Sunday, May 29, 2016

Nasagad sa Sagada

Check-up Time: 5:01pm

Pak!

I sooooooo back...

So daming nangyari this past few days kaya naman wit kong keri na makapag-update here. Dagdag mo pa ang chakang implementation ng kung ano anong hanash sa office. So stress!

Akala ko nga nabawasan ang stress na ito pagpunta ko ng Sagada pero no...

And sploking of Sagada, It's very true nakatungtong na din ako ng Mountain Province at isang wonderful experiece ito kaso lang.... Basta!

Bago kami nagpunta ng Sagada ay pumunta muna kami ng Batad, Ifugao chenilyn. Sabi ng mga tao dun mas maganda ng puntahan namin ang Batad dahil bukod sa madami ng nakatira sa Banaue rice terraces eh may mga bahagi ng nasira doon. Kahit na haggard ang byahe papunta doon ay sulit na sulit lalo pa at makikita mo ang UNESCO Hiretage kembot. 


Sa trowt lang hindi ko inakala na mararating ko ito. It's so ganda! Maaamaze ka dahil sa bukod sa ganda ng lugar ay maiimagine ko kung paano nakeri ng mga sinaunang tao dito gawing palayan ang bundok. Tunay na mamamangha ka.



 

After ng hanash namin dito pack up na ang group kasi baka gabihin kami pa Sagada (na hindi kami nagkamali dahil gabi na talaga kami nakarating doon). Doon ko lang naranasan na makakita ng mababang ulap kaya nag-zero visibility ang lugar na dinadaanan namin. Nawindang ako sa takot dahil sa baka any moment ay makasalubong kami tapos magsalpukan ang mga sasakyan namin tapos mahulog kami sa bangin.... Arte ng imagination ko. Pero true talaga sya. 


Napraning pa nga kami dahil sa may liblib may sitio kaming nadaanan na may malaking rebulto ng Mama Mary habang zero visibility, pakiwari namin kukunin na kami (knock on wood) pero mali kami.... 


Nakarating kami ng Bontoc na may maganda ring view ng rice terraces and after isang oras pa finally Sagada na. Pasado alas-8 na kami nakarating sa Sagada bilang pagod na din kami na kanya kanya na kaming ganap para magpahinga dahil masyadong maaga ang ganap namin bukas.

Unang ganap namin sa Sagada kinaumagahan ay ang Kiltepan. 4:30 pa lang ng umaga ay nagsimula na kaming umakyan ng Kiltepan para marating ang peak nya habang 5 something pa ang expected na sunrise. 
Susko ang daming tao kala ko makakapag emote din ako at makakasigaw ang "Ayoko na! ang sakit sakit na! pagod na pagod na ako!" insert Angelica Panganiban in That thing called Tadhana pero no no no kasi kapag hahanash ka ng ganun daming karibal sa moment.



 After nga ganap namin dun run-davu na kami sa Lemon Pie restaurant na epic failed. Bakit failed? Susko lemon pie lang at mountain milk tea lang ang inorder ko inabot pa ng 1 hours and 30 minutes. At kung akala nyo ba ang ang switching eh ganap lang sa election, wait lang kasi dito may switching ng order. Ang order ng mga kasama ko nagkapalit palit at buti sana kung sa amin lang eh hindi, dahil yung ibang order namin sa ibang table napunta. 

Akala ko naman eh magiging ok lahat kapag natikman ko na ang lemon pie na nirekomenda sa akin kainin pero wiz kalifa! Walang special sa lemon pie wala ding pasabog sa lasa nya even the mountain milk tea wala ding speacial lasang tea na 4 na beses ng pinakuluan na nilagyan ng isang kutsang evap na gatas. 

Nagdugo ang heart ko dahil sa karanasan na ito. After nga failure na ito ay nagbalik kami ng inn kung nasaan kami nag-stay para magprepare para sa adventure namin sa Sumaguing cave.

Very funny ng mga guide namin dami nilang alam na kalokohan kaya naman nakakaaliw ang tour namin kahit na very challenging ang adventure. Sumaguing cave have 3 stages the slippery stage, the rock formation stage and the water stages. Bilang nakapag spelunking na ako nung nag Siquijor kami go lang ako dito.


Natapos ang 3 oras na harutan sa cave so akyatan na ulit para masilayan ang araw. Sa totoo lang haggrad din ito dahil tulad nung umakyat na kami pabalik sa sasakyan namin sa Batad pakiramdam ko ay tinadyakan ang dibdib ko sa pagod.
 

After nito kala namin makakakain kami sa Gaea kung saan nag breakfast si JM at Angelica sa pelikula nila pero pangarap lang sya dahil sa sarado ito. Haizt! So balik kami ng proper para maghanap ng kainan.

Yogurt house to the rescue para sa lunch ok na sana kaso lang masungit ang mga nagseserve nung nagtatanong ako about sa menu dahil gusto umorder ng strawberry preserved with yogurt nila. Nashock akerz dahil sinigawan ako at sinabi na lahat naman ng mga nandun sa set ng dessert na iyon ay may yogur. Tapos yung mga kasama ko sinabihan ng order take na "wag kayo maingay di ko marining yung order nila" ganern! Sobrang ok ang fudams waley ako mapipintas the service lang. Very very poor.



 Wala pa akong nakakainan na winner sana sa sunod meron na. Haizt!

So itez na run-a-way bride nanaman kami papuntang Hanging coffins at Echo valley so kanya kanyang kembot na kami papunta dun. Nalurks ako kasi talagang simenteryo ang start ng pupuntahan namin tapos after kaunting kandirit nasa Echo valley na kami so kanya kanya namang sigaw para macheck kong talang dapat ngang tawagin na Echo Valley ang lugar. 



Pak! true enough, pasado sa lab test more echo more fun nga sya. After ng kanya kanyang sigawan punta na kami sa Hanging coffin para magcheck ng mga kabaong cheret lang! Nakaka orkot kaya sa lugar kasi bukod sa tahimik sya eh alam mo na mga tegi na ang mga kasama nyo bukod sa inyong mga buhay.


Gaya ng Batad at Sumaguing cave struggle nanaman ang pagakyat papunta sa starting point pero kers lang medyo nasasanay na ako. Pakiramdam ko kung dito ako nakatira ang slender ng katawan ko. Chiz lang!

Pagdating namin ng starting point eh pumunta muna ako sa Church of St. Mary the virgin para mag pray bilang Sunday din ang araw na ito.

After ng adventure na ito ay bumalik kami sa inn namin magpahinga na dahil pagod na ang mga kasama ko. After a few hours ay nagusap na kami kung saan kami lalapez. Nagpunta kami ng down town at ang nakita namin ay ang Sagada brew. Gutom na kami kaya pinush na namin kumain dito. Infairness mabait at accomodating ang mga staff medyo pricey lang ang mga fudams pero worth it naman sya. So far dito pa lang ang kainan na winner for me. Ang inorder ko ay Pesto Pasta.



If ever na pupunta kayo ng Sagada ito lang ang mga tip ko.

- Magdala kayo ng flash light tapos kumanta kayo nito habang naglalakad sa kalsada. Walang mga poste na may ilaw sa Sagada. Promise!

- Medyo mga pricey ang bilihin dito. Dahil na rin sa madami ang poringer dito akala nila ang mga taga manila eh yayamanin din

- Make sure na wala kayo kasamang pachicks at pabebe. Hindi nyo maeenjoy ang Sagada at lahat ng pwede nyo puntahan. Kaya di ako nakapunta ng Lumiang cave, Hindi ako nakapunta sa taniman ng orange, di ako nakapag bonfire, hindi kami nakapunta ng lake Danum at nakapag wander ng wagas dahil sa mga ganito.

- Paghandaan nyo ang pwet sa madaming upo sa byahe, mga binti sa pag akyat, at mga mata sa ubod ng gandang tanawin na makikita nyo.

Yun lang naman. O sya hanggang sa susunod na gala. Magpapahinga muna ako dahil sa pakiramdam ko napagod ulit ako sa mga naranasan ko sa Sagada hihihi.

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

2 comments:

  1. Nakapunts na ako ng Mountain Province pero sa bayan ng Barlig lang at sa Bontoc .. Super enjoy ko rin ang biyahe na iyon ...

    ReplyDelete

  2. Dami kong tawa sa posts mo, hahahahhaha. Well gusto ko nalang i summarize yung comment ko. hahahahha. Ayun na nga, medjo kukunin ko yung sa kiltepan, nakakainis kasi ang dami nang tao, tama ka, wala nang moment, nakakalungkot talaga, Kadalsan, bisita at basura pa ang naiiwan. :(

    ReplyDelete

hansaveh mo?