Saturday, May 2, 2015

Sumasummer

Check-up Time: 9:53pm


So feel na feel nyo nya ba ang summer?


For sure naman siguro di ba? Kung di ka jinajabar sa init ay ikaw na ang may malakalabaw na balat. Nyarots only hihihi.

Uso ang heatstroke ngayon kaya ingat. Keep yourself re-hydrated.

Sploking of stroke. Nalungkot ako dahil sa pumanaw ang tatay ng barkada ko dahil sa heatstoke na nauwi sa major stroke. Haizt.


Nakakatakot pa naman kasi, ayon sa narinig kong chismis sa parlor sa may kanto namin bumabata ang nagiging biktima ang heatstroke na nauuwi sa major stroke.

Siguro bukod sa sobrang init ng panahon eh nakakadagdag din ang life style ng mga generation ngayon.

Madalas eh mga pagkaing instant at mga unhealthy ang kinakain nila (kala mo naman napakahealthy ko. Chars lang!) at hindi masyado active ang mga activities nila. Kung hindi puro tab ang hawak nila eh ang katapat nila laptop/desktop. Mas madali tuloy sila kapitan ng sakit dahil sa kulang sa ehersisyo.

Di tulad sa henerasyon ko na kada alas-quatro ng hapon. Kung kelan di na mainit nagkukumpol-kumpol na KAMING (all caps talaga??? lolz) mga kabataan para mag-isip ng lalaruin at magkakampihan.

Kung batang 90s ka eh for sure nalaro mo ito..



Pasensya malabo hihihi nakuha ko kasi ito sa net (credits sa may ari hihihi)


O nalaro nyo ba yan? Ako oo, at may iba pa, kulang pa nga yan. Sobrang inactive ng mga laro ng mga kabataan ngayon. Nakakalungkot nga na may mga batang hindi alam ang patintero samantalang noon lumalaban pa ang school ko nung elementary ng interschool sa mga palarong Pinoy. Sana isama sa curriculum ng mga school ngayon ang paglalaro ng mga Pinoy games kasi malaki ang matutulong nito sa kalusugan ng mga bata.


Sploking of malusog. Nastress na talaga ako ng burberry hard dahil sa pag-akyat ng timbang ko. Ipingadadasal ko nga na mabawasan ako kahit isang guhit lang (baboy lang sa palengke?) masaya na ako dun.

For now enjoy ako sa zumba. Tagtagan ng mga fats mga meym and ser! Feeling ko ito ang sagot sa kahilingan kong ikakapayat ko ngayon sa current na timbang ko..


Pasensya na sa katabaan. Bago magstart ang zumba session


Sploking of stress din. Ay salamat alam ko na kung saan makakabili ng mint leaf. Makukumpleto ko na ang detox water ko. Hindi na lang lemon ginayat na luya at pipino ang gagamitin ko madadagdagan na sya ng mint leaf.

Pero bago yun sinubukan kong gumawa ng sarili kong lemon mint tea. Nagenjoy naman ako kasi tunay ngang nakakawala ng stress ang tea na minty ang lasa.







Sa ngayon ay naghahanda na ako sa escapde ko ng summer. Unang beses ko maglakwatsa ng 3 probinsya ng isang bagsakan lang. Pupunta kami ng Dumaguete, Siquijor at Oslob, Cebu. Susko! Salamat sa nag sponsor ng swimwear ko, yun nga lang mukang kailangan ko mag wax nyahaha. Potek kasi ang mga supportive kong mga friends binilhan ako ng trunks. Okay lang naman sana kaso lang hindi boxer brief yung style ng trunks.





Jusme! Kung suot ko yan at mas malusog pa ako kay Free Willy, so disturbing!!! Baka umahon ang mga laman dagat at pabalikin ako ng Manila ☺

O sya dyan muna kayo. Magzuzumba muna ako. Baka ikapayat ko na ito lolz.

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

12 comments:

  1. naaaliw talaga ako sa mga bawat sulat mo dito sa blog mo... usapang summer lalo grabe talaga ang inet ngaun taon parang patindi ng patindi....

    Ay grabe iba na talaga ang kabataan ngayon puro COC nakikita ko paglumalabas ako eh, di na ata uso sa kanila ang madumihan at magalusan man lang..

    ui healthy living masaya yan... good for you at mukhang mas bagay naman sa iyo ang slim eh..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Humihealthy living lang. Mahirap na baka kunin ni Ama ng maaga eh hihi

      Delete
  2. katuwa ka talaga. buti nag zumba ka na rin..masyado na so na rin sa Pinas no:)
    Good luck sa mga travel mo!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tinry ko lang mommy Joy. Kaya ko pa rin naman pala sumayaw lolz

      Delete
  3. May caption yung pic, before Zumba so I was thinking may after pic ito, wala? Ikaw na sa trunks! Light traveler ka pala.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wala haha. Nangigitata ako sa pawis. Medyo light lang traveller lang hahaha.

      Delete
  4. ha ha medyo di ko ramdam ang summer kasi aircon ang kuwarto ko at madalas ako sa Baguio charot lang he he he ... oo nga miss ko yung mga larong iyan nung kabataan days lalao na yung piko at tumbang preso he he , ngayon puro techno na lang at hand ang naeexercise ... wow zumba pang sosyal yan ah he he .... goodluck sa travel , bet ko yung Siquijor .... : )

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha ikaw ang tunay na yayamanin. Ikaw ang naka-aircon lagi lolz.

      Salamat

      Delete
  5. Hoooyyyy Riiiixxxx!!! nyahaha XD
    Naabutan ko rin ang mga larong kalyeng iyong nabanggit sa taas.
    Patintero, agawang base at siyato ang ilan sa peyborit ko.
    Tapos pagpatak ng takip silim, ayan na, taguan namans!

    Grabe nga ang inet ngayon. Dapat talaga laging hydrated para iwas stroke.

    Zumba, zumba, zumba!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. totoo ka dyan hahaha.

      Hay super! nakakatuyo ng utak.

      Zumba ka na din Fiel haha

      Delete
  6. Kulittttsss! Hahaha

    Mindanao is the new destination. Tarana, byahe na!

    Makabili na nga din ng swimsuit na mag iinspire saking magpapayat para makasya. Hahaha.

    Ingat at wag nating kalimutang paalalahanan ang ating mga mahal sa buhay na mag ingat :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wow hehehe ako plan ko mag davao naman. hopefully maisakatuparan ko yan.

      Push yung burberry sexy para itotodo na ang pagpapapayat haha.

      Delete

hansaveh mo?