Sunday, September 6, 2015

Effortless

Check-up Time: 5:59pm


Hi mga mars at pars! Kemeste nemen keye? O na-effortan ba kayo mag-basa nyan? Kers lang! Yung iba nga dyan wang ka-effert effert megbese ng genyen lelz.

Well speaking of effort, ano nga ba yun? Yun ba yung nilalandingan ng irplen? Chars lang... I know it of course, main course.

Minsan talaga masasabi mo na unfair ang buhay noh? Madaming bagay na dapat i-appreciate mo pero nature na ata talaga ng tao ang hindi makuntento. Yun bang may ok naman sa iyo pero gusto mo mas fabulous pa, ganern!

Haggard akis mag-effort mag-work out para naman maimprove ko ang itsura ng chubby kong katawan. Kaso lang, emerged!!! Phurang makakalas na ata ang mga joints, tendons, at kung ano ano pang connection ng mga ligaments ng katawan kis parang wala akis nakikitang resulta. Sadyang malaki talaga ang nadudulot ng hindi well rested ang katawan mo sa paglobo ng timbang mo. Pero may ibang mga tao sa gym na parang naglalaro lang pero kagaganda ng kurba ng katawan. Walang ka effort effort.



Minsan naghahanap ako ng puwesto na hindi ko sila masi-sight kasi minsan gusto kong balian ng mga buto ang mga taong itez ng makagabol naman ang kaawa-awa katawang chubby kiz sa kanila. Harsh ba? Syempre charot lang yun. Yun nga lang hindi mo talaga maiiwasan na madismaya kapag nararamdaman mo ang sobrang challenge na... You know what I mean?

Okay naman na akiz sa kulay ko. Kaso lang sa country natin na mas mataas ang tingin sa tao na phurang ginulat at na mutla sa puti eh minsan na iisip ko na why not try din magpaputi? Subok lang... Kaso lang its sooo mahal ng glutah ha at mahirap pa sa mga kababayan natin i-meynteyn kapag nagstart ka na. 





Pero bat may mga tao na kahit mag bilad sa araw parang kers lang nila. Phurang wala man lang bahid ng sunburn. Tapos pag titignan mo yung mga balat kakikinis. Minsan ang sarap sugatan para naman hindi masyadong perfect ang skin nila. Lolz bitter again??? Ehhh bakit hindi nyo ba minsan naramdaman yun? Aminin!!!

Alam mo yung tao na likas yung talino? Yun bang hindi katulad ng iba na kailangan patayan ang pagre-review para lang makapasa pero yung iba babanjing banjing lang pero susko naman baka lumagpas pa ng 100% ang grade. Minsan mapapaisip ka kung may social life ba yun mga taong ito. Habang ikaw dumudugo na yung utak mo kakareview.





Minsan sarap ipatumba ng mga ganitong tao kasi super dami ng alam (sindikato? Charot lang) pero minsan nakakainis talaga isipin na bakit sila parang effortless ang pagrereview sa kanila.

Na-experience mo na ba yung kumanta ka tapos biglang may sumabay sayo tapos may sumabay pang isa... Ano ito glee????? Tapos ng masakit pa sa kalooban mas magaganda pa ang boses nila sayo tapos parang hindi man lang kakikitaan ng kahirapan sa kanila kantahin yung kinakanta mo habang ikaw mapapatid na ang litid mo maabot lang ang tono ng kinakanta mo?

O di ba nga? Bakit sila effortless kung kumanta... Eh bigla ko na realize mga singer talaga sila tapos akiz, marunong lang kumanta pero hindi ko naman sinabi na maganda ang boses ko di ba? Pero basta unfair pa din. Maipilit ko lang ang pinaglalaban ko nyahaha.




Yung iba napaka-effortless nila gumawa ng sobrang flawless na entry sa blog habang ako tuyo na ang cerebral fluid ko wala pa ako na iisip... Tulad nito? Isa nanaman walang kakwenta kwentang post Lolz.


Hay naku eexit na nga ako. Mukang yun lang ang effortless sa akin nyahaha. Hanggang sa muli mga fwends kong may mga katok din hihihi.


(Credit to the owner of the pics)


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

4 comments:

  1. ganiyan talaga ang life ... ang mga effort sa isa , walang effort sa iba .... ah ewan pati itong comment ko walang kaeffort-effort he he he : )

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nyahahaha dama mo din ba ang mga effortless sa ibang tao???

      Delete
  2. Ahaha! tamang disiplina lang yan sa katawan para ma-achieve mo ang hunky body na hinahangad mo.

    Ay, wala akong problem sa skin color ko wahaha!
    Natawa ako dun sa piksyur. Parang wala naman nagbago kay ate lolz

    May ginagawa pala akong new blog. Nose bleed much ako wahaha
    Para kase sa ekonomiya yun eh nyahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naku hindi ako nagpapahunk lolz.

      Nyahaha kahit ako wala makitang pagbabago ehhh basta hayaan na natin si ate.

      Check ko as soon as i have time

      Delete

hansaveh mo?