Sunday, April 12, 2015

Praning!

Check-up Time: 9:48pm

Hoemgeee!!!

Sobrang napraning ako sa nangyari sa akin kaninang umaga as in hindi ko nakaya ng burberry hard.

Ganito kasi yun...

Suot ko ang headset ko at nagsasayaw ang diwa ko sa tugtog na "Dying Inside" ni Timmy Thomas nung sumakay ako sa jeep papuntang Edsa Taft. Hindi ko pa kinuha ang pambayad ko ng jeep dahil iniisip ko na kung magtatagal pa si kuya driver eh lilipat ako ng jeep.

Hindi pa umiinit ang pwet ko sa kinauupuan ko ay may sumakay na isang lalaki na pagtitignan mo eh parang ang hanap buhay nya ay bouncer sa bar. So ibig sabihin maskulado. Umupo sya malapit sa inuupuan ko. Deads lang naman ako sa kanya kasi ang isip ko ay nagsasayaw naman sa saliw ng kanyang 'Always" ng Erasure.

So ito na nga few minutes pa run-a-wat bride na si kuya jeepney driver. Since tumatakbo na ang jeep nya kinuha ko na ang pambayad ko. Kaya dinukot ko na ang coin purse ko para kunin ang pambayad ko. Hindi ko alam na ipinaabot pala ni kuyang parang bouncer ang bayad nya. Hindi ko narinig ang favor nya dahil nakasaksak ang earphones ko sa tenga.

Imbey much si kuyang parang bouncer mga fwens, inabot nya ang bayad nya na may paghampas sa braso kong sensitive. Syempre ako naman bilang isang tao na may pakiramdam, nakaramdam ng pain na sapat para magreact. Tapos he look at me with so samang titig. Like duh? Nag-a-ask lang sya ng favor its not my duty to make his bayad abot to kuya jeeepney driver *rolling eyes*.

So nagreact ako ng light. "Kuya, sana naman nakikita nyo na kinukuha ko pa yung bayad ko. Ok lang naman sana kung makikisabay ka na lang ng abot ng pambayad hindi yung nananakit ka". Si kuyang parang bouncer MMK as in More More Kuda. Naturete ako sa kanya kaya hiningi ko yung pamasahe nya pero di nya binigay sa akin so ako naman kebs! Tune in na ako sa playlist ko na "Lick It" na ang tugtog ni Roula.

Narindi siguro si kuya jeepney driver sa MMK ni kuya bouncer kasi dami hanash so nag react na si kuya. Ang nakakatuwa naman sa kanya kinampihan naman ako ni kuya kasi nga naman si kuya bouncer eh nagask na lang ng favor very harsh pa. Until sila na ni kuya jeepney driver ang nag-aaway. Wa pa rin ako care sa kanila kasi medyo naiindak na ako sa "Feel like dance" ng Globe. Medyo lumalamin ang hidwaan ni kuya driver at ni kuyang parang bouncer pero di ko na nasusundan kung ano ang pinaguusapan nila. Pumara si kuyang parang bouncer nung nakababa sya binato nya ang pamasahe nya.

This time naging violent ang approach si kuya jeepney driver kay kuyang parang bouncer. Nagulat ako sa mga sumunod na nangyari biglang tumakbo si kuyang parang bouncer kay kuya jeepney driver. May dinukot sya sa bulsa nya. May dala pala syang balisong. Sinaksak nya sa leeg si kuyang jeepney driver.

Panic na ang mga tao lalo doon sa tabi ni kuyang jeepney driver. Sumirit ang sariwang dugo sa kanila. Yung iba nagtabuhan habang ako parang napako sa kinauupuan ko. Gusto ko din tumakbo pero parang wala akong lakas.

Napatingin si kuyang parang bouncer sa akin. Galit na galit ang muka nya. Tumakbo sya papunta sa pinto ng jeep. Ako naman nagsisimula ng mamuo ang mga luha ko sa mata. Alam ko na dahil sa akin kaya nagkaganun sya. Malapit na sya sa akin.... Alam ko ng malapit na ako... Ipinikit ko na lang ang mga mata ko tapos nun........


















































Gumising na ako sa pagkakatulog ko..

Haizt what a nightmare. Hindi na ulit ako matutulog ng sobrang stress iba ang tama sa akin.


Anyways patapos na ang #nationalsiblingsday ay naki-isa naman ako, nagpost ako ng pic naming magkakapatid sa fesbuk.





O di ba? ako pa rin ang mas kyut sa 2 kolokoy kong mga kapatid ☺

O sya tama na ang lokohan. Hanggang sa susunod ay magandang gabi sa inyo hehehe.


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

14 comments:

  1. sus maryosep..kala ko totoo na. buti hindi:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ako din mommy Joy buti na lamg hindi...

      Delete
  2. Ha ha ha iyan ang sangkap ng isang tragic na bangungot ... agree ako , ikaw nga pinaka cute sa inyong tatlo he he at salamat sa info dahil nalamn kong merun palang national siblings day : )

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ay naku nagsasabi ka talaga ng totoo lolz

      Delete
  3. Ahahah langya ka Rix XD
    Buti na lungs, bago ko natapos yung kwento mo nahulaan ko na agad na iyon ay panaginip lang.
    Nakakatakot namans yan kung nangyari in real life lol

    Pichi-pichi ba yang subo nyo? LOL

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ay nakakainis ka spoiler ka lolz.

      Uu pichi pichi yan hahaha.

      May naiisip ka noh???

      Delete
  4. Hanubayan Rix super kinabahan ako habang binabasa ko 'to. Buti na lang nahulaan ko din na ito'y isang panaginip lamang nang makita ko ang maraming spaces.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sige na nga predictable na na panaginip ko dya hahaha

      Delete
  5. Sinikap kong intindihin dahil halo halo ang laman ng post na ito. Kung sakalin naman kasing nangyari ito, wala nang mag po post at mabuti na lamang panaginip nga lang. Paano ka kayang nananaginip na nakikinig ng music, umiindayog ka rin sa kama?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi naman hahaha. Casual lang hihihi

      Delete
  6. Echosera ka! Haha
    Aww wala akong mga pix with my sibs!!! Huhu di kasi kami uber close!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha hindi kaya.

      Awts sad to know

      Delete
  7. hahaha! mahusay ka talaga sa mga ganyan rix :)

    ReplyDelete

hansaveh mo?