Check-up Time: 7:23pm
Aloha-Mora mga tambay sa asylum ko!
Haluuuuuuu! Haluuuu! Haluuu!
Ay nandyan pala kayo, nakatalikod kasi ako ahahahahaha.
Kamusta naman? ako eto pata pa ang katawan ko dahil sa pagod ko sa vacay ko sa summer capital of the Philippines, sa city of pines saan pa nga ba eh di sa Baguio. Pinahulaan ko po sa inyo yun kaso lang itong si Jun ng Life and Spice eh lakas maka spoiler kaurat di ba? chars lang Jun. Moving on and on and on ano pa nga ba ang gagawin ko edi mag kwento ng lakad ko... so eto na nga...
Amaze ako sa view nung papunta pa lang ako sa Baguio kaya naman kahit na mukang magkakapigsa na ang pwet ko sa kakaupo eh deadma lang.
Medyo maulan sa Baguio nung dumating ako |
Pagkatapos ko ilapag ang gamit ko ay inikot ko muna ang buong bahay at tinignan ang view sa bintana. Kitang kita ko ang Microtel sa silid ko. Matapos kong mag hilamos ay eto na sinimulan ko nang mag-ikot sa city of pines. Dumaan muna ako ng SM Baguio dahil naalala ko na di ko nahiram ang sandals ni Paping na dapat sana ay gagamitin ko. Bumili na din ako ng sabon, shampoo, toothpaste at wet tissue dahil ina-anticipate ko na ang mga lugar na maputik.
See, Medyo madilim di ba? makulimlim kasi eh |
Nakakatawa dahil sumuot ako sa isang street kung saan ang dulo nito ay natumbok ko ang PWU at ang Baguio University, lumakad ako pa kanan sa kalye ng UB at nakita ko naman ang iba pang mga paaralan sa lugar. Hmmmmm mukang ito ang U belt nila dito. Hindi ko alam kung nawawala na ako dahil sa medyo wierd na ang lugar kung saan ako, kaya minabuti ko ng magtanong. Tama naman pala ako sa tinatahak ko dahil sabi ng kuyang napagtanungan ko eh pag sinundan ko ang kalsada na nilalakaran ko ay matutuntun ko din ang daan pa tungo sa liwanag... chars! sa simbahan na hinahanap ko...
Sarado ang Cathedral ng marating ko sya, natural di naman araw ng pangilin kaya naman di ko na pinwersa makapasok nagpikture na lang ako sa labas. Effort ang post ko-kuha ko peg dahil ako lang mag-isa kaya naman nakiusap ako sa mga estudyante na nasa paligid kung pwede nila ako kunan. Di ako satisfied pero pewde na din.
Salamat sa mga studyante doon may picture ako sa Baguio Cathedral |
Syempre, palalagpasin ba ang moment na ito? Umiinstagram din dahil may time |
Masarap ang pasta nila, sapat ang anghang para sa akin na ng mga panahon na iyon ay panay ang pagtagas ng sipon ko sa lamig. Medyo wierd nga lang dahil sa nakalagay ang chili con sa pasta. Ang pizza nila ay kakaiba din dahil sa puro gulay ang laman, natutuwa ka dahil sa sobrang soft ng crust nya eh nag be-blend ang lasa ng mga gulay, perfect talaga sa mga vegetarian at mukang simple pang gawin kahit sa bahay I definetely recommend this to all of my friends.. master chef? ahahaha basta kasi masarap sya.
Medyo maaga ako umuwi ng bahay dahil alam kong magiging ethnic ang skedyul ko, ethnic talaga? ahaha.
Alas-singko ng umaga ng maggayak ako para sa day 2 ng Baguio tour ko, ganda pakinggan parang reality show lang ahahaha. So eto na nga, first stuff..... stuff toy! chars ulit, ang unang lugar na pinuntahan ko ay ang Botanical garden, Nagpakuha ako sa dalawang hippy na igorot doon. Bakit hippy? eh sila pa ang nauna magpost ng japan japan sa akin eh ahahaha.
Solowista lang ang peg ehehe. |
Sa Botanical Garden, nakita nyo sila lolo at lolang Igorot, di ba? japan japan!!! |
Sa mini amphitheater nila, liberated si ate kaya hayaan na sya ok? ehehe |
Picture picture din sa mga bulaklak na nandun :D |
Tumpak! si Diyalibi ang endorser nila. Idol ng horsie na ito ang current judge ng AI... walang iba, si Nicky Minaj ahaha |
Sa paglalakad ko sa park nakita ko itong lugar na ito, na curious tuloy ako... lahat ng pagkain dito gawa sa ketchup? |
Ang picture namin ni Boomer at ang pag-e-emote ko habang tinatanaw ang nature, ganyan.... |
lumabas at sumampa pa ako sa bakod para lang kumuha ng pic, yun pala may mas effortless na spot para kunan yan. |
Henny waste let move on na from there sakay ako ng taxi papuntang Camp John Hay nadaanan ko ang The Mansion pero di na ako nagpababa mukang haggard kasi. Bukod sa madaming tao eh di ka naman makakapasok, sa labas lang so sayang oras ang nasa isip ko. Nung binabaybay ko ang Camp wala kong nakita kundi puro Koreano na nag-go-golf, naisip ko tuloy kung wala bang golf course sa Korea kaya dito pa sila dumadayo, syempre keme lang! Bumaba ako sa Chocolate Baterol, tinulunagn ko sila ate magbate.... ng chocolate kayo naman. Tinikman ko ang kanilang classic na chocolate. Hindi na ako umorder ng food dahil sa di pa naman ako nagugutom, at mukang struggle sa akin ang mag lakwatsa ng mabigat sang tyan.
Mainit ang araw na iyon sa camp kaya parang tinamad na akong maglakwatsa kaya naman nagpahatid na lang ako sa taxi sa Panagbenga park at nakipaglaro sa mga butterfly doon. Hinahanap ko ang cemetery of negativism pero dahil sa mali pala ako ng lugar na napuntahan ang ending eh nagpahatid na lang ako sa PMA.
Right: The Manor Left: Traditional Chocolate Baterol |
Spead you wing and prepare to fly... yan kanta kanta ako ng ganyan habang pumipicture sa mga yan |
Ang adventure ko sa PMA ang pinakanakakatwa, Paglapit ko pa lang sa gate ng kampo eh nakalagay agad "NO SLIPPERS ALLOWED" eh naka tsinelas ako dahil ayaw ko mahaggard ng harsh ang paa ko. Ang ginawa ko, May nakita akong path way papunta sa taas ng unang HQ sa labas inakyat ko ito kahit nakakahingal pagdating ko sa taas ay isa palang elementary school ito sa loob ng PMA nag lakad lakad ako doon as if di ko alam na bawal ang pangyapak ko.
Narating ko ang lugar kung saan makikita ang mga armas at sasakyan na ginamit ng mga sundalo noong world war II, ilang kapilya din ang nakita ko sa loob ng kampo, nakita ang baraks ng mga studyante at ng marating ko ang grandstand kung saan ginagawa ang lahat ng graduation ng mga magaaral ay nag desisyon na ako na ibang lugar naman ang puntahan ko. Sa PMA ako halos nagtagal dahil alas tres na ng hapon ng matapos ang pamamasyal ko.
Dahil sa tingin ko ay maaga pa naman ay nag punta ako sa Burnham park para maglibot. Kumain ng mga street foods at pinanood ang nag iiskate, mga nagbibisikleta at mga namamangka sa man made lake kineme doon. Alas syete na ako ng makauwi sa bahay nag pahinga ako ng kaunti ay nag punta sa Ebai's para tikman ang kanilang carrot cake. Bonnga ng cake nila dahil ng tikman ko ito ay parang master chef nanaman ang peg ko. Masarap at moist ang cake na ito although medyo matamis ito sa panlasa ko medyo nasanay kasi ako na ang carrot cake na nakain ko ay medyo maasim dahil sa cream cheese. Pero iba ang carrot cake na ito at nagustohan ko medyo wierd lang ang inumin na naorder ko, lemon grass tea. Pakiramdam ko ay umiinom ako ng shake na andoks dahil sa ang after taste nya ay ang lasa ng manok sa andoks.
Thank you Korean tourist for the pictures ahahahaha. |
Sa loob pa rin ng PMA ito |
Linggo, huling araw ko sa Baguio unang lugar na tinungo ko ay ang Lourdes Groto, nakakatawa dahil lahat na ata ng tiyabi sa Baguio eh nag ca-cardio exercise dito ako na lang ang kulang ahaha matapos ko marating ang taas nya ay nag sindi ako ng kandila at nag dasal, nag pasalamat sa biyaya bago tuluyang lisanin ang lugar. Sunod kung pinuntahan ang Tam-Awan Village. Walang tao sa front desk dapat ay may bayad ang entrance pero nakapasok ako ng di nakakapagbayad. Ni hindi din ako siningil noong narating ko ang cafe nila. Nawierdan ako sa mga arts, wood carving at iba ang mga items na nasa tindahan ewan ko basta yun ang pakiramdam ko. Paglabas ng tindahan ay sinimulan ko ng akyatin at ikutin ang buong lugar. Pakiramdam ko sa lugar ay parang Indiana Jones / Tomb Rider / Tarzan / kahit anong palabas na may tribo tribo ang tema na parang pag nagkamali ako ng hakbang eh bigalang lalabas ang mga katutubo at igagapos ako sa isang kawayan para i-litson pero teka di pwede yun, walang apple... charot! Nagpunta ako ng sky garden sa totoo lang nakakahingal at nakakatakot dahil mag isa lang ako na bumabaybay noon isipin mo na lang ang pakiramdam ang pumunta ka sa masukal na lugar ng mag isa.
Pumipray din naman si Rix pag may time ahahaha. |
Tam-Awan Village |
trail papunta sa Sky Garden |
yung mga wood carvings keme nila na medyo na wierdan ako at ang dream catcher, dream catcher come rescue me chaut! |
Nang makababa ako ng Tam-Awan eh medyo na eksayt na ako dahil ang huling lugar na tatapos sa aking pamamasyal sa Baguio ay ang Strawberry Farm sa La Trinidad sa Benguet. Wala akong inaksayang panahon nag suot agad ako ng bota at kumuha ng basket kahit medyo mahal ang strawberry picking na 500 ang isang kilo ng strawberry deadma for the sake of maexperience ko lang ang mamitas ng mga prutas. Paglabas ng farm derecho naman ako sa palengke nila para bumili ng gulay. Na aliw ako sa mura ng gulay kaya naman bumili ako ng 1 kilong broccoli sa halangan 25 pesos, 1 kilong letsugas sa halangang 50 pesos, 1 kilong carrots sa halangang 35 pesos at mga maliliit na patatas sa halagang 3 for 50 pesos o di ba napaka mura, napamura nga ako, chars! ahahaha.
nakakatuwa ang expereince na ito... nakakaitim nga lang... |
ang pinamalengke ko sa Benguet |
Sinabi ng barkada ko na wag ko palagpasin ang pagkain ng dirty ice cream sa strawberry farm kaya naman ng may nakita akong vendor ay naisipan kong bumili ng ice cream palapit pa lang ako eh natawa ako sa press release ni manong... "Sir bili na kayo pang instagram din ito" ahahaha alam na alam ni kuya ang balak ko ahaha.
Haggard na ako ng makauwi sa bahay pero since 3:40 pa ng hapon ang sched ng alis ng bus ko eh napagpasyahan ko na pumunta ulit ng Baguio Cathedral pagtapos ko madasal ay nagtanghalian ako sa Oh My Gulay at napa oh my gulay talaga ako sa ganda ng restaurant nila pakiramdam ko eh nasa game show na crystal maze ako na may iba-ibang dungeon ahahaha. Naenjoy ko ang kinain ko, Di mo pagsisisihan ang mga luto dito dahil sa nakakagana talaga silang tignan at tikman. Isa sa mga resaturant na dapat itry pag nasa Baguio.
Marami pa akong mga lugar na di na bisita sa Baguio kaya naman pakiramdam ko ay babalik pa ako doon para puntahan ang mga di ko napuntahan. O sya medyo mahaba na ang kwento ko... yung totoo na bored ka na magbasa di ba? ahaha sige na nga hanggang sa muli.
dasal ulit, kuha ng picture.. may parang bamboo organ kineme ata ang church tulad sa Las Pinas... |
Ito na ata ang pinakamalaking at pinaka-cozy na restaurant na napuntahan ko |
Masarap mag-emote sa resto na ito kasi sobrang breezy at yan ang makikita mo sa bintana nila... |
Marami pa akong mga lugar na di na bisita sa Baguio kaya naman pakiramdam ko ay babalik pa ako doon para puntahan ang mga di ko napuntahan. O sya medyo mahaba na ang kwento ko... yung totoo na bored ka na magbasa di ba? ahaha sige na nga hanggang sa muli.
Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik...
God Bless!
wow! well documented. hahaha :)
ReplyDeleteahaha Sir unang beses po kasi mag travel doon at mag-isa lang :D
Deleteinget much naman ako! di pa ko nagawi dyan ee!
ReplyDeletehaha sarap nung mga gulay at nung strawberry taho!
dame ko tawa dun sa kain flower shot haha! imba
kapag may lakad na out of town sila empi sama tayo :D
DeleteOo nga ang lutong ng letsugas binanlian ko lang ng tubig tapos gawa ng imbentong letuce wrap. Kakaiba ang experience ng strawberry taho at ice cream doon :D.
kasi wala pa akong kinain nyan nagkape lang ako ahahaha.
At nagsolo ka lang talaga sa baguio! Asan si Erin at di mo isinama? Akala ko kung ano yong japan japan hahaha yon lang pala yon!
ReplyDeleteUu kuya Mar solo lang talaga ahaha. Si Erin kasi eh Bora naman ang escapade nya.
DeleteNext time pagmagpapakuha ka kuya Mar mag japan japan ka din hahaha
NAPAKAHAB NG POST! Nakakastress! pambawi yan sayo at inaaway mo ako! lols
ReplyDeleteButi naman nakinig ka sa mga payo ko Rix..lols.. Nga pala, solo ka lang pala pumunta no.. grabe.. gusto ko maexperience yan
ikaw din naman mahaba magpost..
DeleteWOW! big word ka dyan sa inaway!!! ikaw kaya ang nang away TSEH!
Oo naman ano, lakwatsa lakwatsa din ng mag-isa para maiba ng trend :p
Saan ka ba tumuloy?
Deletetransient house na malapit sa microtel... 5 minutes walk from victory liner.
DeleteSarap magbakasyon!
ReplyDeletePero mas okay kapag may kasama.. Anyway, sanay ka naman yata sa mga solo trip! Awesome views! Awesome captures! Ganda sa Baguio!
Ahahaha nataon lang tukayo :D
DeleteSalamat yug ibag mga pic di ko na isinama baka lalo humaba eh ahahaha.
Ang galing mo naman. Solo trip, pero dami mo napuntahan. Para na rin akong nakapasyal dyan:)
ReplyDeleteEhehehe nag research muna ako mommy Joy, 1 month in the making ang lakwatsa na yan ehehehe
DeleteEnjoy na enjoy ako basahin ang kwento about your solo trip Rix! Tawa pa ako ng tawa sa pic mong pakain ka pa lang ng flower haha!
ReplyDeleteBongga ang experience mo at ang mga lafang ha, ayaw paawat! Winner tong trip mo, aylavet :)
salamat Zai, yan ata epekto ng umaalis ng walang laman ng tyan ahahaha.
DeleteGrabe ang tapang mo Rix :D
ReplyDeleteTalagang solo flight ka sa Baguio tour mo. Mas okay ang ganyan kase walang istorbo sa every lakad mo haha!
Tsalap tsalap ba ang flower?
Yung strawverry jam at peanut brittle ko, nakalimutan mo oiii! XD
ahaha di naman, ok lang naman.
DeleteUu masarap naman sya pakiramdam mo nya lang kambing ka...
ah yun ba? hu u nga ulit? joke :D
di ka naman masyadong nag-enjoy eh no?
ReplyDeletenaku sir slight lang :D
DeleteGusto kong pumunta sa Baguio, at pagkatapos kong basahin ito, pupunta na ako, lol! Ang tagal na ring hindi ako nakarating diyan at madami na palang puwedeng puntahan. Ilang oras ba ang biyahe from Manila by bus? May eroplano bang papunta, wala yata?
ReplyDeleteMarami pong salamat sa pagbisita sa munti kong pahina :D
DeleteNaku po madami na po sa totoo lang may mga kulang pa po dyan sa mga napuntahan ko.
Hindi po ako sigurado kung meron eroplano pero pag bus po ay 6 hanggang 7 oras po.
Bongga ka dong! Impressive ha, akalain mo nakasurvive ka bilang solo traveler at sa Baguio pa ha, buti walang mumu? joke. Galeng naman, kompletos rekados, full loaded ng infos at pics. Clap clap!
ReplyDeleteNyahaha, yun na nga! buti na lang eh nilalayuan nila ako... kasi naman panay ang orasyon kebot ko :p
Deletelahing leytenyo ka talaga wahahaha may orasyon kemfet talaga e
Deletenyahaha madalas ko marinig kay Paping yan :D
Delete