Sunday, June 29, 2014

random lang

Check-up Time: 12:01pm


Hello mga guys!!!!!

Alam ko namiss nyo ako.... umamin kayo? Charot lang lolz


Juice colored ha! nag-attitude nang very hard ang blogspot early last week. Akala ko sinumpong lang sandali pero na-comatose sya for days. Ang only means to blog hop ay isa-isahin at mano-mano ang pag-check ng mga fina-follow mo kung may updated post. Sakit lang sa gums... Gums talaga ang sumakit? eh yun po kasi ang naisip ko nyorots! Pero teka, i-ilan lang naman ang nagbabasa ng page ko so hindi ko kelangan mag-effort masyado. Sharowts lang po!


Dahil sa napaka gala kong tao at mahilig kumain eh na-encourage ako ng mga ka-work ko na gumawa na ng isa pang page. Gumawa daw ako ng travel at food blog. Sa kanila pa talaga nang galing ang idea samantalang ako itong nagba-blog lolz.


Naisip ko kung kaya ko panindigan ang isa pang page dahil nga sa dalawa na ang mina-manage kong blog yung isa nga eh minsan ko lang ma-update.

Maestro Sinto-Sintonado - I-follow nyo na kung trip nyo lang naman lolz. 

Pero nagwagi sila lolz nakagawa ako ng pag ko ng walang kaabog-abog. Wala pang laman ang page na yun kundi invitation to follow my misadventures sa mga places at mga food na madi-discover ko. And since it's about discovery of the places and food that I experience ang pangalan ng page na yun ay "The Rixcovery".

The Rixcovery - follow nyo na din baka lang ulit trip nyo ahahaha


As usual fusion nanaman ito ng pangalan to at nang word na discovery. Ang gusto ko kasi is parang may personal touch ang mga nadi-discover ko lugar at pagkain, arte much lang lolz. Hindi na nadala sa mga fusion ng mga pangalan lahat na lang ahaha. Bala mag throwback at flash back post ako ng mga past travel ko doon. Pero this time medyo seryoso ang post doon dito lang ako nagiging possess ahaha.

O ayan mega promote ako ng page. Sa totoo lang kasi tinago ko sa ibang followers nga page na ito ang music blog ko (ayaw ko kasi makita nila ang vid blog ko lolz). Pero kung matyaga naman sila na magcheck ng profile makikita naman nila yun lolz.


O sya, sa ngayon ay tinatamad ako kumilos sabi ko pa naman ay pupunta ako sa championship game ng basket ball team ng account namin. Gusto ko kasi ma-achieve ang one month dress down pass dahil tag-ulan na pero dahil sa mas gusto ng mga taba ko sa katawan na maging stagnant lang eh mag-da-dragon nest na lang ako o kaya mag ra-ragnarok lolz.

Nadagdagan ang bilang ng tao na sumusubaybay sa walang sustansya, walang kapararakan at walang kakwenta kwentang pahina ko pero hindi ko malaman kung sino... Patawad po kung sino po sila! nais ko sanang pasalamatan ka ng buong puso, atay, balunbalunan, intestine, lungs, at kung ano ano pang internal organs in a very psychorix way kaso lang po hindi ko malaman kung sino po ikaw kaya patawad gayun pa man ako ay labis labis na nagpapasalamat sayo... Sana mag message ka sa post na ito. Tenchu much!


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Monday, June 23, 2014

Baliw Saga - Episode 7: Balls

Check-up Time: 4:00pm

Hi!










Hi!!!!!













Hi!!!!!!!!!


Hi ho hi ho, skin lagot kayo!!! Charito lang

O guys its another baliw saga nanaman at this time ang street food trip ko naman ang pagdiskitahan natin.

Noong mga panahon na yun eh halos isang linggo na akong parang adik dahil sa nagccrave ako ng fish balls... I love balls kaya, yung nasa street.... wag bastos haha, yung fish balls, squid balls, chicken balls, at kung ano ano pang balls.

Pang hapon ang sked ko nun kaya naman pag labas ko ng opisina eh halos wala ng nagtitnda sa bawat kanto ng Dela Rosa pero ubod at sabik na sabik na ako kumain ng balls, Charo.

Nasabi ko sa mga katrabaho ko na isang linggo na akong gutom sa balls at gustong gusto ko ng tumikim.

Kawork 1: Ako rin matagal na akong di nakakakain ng balls...

Kawork2: May alam ako sa malapit sa dorm namin.

*TING*

Muntik ko na syang halikan dahil sa sya ang magsasakatuparan ng pangarap. Tuwang tuwa ako Charo, Naiiyak ako *pahid ng luha gamit ang tissue*

So ito na nga.... Nagmamadali kami na mag logout sa work super honda kami yun bang tipong parang nasa karera kami ng sasakyan na signal na lang ang hinihintay at aarangkada na kami.

Nilakad namin ang kahabaan ng Dela Rosa, medyo mahaba pala sya, sobrang haba ang haba haba haba haba haba... Ang haba ng hair, haba ng hair... Kumakanta kami ng ganyan habang nag lalakad sa sobrang habang daan sa Dela Rosa

Ng biglang.............



Nagulat ako sa karatula ng nagbebenta ng mga balls... Hindi ko inexpect ang nabasa ko hahahaha...





Basta, hindi ko kinaya...





Basta tawa ako ng tawa...







Grabe talaga........




Ito sya oh.....

























wala ako sa picture dahil ako ng kumuha lolz












Nung lumapit kami kay kuya ang sabi nya...

"Sir Mam eat my balls dont be shy!"

Hagalpakan kami sa tawa dahil sa itong ito ang hinahanap namin... ang mga balls ni kuya, ang sarap ng balls ni kuya ahahaha..


#MoralLesson: Careful what you  wish because you might just get it... *insert Pussycat Dolls*



Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Thursday, June 19, 2014

mystic Sunday


Check-up Time: 4:02pm

Since I don't want to be stuck in too much negativity, let me tell you about a happy a adventure I had.

Since the "gang" and I are planning to go to Mangalawa Island next month (instead of Anawangin-Capones-Nagsasa), we are now preparing the things that we will be needing for that day.

Last Sunday, Basha and I went to MOA to buy our rash guards.  We may be a little late in buying them but what the heck! We got them in colors that we wanted for a lesser price. Throw in the SPF 50 protection as bonus and we were able to cross out one item in our bucket list.

Next stop was Mystic Brew in BF Resort, Las Piñas. We boarded a van and alighted Casimiro to take the trike going to our destination.  It was Axl who got me curious about the said café so I grabbed one of my frequent travel buddy, not to mention the most gorgeous.  O ayan ha, quota ka na, Basha! (pinilit nya ako isulat yan).

dito na kami ☺
 Mystic Brew is highly recommended for people who want to experience freedom from the hustle and bustle of the city.  This Harry Potter inspired nook has amazing ambiance, cozy seats and an out of this world menu delectable enough for you to forget your name. Basha called me “Tim Yap”, believe it or not! Hahahaha!

playing around
having crazy photos in their cozy rest room..
picture first before eating...
Bash and her Pasta Pronto and Mystic Brew
Hmmmmm what potion to take? lolz
Dahil payat ako sa pic na ito, I used it as my DP in FB... this is what you called "Angulo" lolz
Chulapa-cabra is a tongue twister in its truest sense. The name though is not as complicated as the dish itself. Plainly put, its taco with chips on the side. Less oily but with more oomph! because of the presentation. Lakas maka-alta!


Left: Chulapa-cabra Right: Pasta Pronto
The Pasta al Pronto is a tangy, ala-Oglio meal that Basha found “just okay”. She would have appreciated it with less lemony taste and more serving. The bread that comes with it is a must try.

Left: Chili-mint Coffee Right: Butter Brew
I found the chili-mint coffee difficult to drink because of the spicy kick that it gave after taste. I felt that my whole world stopped when I took my first sip. While biting her lip, Basha was polite enough not to laugh at me as was FORCED (strong word!) to shove her Butter Brew down my throat.  

My taste buds were telling me that we should not leave Mystic Brew without trying Matabarak but it seems that the odds are not in our favor. It was not available for that day so we opted to explore Cerealicious instead. It is within the vicinity so we took another trike ride to fulfill our gastronomic pleasures.



I need not say more why I consider Cerealicious as the place to be for fiber lovers.






It was a sign from heaven that made us decide that it is time to go back to our humble abodes by past 9 pm. I must say, the SIZZLE is all worth the DRIZZLE.


 Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Tuesday, June 17, 2014

Feed Up

Check-up Time: 8:04pm



Ano ang gagawin mo kapag sawang sawa ka na sa paulit-ulit na nangyayari sa paligid mo?




Pasensya po, sa ngayon ay wala ako sa mood magkwento ng mga masassaya kong adventure... Sa ngayon gusto ko lang maglabas ng stress sa page ko... Alam ko na medyo nega ang post kaya po paumanhin sa mga hindi nagustuhan ang post na ito :(

Pipilitin ko pa magkwento nga maayos next time sorry po ulit...


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Saturday, June 7, 2014

Baliw Saga - Episode 6: Kape

Check-up Time: 4:36pm

Alam na siguro ninyo na hindi kami dapat magsama ni Bunso kapag sabog kami sa utot dahil kapag nagabot ang saltik namin eh baka mag-clash ulit ang mga titans, nyaruts ahaha.

This happen noong wala pa kaming coffee maker sa bahay. Dumating sa punta ng buhay ko na gusto ko uminom ng tunay na kape at hindi instant coffee kaya naman noong may nagbigay sa akin ng giniling na kape ay gusto ko na syang kaldagan sa dibdib sa sobrang saya ko. Tiayrs lang hihihi. Kaso ang problema paano ko sya gagawing kape? So ganito ginawa ko, sa kaserola na may kumukulong tubig ay nag lagay ako ng 3 kutsarang giniling na coffee at hinintay na magkatas ang kape at pinatining ko ito at doon ko sinandok ang iinumin kong kape...







Masarap na ang pagchichill ko ng naabutan ako ni Bunso at nagkaroon ng palitan ng dialog...


ito ang naganap....



Make up...... Okay!


Lights..... Okay!



Audience..... Okay!


aaaaaaaaaaaaaaand action!






Bunso: ano yang iniinom mo?

Ako: Brewed coffee. Gusto mo? Sandok ka lang dyan.

Bunso: Sige kukuha ako...

Sumandok si Bunso ng kape at tumabi sa akin. Nilagyan nya ng asukal at cream ang coffee nya. Nakita nya yung sa akin na black coffee lang kaya nagtanong sya....

Bunso: Bat hindi mo nilagyan ng cream?

Ako: Gusto ko kasi malasap ang giniling na kape.

Bunso: Di dapat hindi mo na sya pinakuluan sa tubig.

Ako: Sa totoo lang ang gusto ko nga eh nguyain yung coffee beans para naman mas malasahan ko.

Bunso: Oh ano nangyari?

Ako: Wala pang bagong ani eh.

Bunso: Ayos ha. Nakatikim ka na ba ng pinakamasarap na kape?

Ako: Oo.

Bunso: Paano tinimpla?

Ako: Nilagyan ng magic sarap. Pagbinudburan mo ng magic sarap ang kape ang ordinaryong kape ay nagiging extraordinary na kape...

Bunso: hindi pwedeng namnam?

Ako: No! magic sarap ang gamitin mo, dahil ang sarap ng kape ay may magic, magic, magic (insert Aiai delas Alas here)

Bunso: Ah ok. Kumakain ka ba ng nilaga?

Ako: Oo, bakit?

Bunso: Tigilan mo na ako baka isama kita sa kape mo at ilaga kita...


Iyan ay isa sa mga ordinaryong senario sa buhay naming magkapatid. Sa tingin mo may gamot pa ba sa amin? lolz.


#Morallesson:
Wag masyado maging adventurous sa pagtimpla ng kape minsan nakakainit ng ulo.



Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Tuesday, June 3, 2014

Unexpected

Check-up Time: 7:03pm


Naranasan mo na ba yung may nakausap ka na tao at biglang hindi mo ineexpect na alam nila na nageexist ka sa mundo ng blog?

Hindi ako maka-move on sa taong nakausap ko kagabi. Nag-u-usap kasi kami regarding sa isang comment sa facebook na nauwi sa blog ko. Nung tanungin ko sya kung ano sa mga post ko na nabasa nya, ang ibinigay nya sa akin ay post hindi ko matandaan. Nakahinga na ako ng maluwag pero yun ang akala ko.  Halos mapaganito ako...






nung sinend nya ang link ng page ko. Nganga ako dahil page ko nga ang sinasabi nya ahaha. Well wala na ako magagawa kasi may ebedensya na sya kaya naman nung naconfirm ko na page ko talaga yun eh napaganito na lang ako...





Maliit lang ang mundo at applicable ito sa lahat ng bagay sa tunay na mundo, social networking sites at maging sa blogworld.

Dahil din sa tulong sa social networking sites eh malaman ko na dapat pala hindi na ako masyado magrely sa to see is to believe na motto, minsan mas maganda pa ang maniwala ka sa instinct mo dahil sa kung ano ang sinasabi ng instinct mo 80% ay totoo. Kung hindi man yun ay trabaho na ng 20% na natira nyahaha.

Dahil tuloy dyan kung bata bata pa ako at kaya ko pa mag aral ng mga routine at mapayat lang ako eh di papartneran ko ito..



Pero syempre charot lang yun ahahaha.

Hi sa mga silent reader ng page na ito. Kaway sa inyo with flying kiss lolz. Hanggang ngayon di pa rin ako makarecover ahahaha.

(credits sa may ari ng pics at video)



 Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!