigan ng ihip ng hangin dala na rin siguro ito ng hanging amihan. Dahil sa lamig na nararamdaman ko ay hindi ko rin magawang maglakad ng mabilis magpatakbo ng sasakyan.

Hindi ganun kadami ang mga nagdadaan na mga sasakyan sa kalye palibhasa karamihan ng mga tao sa naturang lugar ay nasa kanilang mga tahanan na at nagpapahinga kaya naman ang ibang mga sasakyan ay mabilis kung magpatakbo.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay naka saksi ako ng isang aksidente na lubha kong ikinabigla.

Tumatawid na sa kalye ang mag-i-ina ng biglang sinalubong sila ng bus. Ilang segundo akong natigil sa kinatatayuan ko dahil sa pagkabigla sa nasaksihan ko.

Hindi ko na namalayan na may mga butil na ng luha na pumatak sa mata ko. Marahil ay awa sa naging biktima.

Patakbo kong nilapitan ang mag-i-ina. Nakita ko ang ina na inaakay ang kanyang anak sa tabi ng kalsada. Medyo nanlalambot ako tuhod ko habang papalapit ako sa direksyon nila.

Hindi ko na napigil ang sarili ko na mangatal ang boses nang tanungin ang ina nila.

"Buhay pa po ba ang anak nyo?" tanong ko.

Tinitigan ako ng ina. Ang tanging nasabi nya lang ay......















 
Meow!





Patok na patok ang kwentong barbero na ito sa opisina. Pero sa hindi ko malamang dahilan bakit ang pusa ang naisip nilang imurder. Lolz.

Matagal tagal ng walang nag-a-add sa pahina ko at mas madami pang nag-unfollow. Pero dahil nga walang permanente sa mundo kung di pagbabago ay hindi ko din mapipilit ang tao na manatili at umalis subalit kung may aalis ay meron namang papalit. Sa aking gunita, eh mahigit kumulang isang taon na ng may huling nag-add sa walang ka-kwenta kwenta kong pahina pero, ngunit, subalit nais kong pasalamatan Si Otap ng Since 2011 at si Nyabach0i ng Mga Kwento Ni Nyabach0i sa pag add sa pahina ko.

Medyo nanginginig ang mga fats ko at lumusog lalo ang manboobs ko sa pag-follow nyo. Welcome sa Asylum ko. Naway maaliw kayo sa kung ano man ang mabasa nyo.

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!