Masarap ang simoy ng hangin, masarap pakinggan ang lagaslas ng dagat sa dalampasigan sabay kahit na dinig mo din ang ingay ng mga musika sa bawat tindahan sa lugar na ito...
Matingkad man ang araw ay di mo gaano mararamdaman dahil sa hangin na animoy yayakap sayo para maramdaman ng balat mo ang lamig na papawi sa sinag ng haring araw.
Bukod dito ang pinaka gusto ko ay ang nakikita ko na magsing irog. Sa lugar na ito hindi malaking bagay kung hindi perpekto ang hubog ng katawan mo. Masaya na hawak kamay ng mga balingkinitang binibini ang kasintahan nila na mas nauuna pa ang tiyan kesa sa dibdib, habang malambing na nakaakbay ang isang matipunong ginoo sa malusog nilang kasintahan...
Isang lugar na walang diskriminasyon sa hubog ng katawan at kulay ng balat, yan ang nagustuhan ko sa lugar na ito... Maaaring may mangilan-ngilan na pumupuna sa mga tao sa paligid nila pero hindi alintana ng karamihan ang sasabihin sa kanila. Malusog, sobrang payat, balingkinitan, makisig, katamtaman ang pangangatawan, balbon na dibdib, makinis na balat, may mga pekas, maitim, maputi, moreno at morena kahit ano pa man ang mga kapintasan ng iyong katawan ay walang pakialam ang mga tao sa lugar na ito.....
Ito ang nagustuhan ko sa lugar na ito.... Ito ang nagustuhan ko sayo....
Ang bagay na aking sinabi ay base sa obserbasyon ko noong nagpunta ako sa Boracay, Aklan noong nakaraang taon. Sa mga pupunta sa beach ngayon summer enjoy po....
Ako naman ay nagbook ng flight papuntang Iloilo sa October dahil sa gusto ko maachive mag Guimaras Island at ng mabisita ko na rin ang aking pamangkin... Salamat at mura ang regular fare ng PAL Express kaya naman nakapagbook ako ng round trip ng P1449.00 lolz.
(credits to the owner of the pic)
Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!
wow Guimaras at Ilo-Ilo ... luvit ... two of the nicest places in the Philippines : D
ReplyDeletetrue haha... actually mas hindi congested ang breach ng guimaras sabi ng Kapatid ko kasi dun sila naghoney moon ng sister-in-law ko plus maganda ang mga lugar na tourist eme eme distination kaya gusto ko pumunta.
DeleteI havent' been in Boracay. maybe my not so persistent desire to go there is rooted from the fact that I don't really appreciate a place - beach - in particular to be so rowdy and congested. That's one reason I'm not really that fascinated to go there. I'd rather choose a beach undiscovered but equally stunning as my temporal sea scape destination because I know I can freely move or run along its shore without the need to be too careful not to disturb people next to you.
ReplyDeleteBut don't get me wrong, I am proud of our Boracay but overcrowding beach is not just my thing. I'd choose Coron over Boracay since Coron especially CLUB PARADISE houses the feeling of serenity and nature's beauty.
- just my two cents
nasa list ko din na puntahan ang coron dahil nafacinate ako sa mga isla na pwede puntahan ang lakas kasi maka congo ng lugar.
DeleteNung nagpunta kami sa Bora hindi ganun ka dami ang tao kasi off peak season kaya naman naenjoy namin kahit paano ehehe.
Guimaras is in my bucket list too, but not until I'm done with Batanes. Batanes is just ahhhh - majestic and a slice of heavenly paradise for me. By the way enjoy your soon meet up with Iloilo :)
ReplyDeletethanks daddy Jay. Ngayon pa lang gumagawa na ako ng plan para sa lakad namin doon. Dahil ako lang ang medyo marunong ng dialect doon nakasalalay sa akin ang success ng lakad namin magkakatrabaho lolz.
Deletebaket ang mura ng round trip mo!
ReplyDeletewala ngang dikrimasyon sa boracay brad.. yan din napansin ko nung galing ko dyan last year, sinubukan ko kasi mag topless nun wala naman pumansin haha boyset! have a nice trip!
ako baka sa bataan this summer.. baka lang naman :) naubos pera ko sa takbo eh ehehe
may seat sale sila kaya naman sinamantala ko na lolz.
DeleteNyahaha pero totoo di ba kesehodang hindi ka buff kiber lang sa mga tao dun...
Nyahaha takbuhin mo na lang daw til bataan... sharot lang.
ikaw na talaga ang laging may time gumala at mag beach nyahaha :D
ReplyDeletesana naman makatikim ako ng kahit isang mangga from Guimaras noh!
Reward reward lang sa stressful na mga ginagawa ko sa aking layp lolz.
Deletenyahaha hindi ko alam kung may mangga pa nun. Di ba summer ang season ng mangga. Pero sige who knows naman.
Nasa wish list ko din Boracay...one day:)
ReplyDeleteGo mommy, wear you very bonggang two piece hihihi.
DeleteHi hi. Baka magsara boracay, sige ka:)
Deletenaku mommy hindi yan... basta go lang. ahaha
DeleteSa dalawang beses kong napadpad ng Boracay, hindi ko siya na-miss. *hahaha* Mas nami-miss ko yung mga kasama ko dun at yung bonding moments, not the place in particular. Well, I guess di lang talaga ako mahilig sa beach scene, kahit mahilig ako sa beach sunsets. :)
ReplyDeleteI'm excited to visit Guimaras as well. Sa June ako, sayang di tayo nagkasabay. *hehe*
hmpft! ganyan ka naman ayaw mo lang magsama...
DeleteAng mura nga. Very nice :-)
ReplyDeletesalamat po sa pagbisita Mac... yep it is cheap po..
Deletefeel na feel ko na ang summer ditey! hehe
ReplyDeletenyahaha... taray swimming tayo :D
DeleteMagamit nga ang word mo..... nakakariwasa, lol! May plugging pa ng Boracay, nag invest ka ba? Pahingi ng discount, you know, been there, done that, but wants to go back.
ReplyDeletenyahaha wala akong investment dyan... sa totoo lang naenjoy ko ang bonding moment namin nila papa dyan at yan talaga ang observation ko dyan. kesehodang hindi mo malaman kung saang hulmahan sinukat ang katawan ng tao dead lang sila ahahaha.
Deletekala ko nag boracay ka na naman, nakakarami ka na, ako di pa nakakapunta dyan sa bora hahaha Enjoy sa upcoming trip mo sa Guimaras
ReplyDeleteSalamat kuya Mar, kung nasa manila ka anytime pwede ka mag pabook puro seat sale pa bora lolz.
DeleteEnjoy IloIlo :D
ReplyDeleteNyahaha yes I will...
DeleteI miss Bora! Hehehe
ReplyDeleteWow! Iloilo!
nyahaha.. Yep Guimaras I'll be there!!!
Delete