Check-up Time: 4:36pm
Alam na siguro ninyo na hindi kami dapat magsama ni Bunso kapag sabog kami sa utot dahil kapag nagabot ang saltik namin eh baka mag-clash ulit ang mga titans, nyaruts ahaha.
This happen noong wala pa kaming coffee maker sa bahay. Dumating sa punta ng buhay ko na gusto ko uminom ng tunay na kape at hindi instant coffee kaya naman noong may nagbigay sa akin ng giniling na kape ay gusto ko na syang kaldagan sa dibdib sa sobrang saya ko. Tiayrs lang hihihi. Kaso ang problema paano ko sya gagawing kape? So ganito ginawa ko, sa kaserola na may kumukulong tubig ay nag lagay ako ng 3 kutsarang giniling na coffee at hinintay na magkatas ang kape at pinatining ko ito at doon ko sinandok ang iinumin kong kape...
Masarap na ang pagchichill ko ng naabutan ako ni Bunso at nagkaroon ng palitan ng dialog...
ito ang naganap....
Make up...... Okay!
Lights..... Okay!
Audience..... Okay!
aaaaaaaaaaaaaaand action!
Bunso: ano yang iniinom mo?
Ako: Brewed coffee. Gusto mo? Sandok ka lang dyan.
Bunso: Sige kukuha ako...
Sumandok si Bunso ng kape at tumabi sa akin. Nilagyan nya ng asukal at cream ang coffee nya. Nakita nya yung sa akin na black coffee lang kaya nagtanong sya....
Bunso: Bat hindi mo nilagyan ng cream?
Ako: Gusto ko kasi malasap ang giniling na kape.
Bunso: Di dapat hindi mo na sya pinakuluan sa tubig.
Ako: Sa totoo lang ang gusto ko nga eh nguyain yung coffee beans para naman mas malasahan ko.
Bunso: Oh ano nangyari?
Ako: Wala pang bagong ani eh.
Bunso: Ayos ha. Nakatikim ka na ba ng pinakamasarap na kape?
Ako: Oo.
Bunso: Paano tinimpla?
Ako: Nilagyan ng magic sarap. Pagbinudburan mo ng magic sarap ang kape ang ordinaryong kape ay nagiging extraordinary na kape...
Bunso: hindi pwedeng namnam?
Ako: No! magic sarap ang gamitin mo, dahil ang sarap ng kape ay may magic, magic, magic (insert Aiai delas Alas here)
Bunso: Ah ok. Kumakain ka ba ng nilaga?
Ako: Oo, bakit?
Bunso: Tigilan mo na ako baka isama kita sa kape mo at ilaga kita...
Iyan ay isa sa mga ordinaryong senario sa buhay naming magkapatid. Sa tingin mo may gamot pa ba sa amin? lolz.
#Morallesson:
Wag masyado maging adventurous sa pagtimpla ng kape minsan nakakainit ng ulo.
Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!
kape na may magic sarap? hahaha
ReplyDeletegusto kong i-try na makipag-usap sa inyong magkapatid, kaya ko kayang makisabay sa usapan ninyo hehehe...
lolz. Kaya mo naman Sir wag ka nga lang magulat kasi ang ganyang mga eksena ay sobrang casual sa amin lolz.
DeleteKa touch naman kayo:) No boring moments:)
ReplyDeleteahaha minsan sarap lang kotongan kasi wala na kaming seryoso na bagay na napag usapan. Salamat Mommy
Deletenaaliw naman ako sa usapan nyo....
ReplyDeletema try nga ang kape na may magic sarap hehehe.....
nakakamiss uminom ng kapeng barako.....
Ahaha. Uu nga kaso iwas muna ako kasi ang bilis mangasim ng sikmura ko lolz.
Deleteha ha kape with Magic Sarap .. sarap nga siguro niyan ... how about NamNam with Tomato Sauce ? he he he
ReplyDeleteahaha. Mas masarap pa rin ang kape na may magic ☺
DeleteHehe ibang klase ang pagmamahalan nyo. Lolz
ReplyDeletenyhaha hinihintay ko na ang araw na magkasakitan kami dahil wala kaming tanong na nasagot ng matino lolz
Deletehaha, masarap din ang kape pag may halong wasabe *evil grin*
ReplyDeleteahaha may twist at spice na dagdag sa kape lolz. Ayos yan ☺
DeleteFeeling ko lang ha... Keri na ko sa black coffee na walang Magic Sarap. Di pa yata ko ganun ka-adventurous. Hahaha
ReplyDeletenyahaha. Namnam gusto mo Kat? lolz
Deletefeeling ko palaging World War sa bahay niyo. hehe.
ReplyDelete-AnonymousBeki
hindi naman casual lang lolz
DeleteKape na may magic sarap? hahah :)
ReplyDeleteahaha gusto mo itry simon? ☺
DeleteGanyan na siguro talaga ang mga kwento ng magkakapatid. parang kami ng kapatid ko. lately nga lang wala na kaming shouting match. noong nagka-boyfriend ang loka eh naging mapayapa na ang buhay namin. Pero kapag nagkakasama kami eh medyo sinasaltik din, hahaha! Minsan pa nga pinagtutulungan pa namain asarin yung boyfriend niya. hahaha!
ReplyDeletenyahaha ayan ha bully kayo Mr. T belated happy birthday ☺
Deletemga baliw nga kayo. magsama kayong magkapatid!!! hahahahahaha
ReplyDeletenyahahaha ☺
DeleteKape at magic sarap, hindi ko itatry. Baka maglasang beef yung coffee. Pero na try ko ang coffee plus milo. Lol. -anthony
ReplyDeletemasarap yan lalo na kapag ang kape ay brewed ☺
Delete