Sunday, May 31, 2015

Summer Sarap pt. 1

Check-up Time: 2:00pm

Kamusta naman kayo nga friends?

Susko naman inamag ng burberry light ang page ako haha.

Gala after gala ang peg ko. Yung tipong nagrereklamo na ang phalanges, carpals at metacarpals ko nagsusumamo na na magpahinga ako.

Anyway ano pa nga ba ang gagawin ko kundi magkwento na ako ng pahapyaw (sa discovery blog ko na ako mag kwento ng harsh) ng mga adventure and misadventure ko sa summer sarap vacation ko.

May 16 ng umaga ng lumapag ang eroplano namin sa Dumaguete kahit excited na kami gumala bilang mahapdi na ang sikmura ng ilan sa amin dahil wala pa kaming agahan eh bumili kami ng kahit anong makakain sa terminal ng Ceres sa Dumaguete bago sumakay ng bus, susundan kasi namin ang itenerary na binigay ni Grah ng Chickturista (yung mga lugar na pupunathan namin galing naman kay Phioxee na wala na yung page nya /sob).



Ito na papunta na kami ng Balinsasayaw twin lake. Hindi naman ganun kalayo ang lugar kaso lang dahil sa pre-occupied ako susme, naiwan ko ang bag ko sa bus. Tinawagan ko dali dali ang terminal ng Ceres at nireport ko na naiwan ko ang bag ko sa bus nung bumaba kami sa Balinsasayaw, sabi sa amin puntahan daw namin sa terminal ng 2pm.

Saya ng adventure di ba? Or shall I say, ang shunga ko lolz.

Henny waist! back to may kwento na. Wag na akong husgahan na shunga kasi accepted ko na lolz.

Hagard ang byahe papunta doon. nung una deadma lang naman ako sa pataas na byahe ng habal habal sa gitna ng tirik na araw. Pero wait lang ha, kahit nasa tirik na araw kami bumabagtas hindi ramdam ang fierce na init ng araw. Malamig ang simoy ng hangin dahil nalaman ko na bundok pala ang binabagtas namin. Akala ko medyo elevated lang ang lugar na pupuntahn namin.

Tinuro ni kuya driver ng habal habal ang lugar na pupuntahan naman while riding the motor, Like i just cant believe him that moment kasi like its so layo and its so bundok talaga *insert Kriss Aquino voice here* Nyarot lungs!

Pero totoo yun hindi ako naniwala agad sa kanya, Naniwala na lang ako nung 30 minutes na kami nagbibyahe eh hindi pa kami nakakarating.

Sa wakas nakapagpahinga ang binti ko sa pagbukaka sa motor, Bumaba muna kami para magparegister ang magbayad ng mga fee fee ganyan. Eh sa binabaan namin may lake din. Susko akala ko nandun na kami hindi pa pala.



After namin mag picture taker, go na kami sa totoong lake na pupuntahan namin. Hati ang emosyon ko nung narating namin yung Twin lake ng Balinsasayaw.

Masaya kasi ang ganda ng lugar at....




Malungkot kasi inaalala ko pa rin yung bag ko.



Ang lake Balinsasayaw ay isa daw inactive volcano, ang lahat ng natatanaw namin ay ang unang lake pa lang, kung pupunta ka sa kabilang lake mamamangka ka sa halagang 250 pesos kada oras at keri daw ang 7 tao, pag narating nyo ang kabilang pampang slight trek ng 5 minutes at mararating na ang pangalawang lake.



Kanya kanya kami ng pwestuhan para magpapicture sa lugar at enjoying ang view at ang sariwang hangin. Nagpunta ako sa daungan ng bangka nila at niloblob ko ang paa ko sa tubig ng biglang naglapitan ang mga isda doon at kinutkot ang paa ko. Instant fish foot spa.



So, ito na pabalik na kami ng main road para balikan ang bag ko sa terminal ng Ceres. Pang-malakasang byahe nanaman ito. Motor namin ang unang nakarating sa waiting area ng bus at agad akong tumawag sa Ceres para magconfirm kung nakuha nila ang bag ko. Answered prayer! Puntahan ko daw sa customer service nila.

Nung tinanong ako ng mga kasama ko, ang sabi ko lang nagdasal kasi ako na kung di ko makukuha yung bag ibigay na lang sa nangangailangan... Eh ako yung nangangailangan kaya sa akin din binigay. Galing di ba? 

After namin pumunta makuha yung bag ko pumunta kami ng Qyosko na ni-recomend din ni Grah. Ang inorder ko ay hawaian chicken burger para sa lunch ko, pero parang nalugi ako. Hindi kasi sumayaw ng hawaian dance ang burger ko. Charut lang!





Nag-ikot-ikot na kami sa lugar para makita ang iba pang sinabi ni Grah hanggang sa.......




Napadpad kami dito...




Kahit busog pa kami kanya kanya kaming order ng silavanas at ng mga cakes.




Na-tu-twinkle ang mga mata namin dahil hong mura ng mga cakes dito compare sa Manila. Dito may isang slice ka na ng cake na uber sa sarap sa halagang 60 persos lang (samantalang sa Manila 120-190 ang slice ng cake na kaparehas lang ang sarap).

Ang inorder ko kay isang silvanas at isang slice ng Concorde cake. Yung Concorde cake eh may lady's finger tapos may pagka-chocolate-mocha ang filling nya tapos sinasabayan ko ng traditional na batirol. Hong sorop sorop nya!!!

Panay kami kain ng marealize namin na kailangan na pala namin magmadali sa port papuntang Siquijor dahil if hindi kami makakasakay dun bukas na kami darating ng Siquijor.



Hindi na namin napuntahan ang ibang lugar na dapat namin puntahan, haizt sayang pero sign na yata ito na kailangan bumalik doon.

O sya sunod na entry ko naman ang kwento ng Siquijor



Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

13 comments:

  1. Wow and wow! Sarap ng adventure nyo although sobra pagod siguro. At least nakita ko place through your blog:)
    Sana di matagal ang kasunod the post mo:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sana nga mommy Joy. sana magkaroon ako ng time agad agad

      Delete
  2. Nice ganda naman ng travel mo ... alam mo sa totoo lang d pa q nakakapunta ng Visayas promise ha ha ako na ang kawawa he he ... bet q yang Siquijor share mo na pics : )

    ReplyDelete
  3. Wow, eto na!
    Tagal kong hinintay na magpost ka ng kwento mo about sa Dumaguete/Siquijor adventure nyo :)
    Ang saya, ganda ng mga tanawin like nyang Balnisasayaw lake.
    Diba uri ng ibon ang Balinsasayaw? yung gumagawa ng nest na nigagawang soup XD

    Sa susunod, inom ka muna ng Memo Plus Gold para di maging makakalimutin hihihi!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Grabe ang hard mo sa akin Lolz.

      Yep balinsasayaw ay isang ibong. Ang laway nila ang ginagawang nido soup.

      Mukang mahahati ang post kp sa siquijor bilang 2 araw din ang adventure namin doon.

      Delete
  4. sayang di nako sa dumaguete nakatira. bakit kasi chaka ka lang don napadpad nung wala na ako. at sorry naman sa blog ko. wala na kasi akong pambayad sa renta ng Phioxee.com kaya yun na kickout sa blogosphere hehehee

    at alam mo rix yang sinasabi mong mataas na daan papuntang Twin Lake eh minotor ko yan with angkas pa ha. kering keri ko lang. hang mahal ng habal habal drayber eh.

    at buti naman nagustuhan mo yung sansrival. hehehe mura paba yun sa inyu. hang mahal nga eh

    ReplyDelete
    Replies
    1. Uu nga sayang yung page.

      Wow ikaw na phioxee. Hindi ako marunong maghabal habal.

      Myra na sya kumpara dito sa Manila.

      Delete
  5. So after kong mabasa ang Baguio post mo before eh eto naman siguro ang magiging next kong lalakbayin pero napagod na kasi ako sa adventures ninyo eh binabasa ko pa lang ito ah. Sige pasyal lang ng pasyal hanggang kaya pa at post lang ng post para kami ay mapasaya.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nyahaha balak ko bumalik dito kasama si Tonyo at si Empi

      Delete
  6. Kainggit! Lalo na yung Sans rival! Galing lang dyan ermats ko this summer. Ganda nga daw nung lake.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nyahaha sama ka sa amin? Balak namin bumalik eh si Tonyo at Empi kasama ko.

      Delete
  7. Na-miss ko tuloy ang Summer. Juzko tag-ulan na naman.

    ReplyDelete

hansaveh mo?