Hola Tinola, Afritada, Ensalada, Valenciana, Crispy Pata.... Ako'y tataba!
Lol puro pagkain? Kasi naman kulang ako sa nutrisyon. Kailangan kasi mag mukang payat sa mga summer picture....
CHAROT lang yun! hihihi.
Lenten season nanaman, at sa ganitong panahon madalas ay nagninilay-nilay tayo sa mga nagawa natin sa nagdaang taon. Kung naisabuhay ba natin ang mga tinuro ng simbahan sa atin o hindi , ganyan.
Sa true lang mga koya at teh, namiss ko manood ng senakulo sa ganitong panahon. Kasi naman grade school pa ako ng huling nakapanood ng senakulo. Meron naman sa lugar namin nito kaso lang kailangan mo pang dumayo sa kabilang baranggay para makapanood. Effort mga meym at seyr.
Meron namang mga palabas na hango sa mga biblya sa mga TV channels isama mo pa dyan ang mga palabas ng kanya kanyang network kung saan ka makakapagnilay ka din, kaso lang iba pa rin ang nakikita mo ng aktuwal (o siguro ko lang gusto yun ay dahil at some point of my life eh nakahiligan ko an teatro).
So ito na nga, noong bata pa ako natatandaan ko na bukod sa mga yan eh kabi-kabila din ang mga prosisyon. Kaso lang nung nag laon ang panahon parang bihira ko na lang makita yan sa Manila hindi katulad sa mga probinsya na naglalakihan ang mga karosa ng mga santo at imahen na pinaparada nila at taon taon nilang isinasama sa mga prosisyon ang mga life size nilang mga imahe na hango sa mga santo.
Dahil dyan sa Sabado ay kakaladkarin ko ang sarili ko sa Liliw, Laguna sa pangalawang pagkakataon dahil baka sakali ay masaksihan ko ang dati'y nasaksihan (sana) ng ganitong panahon din nung una akong mapadpad doon kasama si Nutmeg.
Sana din makisama ang panahon at ipostpone muna ni Chedeng ang pagbisita nya sa Pinas para naman all is well sa pag babaliw Aliw sa Liliw ko.
Muli po, in behalf of the staff and crew ng blog na ito ay hinihiling namin ang ligtas, mapayapa at makabuluhang semana santa sa inyo...
Teka!!!!! anong staff and crew????? TV Show ito??? Lolz
O sya see you when I see you ☺
BTW, kinakabahan ako sa sunod na post ni Kalansay Collector ahahaha.
Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!
A blessed Holy Week sayo Rix ... bahay mode lang ako at konting swimming dito sa Antipolo : )
ReplyDeletenext week gagawin ko ang matulog ng matulog
DeleteWala bang prusisyon jan sa inyo sa Taguig?
ReplyDeleteDito samen, may prusisyon kagabi then meron pa bukas for Good Friday.
Meron nga din pabasa dito :)
Anyways, be blessed this Holy Week!
Meron kaso lang salubong na ang madalas ko marinig eh
DeleteWala niyan dito but I do miss it. Have a blessed week and prayers for everyone.
ReplyDeleteSa iyo din Jonathan
DeleteLigtas, mapayapa at makabuluhang semana santa rin sayo :)
ReplyDeleteYour too
DeleteHave a blessed Holy Week sa yo. na missed ko din ang mahal na araw sa pinas:)
ReplyDeleteSayo din Mommy Joy
DeleteSame with Ser Jo... Wala din nyan dito... Blessed Holy week sayo Rix...
ReplyDeleteNaku mukang mahirap ang holy week dyan sa lugar nyo kuya Mar haha
Delete