Friday, January 22, 2016

dobol pak!

Check-up Time: 12:13am

So ito na nga....

Unang Pak!

After ko makigulo sa fiesta na Sto. Nino sa probinsya ng tatay ko eh hagard na hagard naman ako sa pag-aayos ng thesis ko dahil kailangan namin mag defense agad agad.

Hindi pa nga nawawala ang saya ko nung kasama ko si Bashengay na mamasyal sa Hindang Cave and Wild monkeys eh nakikipagbuno naman ako sa mga estudyante ngayon para lang makuha na ang mga data na kailangan namin para sa data gathering.



Anyway, highway, Broadway, Norway, there's no other way... I did it myyyyyyyyyy way!!!!!!!

Lumusog nanaman ang chubby kong heart sa another nomination na nakuha ko kahit na hindi ito pang Grammy o pang Golden globe awards. Cheriz lang!

Tenchu veyi much Sir Jep ng KORTA BISTANG TIBOBOS at Anonymous Beki ng Mga Chika ni AnonymousBeki sa pag nominate sa akin as berzatale vlogah!!!



Hindi ko sher kung ito ang unang beses ko na makareceive ng award na ito pero kers lang naman.

Dahil dito obligado ako magshare ng pitong bagay na tungkol sa akin kaya ito sisimulan ko na sya...

1) Hindi ko kaya manood ng mga morbid na pelikula. Nanlalambot ako dahil pakiramdam ko at nararamdaman ng chubby but fragile kong katawan mga nararanasan ng mga biktima.

2) Simula ng maranasan ko maglakwatsa mag-isa ay nagtuloy-tuloy na ang pangangati ng talampakan ko. Kaya naman naglalaan talaga ako ng panahon para maglakwatsa.


3) Madaldal ako sa text, chat or any chat apps pero ubod ako ng tahimik sa personal. Totoo yun! Promise maging senador man si Alma Moreno.


4) Makulit akong tunay kaibigan o kakilala na matagal o madalas ko ng nakakasama pero mahirap para sa akin makipagkulitan sa tao na nakasama ko pa lang ng 1, 2 o 3 beses.


5) May 2 pa akong blog ngunit dahil sa sobrang busy ko sa trabaho at sa pag-aaral eh nahihirapan ako na i-update sila. Pero dahil sa malakas ang pakiramdam ko na matatapos ko na ang pag-aaral ko ay babalik din ako sa music room at ang pagiging eksplorador ko.



6) Appreciative ako sa mga tao na nagbibigay ng regalo sa akin. Gaya ng nasabi ko noon bihira ako makakuha ng regalo kaya para sa akin ang paglaanan ka ng panahon para isipan o hanapan ng regalo o bigyan ng kung ano nakakapagbigay ng pakiramdam sa akin na mahalaga ako para sa kanila.




7) Nag-aral ako ng Taekwondo noong elementary ako pero isang taon ko lang ginawa ang kalokohan na yun. Naawa ako sa sarili ko dahil pumapasok ako noon na may blackeye, may bali ang braso o masakit ang buong katawan. Nung hindi ko na matagalan ang mga pangyayaring ito hindi ko na inatim na magtagal pa ng isa pang taon.




Dahil po sa liit ng mundo ko sa pagbablog at ganun din ang karamihan sa mga tao na sumusubaybay ng pahinang ito ay tila yata nilisan na din ang pagsusulat ay nahihirapan ako mag-nominate sa kategoryang ito at kinalulungkot ko dahil hindi ko alam kung kanino ipapasa ang korona este ang award na ito. Gayun pa man para sa akin ay may kanya kanya tayong katangian para matawag na versatile na blogger.


------------------------


Pangalawang Pak!

Hey! 3 taon na din akong gumagawa ng walang kabuhay-buhay at walang kakwenta-kwentang mga kwento na kadalasan eh trip trip ko lang.

Sana ay sipagin pa ako na magsulat at umabot man lang kahit dekada lolz.


( credits to the owner of the pics)

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

6 comments:

  1. Ha ha pareho naman tayong nanominate as versa ( ay parang sexual style ito ah ) blogger he he ... naks nagtaekwondo ka pala ako naman nuon Yaw Yan he he ... parang hindi ka naman tahimik sa personal eh ang kulit mo nga both sa personal at sa impersonal life he he he : )

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naku tahimik ano sa personal promise!

      Delete
  2. Oo at tahimik ka nga at nagmamasid lamang. Tatlo pala ang blogs mo, ibang klase ka talaga. I thought of segregating my posts into categories and then blog them differently pero siyempre, kulang sa oras. Matagal na panahon din ang gugugulin para mag ayos ng mga yan. Tama ka, once you had the experience of traveling alone, you'll never stop.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha napansin mo?

      Oo haha sipagsipagan kaso nahirapan ako mamaintain lately.

      Delete
  3. Relate ako sa #1. Di ko din bet yung mga R-18 (violent) na mga movies. Feeling ko kasi para sa mga insane people lang ang mga pelikulang iyan. I can't stand to watch bloody movies.

    Relate din akez sa #3, #4, at #6.

    Happy anniversary sa blogey mo! Tuloy tuloy lang ang energy!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tenchu. And tenchu din sa pagnominate

      Delete

hansaveh mo?