Check-up Time: 9:33pm
Hola Amigos and Chikas!!!
Terey! makagreat lang ng wagas... lolz
O wag nyo na pagtawanan ang background music ko alam ko na malakas sya maka vintage pero hindi naman yan ang topic natin kaya deadmahin na lang natin sya ehehehe.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung diet ba talaga ako o ano. Paano ang huling 2 Sabado ng buwan na ito eh puro kami food trip. Sinimulan namin ng something fishy tapos j.co ng magdamag (hindi ko na po sya isasama kasi for sure may idea na kayo kung ano makikita doon ehehehe) at last Saturday naman ay bumalik kami ng UP sa QC.
Originally eh dapat apat kami na magkakasama kaso lang yung isa sa amin ay kailangan umakyat ng Tagaytay at ang isa naman ay umatend ng graduation so ang ending 2 lang kami. Ako at si Erin (hindi si Erin na blogger ha lolz)
Sa Iscremist sana kami pupunta para ma-experience namin ang dragons breath. Yung pag kinain mo umuusok usok ang bibig mo na akala mo eh may apoy keme ang bibig mo kahit echoz lang, ganyan.
Pero dahil sa ang sabi nio kuya Guard-enia na naubos na daw yung last night eh medyo nalungkot kami ng very light, mga 20% lang. Kasi nasabi ko naman kay Erin na nagkalat ang pwede kainan sa Teacher's Village...
So after namin malaman na big X ang Iscremist eh hinanap na namin ang principal's office, sharots lang. Naghanap na kami ng kakainan. O linga dito linga doon, Super hard ang ginawa namin paghahanap ng kakainan anng binagsakan namin is not so far away place from Iscremist, wala pang 100 steps (layo di ba?)
Dahil naman nagdi-diet kuno ako eh sa healthy healthy-han na peg na kainan ang sinubukan namin...
At first medyo naintriga lang kami kung ano meron doon so tinry namin pumasok nakita ko ang menu nila (di ko na kuhan ng pic... patawad po...) at puro vegi at organic na mga fudams ang meron sila. O-order na kami ng kasama ko ng makita namin itez...
True bottomless Soya Milk at ang kanilang pinagmamalaki at best seller na lumpiang sariwa. Syempre sapat namin matikman ang pride ang Fresh selection so tinry namin ang fresh lumpia ay lumaklak kami ng Soya milk lolz.
|
Iniingit namin ang dapat na kasama namin... Ito po ang Soya milk nila. Sya si Erin na sinasabi ko lolz
|
|
ready na ako tikman sya nyahahaha |
Masarap nga ang lumpiang sariwa nila at fresh nga sya. Hindi mo na kailangan pa iexplain kasi dila mo na ang magsasabi at ang soya nila ay masarap din, di sya ganun katamis na nagustuhan ko kasi hindi ako naumay sa lasa nya kaya naman naka 3 puno na baso ako ng gatas.
After namin kumain eh naghanap ng desert si Erin so walkathon kami ng super light ni Erin. May nakita na kaming bakeshop kasi lang bukod sa mukang may piging nanagaganap doon dahil sa nakita namin sa labas na bagong bukas lang ito eh nung sinipat ko ang mga estante parang wala ng tinapay na pwede kami kainin so walk muna ulit kami ng very few.
Nagreklamo na ang mga ugat namin sa binti kaya naman sabi ni Erin balik kami sa bakeshop dahil baka mamaya may swerte pa din kami. So walkathon kami pabalik.
Papasok na kami ng biglang maglabasan ang mga tao doon. Nagulat kami dahil winelcome nila kami akala ko buong staff yung nandoon pero hindi pala kaibigan pala yun ng may-ari.
|
Ito yung name ng bakeshop |
Like I was kindda sad ng little arte lang dahil halos wala na talagang laman ang mga estante nila.... Oo nga, Ayaw nyo maniwala? o sige ito ang ebidensya...
O di ba? sabi ko na sa inyo eh. Gusto ko muna sana magtaka kung bakit 1pm ng hapon eh parang magsasara na ang bakeshop na ito. Ano ba ang meron sa kanila at talaga nga bang masasarap ang mga tinapay nila at ganyan na ang estante nila sa mga oras na yun...
Check namin ni Erin kung ano makikita namin nagulat kami na mga healthy cakes and breads pala ang mga tinapay na kine-cater nila sa public. Tharey noh? From healthy lunch to healthy desert... So alam na kailangan matikman ko din ito nagpakahealthy na ako lubus lubusin na.
Ito na lang ang meron doon so ito na lang pagpipilian namin...
|
Actually wala na kaming naabutan na ampalaya cake |
Para maiba lang ang pinili ko ay Malunggay at Calabasa cake, wierd ba? wait lang wag nyo sila husgahan ng hindi pa natitikman, ito ang verdict ko at ni Erin nung tinitikman ang mga cake (halos pareho kami ng comment):
" Masarap ang Calabasa at Malunggay cake hindi mo malalasahan na kumakain ka ng gulay kaya perfect ito sa mga tao na mahilig sa vegi at sa mga tao na di din mahilig sa vegi they will enjoy the nutrients, vitamins and the health benifits na galing sa mga pagkain na ito... Hindi ka mauumay dahil hindi sya ganun katamis kaya naman you will enjoy this very much idagdag mo pa na may mga nuts sya kaya naman malinamnam ang bawat pagnguya mo sa mga cakes... This is something new and its very perfect lalo na kapag nagkkwentuhan kayo ng mga friends mo... This is extraordinary and I will really recommend this to my friends "
Oh master chef lang ang peg ko dah buh? Lolz, Aside from that ito pa ang mga cakes and breads nila na gawa sa vegies...
|
Ang nasa taas at nasa baba nito ay Brazo de Calabasa.... Ang filling nya ay Calabasa... |
|
Malunggay Cookies with Chocolate Chips
|
|
Malunngay Loaf
|
|
Bamboo Shoots bread at Sweet Potato w/ Malunggay leaft |
|
Paikot: malunggay cake with pandan felling, choco banana,
carrot cake with cream cheese feeling at banana moose cake |
Ohhhh dah vah? very healthy noh?. This is something that you need to try lalo na kung after ka sa mga healthy treats... Pero hindi naman lahat ng mga cakes nila dito ay gawa sa gulay. Sabi ni ate Monica (may ari ng bakeshop) mahilig sya sa mga vintage kembot, dahil sa 90s era sya lumaki eh nagpapagawa sya ng mga cakes sa hubby nya na chef nila ng mga cakes na gawa sa mga candies na sumikat noong dekada 90 and introducing....
|
Haw Haw Cake |
|
Flat Tops Cake |
|
Ressee Cheese Cake |
Sa mga cakes na yan very obvious na ang natikman namin ay yung huli. Inalok sa amin ni Ate Monica ang cake na ito para matikman namin. Infairness hindi sya napahiya sa amin. Kung sawa ka na sa cheese cake na fruits itry mo ito dahil peanut butter ang dating ng cheese cake na ito ay kagaya ng iba di sya nakakaumay dahil katamtaman ang tamis nya.
Mukang babalik kami dito dahil gusto ko itry ang iba nilang cake at ang ampalaya bread nila at panigurado kumpleto na kami na pupunta sa bakeshop na ito. Salamat ate Monica sa pag entertain sa amin last week, sana ay may supply na ako ng bread galing sa inyo... Nagpasponsor? charot lang po! ahaha
So ito na after namin sa mga healthy foods its time to eat dirty foods nyahahaha. Naikwento ko na sa inyo before na nag food trip na kami sa UP at dahil sa malapit na ang area namin sa UP at nilakad na namin ni Erin ang Bahay ng Alumni para kumain ng mga ihaw ihaw.
Medyo haggard ha kasi hindi namin inexpect na mga 15-20 minutes din kami naglakad pero ayos lang natagtag ang kinain namin kaya pagdating doon siguradong ready na ulit ang sikmura namin kumain.
Malayo layo na ang nalakd namin ng mapansin ko na baka mali ang nilalakaran namin kasi nakita ko yung isang signboard na ang sabi ay....
Pero sa mga sasakyan lang naman pala sya kaya deads lang dere-derecho pa din kami sa lakad hanggang sa naratin din namin ang pakay namin. Wala ng sabi sabi inuna na namin ng pinakamalapit na estante at nag paluto agad kami...
Pagtapos nyan ay sinunod na namin ang pinakasikat at pinakakilalang ihawan sa UP...
Matagltagal din ang hinitay namin para lang matikman ulit ang ihaw keme ng Mang Larry's dahil sa nung omorder kami eh pang 77 ako at ang nakasalang pa lang ay 53... Potek halos isang oras kami nag hintay ahahaha..
Matapos namin ngasabin ang iorder namin sa Mang Larry's ay bumili na kami ng pang finale na food, ang sorbetes nila na Avocado at Manggo flavor na ubod ng sarap...
Hayzt, for sure pagnabasa ng 2 namin kasama ang entry na ito ay magpapa-sched na sila na pumunta ulit dito ng makakain... Puro na lang kainan ang schedule ko sa kanila paano ako papayat nito...Lolz
Kung ikaw ang nasa katayuan ko... Nagdi-diet ka pero napapalibutan ka ng masasarap na pagkain kakain ka ba o hindi? Yung totoo?
Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!