Wednesday, March 19, 2014

Baliw Saga - Episode 3: Pa-blow

Check-up Time: 9:15pm

Mahilig ka ba kumain tulad ko? Yep tama kayo ng nabasa? Hobby ko kaya ang lumafang. Hindi pa ba obiyus sa tiyabi kong katawan? hihihi.

O bakit yan naman ang tanong ko? dahil tungkol dyan ang ihahansh ko sa inyo so bet nyo na ba malaman?

Ganito kasi yun, bago pa lang kasi ako sa company na pinapasukan ko ng minsan mapadaan ako sa Makati Cinema Square sa Pasong Tamo (yun pa rin ang tawag sa kanya kahit na di na ginagamit ang cinema area nya) ng makita ko na may bagong bukas na Pizza Parlor na kahilera ng pizza parlor ng dilaw na taxi. Kala ko dun nag papagupit, nagpapa-spa at nagpapa mani at pedicure ang mga pizza pero syempre charot lang yun. Alam ko naman po na hindi yun ang ginagawa dun hihihi. Sapag-tingin tingin ko ay nalaman ko na may promo sila.... Unli Pizza + Unli Pasta + bottomless drinks... Singkislap ng stars ang mata ko nung nabasa ko yun so ito na nga, chinismis ko ng super hard yan ng kaclose ko na wavemate at nagdecide kami na markahan ang kalendaryo namin para maexperience ang dapat maexperience sa parlor na yan.




Ito ang pizza parlor na sinasabi ko

Sila ang nag se-serve ng ganito kalaking Pizza sa Pinas, Ito po ay ou door pizza..

Dumating ang tinakdang araw, pagpasok naman sa parlor na iyon ay humanap na kami ng magiging hairdresser namin, Chars lang... Humanap kami ng place kung saan kami makakakain at makakapagkwentuhan ng komportable. Pagdating ni kuya waiter tinanong kami kung ang bet daw ba namin ay unli pizza (2 klase at pwede syang orderin ng sabay) + unli pasta (1 klase lang) + bottomless red tea o unli pizza for (5 klase at pwede sya orderin ng sabay) + pasta (2 klase na pwede orderin ng sabay) + bottomless redtea. Huh! ang tapang ng sikmura namin dahil sa yung pangalawa ng pinili namin.



Parang ganitez yung keme naming order


Dala na ni kuya ang ice tea namin nung bumalik sya. Nung nilapag na sa mesa namin ang baso ay humagalpak kami sa tawa dahil seryoso po ito ha walang halong hanash, parang malaking plorera sa hotel ang lalagyanan ng redtea nila. Dineadma na lang namin dahil sa lahat naman ng mga nandoon ay casual lang na ginagamit ang baso nila.


Kayo ang humusga kung hindi sya mukang plorera

Dumating ang unang order namin ng pasta (red sauce) potek sabi good for 2 lang pero bakit parang good for 4? Dumating na din ang pizza na order namin, sin laki ito ng regular na pizza na 6 na slices. Infairness naubos na namin ang pizza kaya naman nag pakuha na ulit kami ng isa pang pizza habang tinitimbang pa namin ang mga sikmura namin kung titkman namin ang white sauce na pasta.

Malapit na maubos ang pasta namin kaya nagpaorder na kami ng white sauce na pasta pero this time single serving lang, pero Diyos Lord, nung sinerve sa amin ang laki pa din ng servings naoverwhelm na ako sa sobrang dami ng foodams.

Mag 8:30 na ng gabi ay hindi pa namin nakakalahati ang white sauce pasta na nasa mesa namin habang ang red sauce na pasta naman at hindi na nabawasan. Ang Pizza naman ay naumay na sa amin dahil hinihintay na nila na ngasabin na namin sila.

Nagsabi na sila na last order na daw baka may gusto po umorder. Isa lang ibig sabihin nito malapit na din sila mag close. Nagkatinginan na lang kami ng kaibigan ko isa lang nasaisip namin. We need to finish this otherwise, crosswise magbabayad kami ng charge for leftover. Ginawa kong sandwich ang pizza (pinagpatong ko sila) pero hindi ko keri. Bigla na lang akong may naramdaman... I need to go to the restroom.

Pagdating ko ng rest room ay napa blow job ako... Opppppssss wag po bastos what i mean is i-blow what I eat para mabawasan ang laman ng sikmura ko and ginawa ko syang job as in trabaho para maiwasan ang charges. Naramdaman ko na nabawasan ng kaunti ang laman ng sikmura ko kaya bumalik ako sa table namin at sinubukan na kumain ulit ginawa ko ito ng 2 beses pero. Ang hirap pala mag blow job.

Hindi ko na tinangka na gawin iyon sa pangatlong pagkakataon. Tinitigan ko ang mga foodams sa mesa namin sinabi ko sa kaibigan ko sayang ang mga pagkain sa harap namin, marami pa naman ang nagugutom sa Cambodia.

Tinawag ng kaibigan ko ang isang waiter tinanong nya kung halimbawa na mag bayad kami sa leftover charge ano ang mangyayari sa mga pagkain na di namin naubos. Nalaman namin kay kuya na may feeding program na nagaganap kapag nagsara sila dahil binibigay sa mga batang hamog, mga mangangalakal, at mga pulibi ang mga foodams na di naubos ng mga customer na nacharge ng leftover keme.

Nung narinig ko ang sinabi ni kuya ay naisip ko na sana di na lang ako ang blow job pinahirapan ko lang ang sarili ko. Nagsabi na kami kay kuya na mag bi-bill out na kami. Habang inaayos ang bill namin ay kinuwento ko sa kaibigan ko ang ginagawa ko sa CR at hindi nya ako tinantanan sa katatawa.

Nung nakalabas na kami sa establishment ay napadaan kami sa isang parking lot. Nakiusap ako sa kaibigan ko na kailangan ko na mag blow ulit. Humanap ako ng medyo kubling lugar at sya ang ginawa kong look out. Wala akong inaksayang sandali pagtalikod ko ay bumuga ako ng wagas na parang pitch perfect na pag blow lang. Ang hirap para mag blow ng sobrang busog pati sa ilong mo may lumalabas lolz.




#Morallesson:
Wag mo isipin na madami ang nagugutom sa Cambodia, di naman sila mabubusog kung mauubos mo ang pagkain sa mesa. CHARS!!!!!!





Nagpapasalamat nga pala ako kay onlychild ng Morning After Goodbyes sa pagfollow sa walang kapararakan at walang ka kwenta-kwenta kong blog. Nawa ay maaliw ka po kahit kaunti hihihi....



(Credits sa owner ng pics)


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

28 comments:

  1. Habang nakikinig sa Maroon 5 at pagbabasa dito eh nagutom ako. Makadaan nga dyan sa parlor na yan isang araw.

    Sa Cambodia na ba maraming nagugutom ngayon? Sabi ng nanay ko eh sa Africa.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahaha go!

      ay naiba na ba? wait di ako nainform....

      Delete
  2. Naaaayyyyyy anu yang BeeJei na yans hah? hah? nyahahaha *evil grin*

    Ayus pala jan pag may left overs kase hindi rin nasasayungs ung mga tira. Mahusay yung naisip nilang feeding program para sa mga kapus palad :)

    and... I'm not a big fan of pizzas pala. 1 slice lng, solb nako.

    ReplyDelete
    Replies
    1. oi wag ka nga...

      truth hahaha...

      ganun ba? like ka pa naman daw ng mga pizza...

      Delete
  3. nakakalowka. hehe

    anyway magkano ang unlipizza at unlipasta? masarap ba?

    ReplyDelete
    Replies
    1. kung 300 plus lang po..

      masarap naman sya infairness. may nararamdamaan kang linamnam sa dila mo na masasabi mong pwede pa lang ang ganyan sa dish na kinakain mo... its a very good bonding moment with your friends and you will really recomend it with your friends... lolz master chef? ahaha

      Delete
    2. taray mukhang nasarapan ka nga. haha kaso malayo samin ang makati! haha

      Delete
  4. Ayus yung technique nila na "unli" kuno ah. *haha* Ganun din naman... Buti sana kung Amerikano o butanding ang kakain. :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. ouch! your so mean para mo na din sinabing butanding ako huhuhu...

      you change na talaga :(

      charot

      Delete
  5. Lesson learned:)
    Have a nice day!

    ReplyDelete
  6. ha ha galing mo pala mag-blowjob he he ... di pa ako naka-try niyang unlipizza at unlipasta na'yan : )

    ReplyDelete
  7. mukhang masaya yang pizza parlor na yan :)
    ok na rin pala na dagdag charge na lang if di nyo naubos yung mga inorder niyo dahil sa mga kapos nating mga kapatid naman ito napupunta...

    ReplyDelete
    Replies
    1. True. Buti na lang lang at yan ang naisip ng management nila :D

      Delete
  8. Ang laking Pizza!! try ko yan pag-uwi ko... sama ka ulit ah! hahaha

    ReplyDelete
  9. Grabe! Parang gusto ko neto, favorite ng mga kasama ko sa work mag pizza! Grabeng blowout yan, at ngaun ko lang alam sa Cambodia ang maraming nagugutom. Hmmm...

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahahaha yung sa cambodia narinig ko lang yan...

      Minsan nakakasawa ang pizza pero fave ko pa rin ito

      Delete
  10. Replies
    1. try nyo din po sir.

      Salamat sa pagbisita..

      Delete
  11. title pa lang eh naintriga na ako, kaloka! parang masarap nga diyan lumafang, sa dami ng pagkain eh ewan ko na lang kung di pa ako tumaba.
    -anonymous beki

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahaha go try mo na din po..

      Delete
    2. nakakatawa kasi taga-bicol po ako. :-D

      Delete
    3. awts ahaha ang layo pala kala ko within metro manila lang :D

      Delete
  12. Puro may kinalaman sa pagkain ang mga post mo lately ah hehe! Dahan dahan masira ang diet hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. uu nga eh ahahaha iniisip ko nga daddy jay kung maggiging food blogger na ako lolz

      Delete

hansaveh mo?