Thursday, January 28, 2016

aksidente

Check-up Time: 11:05pm

Pasado 11:30 ng gabi ng binabaybay ko ang kahabaan ng abenida ng Ayala dahil sa dulo noon ay sasakay ako ng bus patungo ng Bicutan.

May mga nakakasabay ako maglakad pero mangilan-ngilan at bilang lamang sa daliri ang mga nakakasalubong ko. Dahil maliwanag naman ang ilaw ng kalsada at ganun din ang mga ilaw ng sarado ng tindahan ay hindi nakakatakot maglakad sa daan.

Medyo may kalamigan ng ihip ng hangin dala na rin siguro ito ng hanging amihan. Dahil sa lamig na nararamdaman ko ay hindi ko rin magawang maglakad ng mabilis magpatakbo ng sasakyan.

Hindi ganun kadami ang mga nagdadaan na mga sasakyan sa kalye palibhasa karamihan ng mga tao sa naturang lugar ay nasa kanilang mga tahanan na at nagpapahinga kaya naman ang ibang mga sasakyan ay mabilis kung magpatakbo.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay naka saksi ako ng isang aksidente na lubha kong ikinabigla.

Tumatawid na sa kalye ang mag-i-ina ng biglang sinalubong sila ng bus. Ilang segundo akong natigil sa kinatatayuan ko dahil sa pagkabigla sa nasaksihan ko.

Hindi ko na namalayan na may mga butil na ng luha na pumatak sa mata ko. Marahil ay awa sa naging biktima.

Patakbo kong nilapitan ang mag-i-ina. Nakita ko ang ina na inaakay ang kanyang anak sa tabi ng kalsada. Medyo nanlalambot ako tuhod ko habang papalapit ako sa direksyon nila.

Hindi ko na napigil ang sarili ko na mangatal ang boses nang tanungin ang ina nila.

"Buhay pa po ba ang anak nyo?" tanong ko.

Tinitigan ako ng ina. Ang tanging nasabi nya lang ay......















 
Meow!





Patok na patok ang kwentong barbero na ito sa opisina. Pero sa hindi ko malamang dahilan bakit ang pusa ang naisip nilang imurder. Lolz.

Matagal tagal ng walang nag-a-add sa pahina ko at mas madami pang nag-unfollow. Pero dahil nga walang permanente sa mundo kung di pagbabago ay hindi ko din mapipilit ang tao na manatili at umalis subalit kung may aalis ay meron namang papalit. Sa aking gunita, eh mahigit kumulang isang taon na ng may huling nag-add sa walang ka-kwenta kwenta kong pahina pero, ngunit, subalit nais kong pasalamatan Si Otap ng Since 2011 at si Nyabach0i ng Mga Kwento Ni Nyabach0i sa pag add sa pahina ko.

Medyo nanginginig ang mga fats ko at lumusog lalo ang manboobs ko sa pag-follow nyo. Welcome sa Asylum ko. Naway maaliw kayo sa kung ano man ang mabasa nyo.

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

16 comments:

  1. wahaha! anu ba yan pusa lang pala lol
    pero nakakaawa pa rin, cat lover kaya ako XD

    sakin din wala nang naga-add lols

    ReplyDelete
    Replies
    1. I know lolz.

      Medyo mahina na ang blog ngayon noh?

      Delete
  2. Kawawa naman at kung sino man ang pasimuno ng kuwentong ito ay hitik sa imahinasyon at mahilig sa suspense. So nilibing ba yung pusa?

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay hindi ko alam. Wait tatanong ko ☺

      Delete
  3. Hahaha. Sabi ko na nga ba may twist sa ending. I saw this coming :)

    ReplyDelete
  4. Hahaha. Sabi ko na nga ba may twist sa ending. I saw this coming :)

    ReplyDelete
  5. ha ha kawawang pusa ... nice twist : )

    ReplyDelete
  6. My god!!! hahaha pusa lang pala hahhaa

    ReplyDelete
  7. Bakit pusa?? Bakit?? Hahaha..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha hindi ko alam. Sila may pasimuno nun

      Delete
  8. Kinilig naman ako sa pafollow back!

    ReplyDelete

hansaveh mo?