Mahilig ka ba sa kanin?
Totoo tipikal sa ating mga Pilipino ang kasama sa hapag ang kanin tuwing kakain pero... Iba akiz.
Maglilimang taon na ako na hindi kumakain ng kain... Yep so true! Kaya ng kahit na sumobra ang lakas ko ng kain nung huminto ako sa pag gi-gym last year ay di dumoble ang timbang ko dahil na rin sa umiiwas talaga ako sa kanin.
Nag desisyon ako na huwag lumapez ng kanin noong nastroke si Paping. Sabi kasi ng dakter eh he saw a sign of diabetis kay Paping. Eh ayaw ko nun so isinama ko na sa diet ko ang never kumain ng kanin... huweeyyyyyyytttttt!!! Kakain lang pala ako ng kanin kung brown rice sya.... Shala noh? akala mo nakakariwasa sa buhay charot!
Kahit di pa nasaing kinakain ko na.... Chars lungs hihihi |
Totoo, kakain lang ako ng kanin kung brown rice ito at once in a new moon lang kiz maka-lafang ng brown rice iyan ay pagkauwi ni Paping galing sa Leyte (kada buwan ng Enero dahil fiesta sa lugar nila).
Noong nakaraang Janwary ay pinagyabang ni Paping ang 6 na kilong brown rice nila na pinabibigay ng tita ko (alam ng tita ko na brown rice lang ang nilalapez kez) so iniisip ko na kinabukasan eh makakatikim na ulit ako ng brown rice, so ito na nga.....
Kinabukasan...
Naamoy ko na ang ulam na niluto ni Paping, Adobo pero hindi ako nag-almusal dahil malalate na ako sa 7-10 am ko na class kaya naman naisip ko na kumain na lang ng wagas pagtapos klase ko. Time flies by like a dragon fly (maipilit lang). Natapos ang nakakaantok kong subject, oras na para sa late almusal ng lolo nyo.
medyo ganito ang presentation ng Adobo ni Paping, lolz |
Pagdating ng bahay nakasabit pa ang bag ko sa balikat ko ay kumuha na ako ng plato at kutsara... Sumandok na ako ng kanin na brown at nilagyan ng sabaw ng adobong baboy...
Ibinaba ko ang bag ko, sagabal sa pagkain.... Start na akiz na lafangin ang foodams sa harap kiz. Ninamnam ko ang kanin.... Hindi ko na halos maalala kung ano ang lasa nya, may napansin ako sa kanya. Iba ang lasa bakit parang maasim asim sya. Inisip ko kung ganito ba ulit ang lasa nya.
Swear ganitong ganito ang peg ko nang malasahan ko ang kanin, nyarts |
Pero sa pagkakatandan ko ay hindi pa ako kumakain ng brown rice na adobo ang ulam at dahil adobo nga ang ulam eh inisip ko na natural lang yun dahil sa may suka ang adobo... Matapos kong patayin ang mga agam agam na iyon ay dagli akong bumalik sa aking mag ngasab...
Kalahati na ang nalalapa ko sa kinakain ko ng bigla ko marinig si Paping....
" Panis na pala yung kanin, sayang... "
*** ting ***
Sabay tingin sa kinaroroonan nya at nakita ko na ang tinutukoy nya ang ang kanin sa rice cooker kung saan ko kinuha ang kanin ko....
Di ako maaring mag kamali... Malinaw pa sa sinag ng araw ang pagkakadinig ko ng panis na ang nakain ko... Nagtaka si Paping at Bunso dahil sa bigla ako tumayo sa hapagkainan at dali daling tumakbo sa comfort room. Napaupo ako habang muntik ng sumubasob ang muka ko sa inidoro tumawag ako ng uwak... Madaming madaming uwak. Maiyak iyak ako habang sinusuka ang nakain ko.
Sabi ko na nga ba! May mali talaga sa kinakain ko...
Paglabas ko ng comfort room ay tinanong nila kung ano ang nagyari sa akin. Gusto ko sana sabihin na morning sickness yun dahil ang dadalang tae ako pero wala ako sa mood mag biro.
Hayzt wala akong gana kumain ng buong araw na yun....
#Morallesson
Magingat sa pagkain ng maasim, baka matulad kayo sa akin..
(credits to the owner of the pics)
Congrats nga pala sa akin nyahaha 4 na taon na ako sa company ko. 1 taon na lang ang hihintayin ko at pwede na ako mag early retirement lewlz.
Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!
Talaga, di ka kain kanin? Amo kain mo with ulam?
ReplyDeleteHanga naman ako. Ako, di ko kaya wala rice:(
Thanks for making me smile:)
Kumakain po pero brown rice lang po hihihi. Wheat bread po o kaya whol grain na tinapay ang sinasama ko sa ulam
DeleteNo problem Mommy Joy (y)
Ahahaha! hashtag masiba *evil grin* :D
ReplyDeleteSame kami ni Mommy Joy, di ko yata kaya ang isang araw ng wala kahit isang cup ng rice.
harsh! di pa kaya ako nag aalmusal nun derecho na ako sa class sino di mangangamatay sa gutom huhuhu
Deleteahahaha :D
Deleteayyyy... sabi mo 5 years ka nang di nag-ra-rice? eh ano yung kumain tayo sa Chicken Charlie sa SM Marikina? hah? hah? ahahaha. nag rice ka nun eh XD
ekskiyusmi... yung rice ko binigay ko kay meow at sepsep...na di rin ata nila naubos kaya may sobrang rice tayo nayyyyyy may memory lost ka na... may kuha kaya tayo sa cctv nun noh...
DeleteIsa lang masasabi ko "Di ko kaya ng walang rice" huehuehue! At napahanga mo ako kung 5 years ka nang nabubuhay with the absence of rice. You must have a strong self control. Galeng lang!
ReplyDeletePang sosyal nga yang brown rice na yan kasi mahal siya. We have here sa house pero, regular rce pa rin ang binabanatan ko kaya eto lobo na naman ako hahaha.
mahirap sa simula daddy jay lalo na at alam mo na malakas ka talaga sa rice kaya po madalas ako manghina noon pero nasanay na din ako ahaha..
Deletetruth mahal nga ng isang kilo kaya nga every january lang ako nakakakain ng rice galing sa rasyon ng tita ko ahaha
hanep sa di paglafang ng rice huh ... kokonti lang sa mga Pinoys ang di kumakain ng rice like you .... para ka na palang 'Kano he he ... amoy amoy din pag may time bago sumubo : )
ReplyDeletehahaha uu yung mga concious sa pigura nila dahil muka na silang drum lolz.
Deletenasabik kasi ako sa kanin na brown hahaha...
Madaling mapanis ang colored rice :) hindi ko kaya ang ginagawa mong walang kanin sa buhay :p
ReplyDeletesiguro sir nasanay na ako at hindi narin gaano hinahanap ng katawan ko ang kanin..
Deletedi ko kaya ginagawa mo, favorite ko kasi ang rice, minsan nga 2 full plates of rice kada meal, pero bakit kaya di ako tumataba? malnourish pa rin ako, bat ganun? -anonymous beki
ReplyDeletenung kumakain pa ako ng puting kanin dati seirra madre din ang kanin sa plato ko ahaha..
Deletesobrang bilis siguro ng metabolism mo ahaha
Hindi yata kumpleto kung walang rice, hindi ako nabubusog. Kahit na kaunti lang, basta mayroon. We serve brown rice in school, kinakain naman ng mga tsikitings. We also serve whole wheat bread and cookies. Nagbabaon ako, lol!
ReplyDeletenyahaha dami baon... pahinge lolz
Deletesinubukan kong hindi kumain ng kain. ayun isang linggo pa lang nahilo hilo na aketch. haha hindi ko bet na walang kanin. pero ngayon bawas bawas na. dati kasi two cups levels. haha ngayon keri na ang isa. hehe
ReplyDeletenyahaha go lang para sa kagandanhan ng katawan lolz.
DeleteGusto ko rin sana umiwas sa rice, kaso feeling ko di ako mabubusog ng walang kanin. Pano mo nagagawa yun? Matapang kasi lasa ng mga ulam kaya di pwede walang kanin. :(
ReplyDeletehanap ka ng alternative sa rice :D
Deletehaha! atleast na experience mo na at lam mo na ang lasa ng nalamog na kanin
ReplyDelete