Check-up Time: 9:20pm
Soooo bakit nga ba ang shugal ko mag-update ulit ng blog.
Lately, kinda busy ng uber dahil sa preparation ko ng aking graduation...
Finally, Ariel happen to me... Charot lungs!
Finally, natapos ko din ang isang kalokokan ko.
Ipinagpasalamat ko ng sobra sobra ito dahil sa wakas mukang makakaroon na ako sa social life (ang babaw lelz).
Nakakatuwa dahil pareho namin natapos ni bunso ang 2nd course namin kaya naman tigda-dalawang kurso na kami ng mga kapatid ko na natapos.. Nagpapasalamat din ako sa kanila ni Paping dahil sa sakit ang ulo na binigay nila. Cherez leng! Sa support syempre, kahit na puro moral support lang at walang financial nyahaha.
Nagpapasalamat din ako sa babaeng naging inspirasyon ko para mag-aral at taposin ito. Ang nag-i-isa kong nanay na alam ko eh masaya lalo pa at may party sila ng mga nanay sa heaven dahil sa Mother's day ngayon.
Sa mga kaklase ko na mga irregular na di lang naging laging ka-group sa lahat ng bagay naging mga kaibigan pa.
Sobrang saya maging estudyante uli. Sobrang hirap pero madami kang advantage..
Lahat ng mga ito ay pinasalamatan ko sa FB at infairnes ang post ko kay mudrakels ang pinaka tumabo sa takilya.
Ang hanash ko eh nasa baba..
Sino bang magulang ang hindi magiging proud sa kanilang anak na nagtapos sa pag-aaral?
Madalas mong ikwento ang kagustohan mo na magtapos ng pag-aaral pero dahil salat kayo sa pera ay di mo at ng mga kapatid mo nagawang tapusin ang pag-aaral nyo kaya naman nagpursige kayo ni papa para lang makapagtapos kami sa pag-aaral. 4 na taon pagkatapos kong makapagtapos sa PUP ng una kong kurso eh inuudyukan mo ako na magmasteral o mag-aral ulit pero tinatawanan ko lang yun. Ilang buwan pagtapos kang kunin sa amin ng kanser, sinubukan namin ng bunso mo na kumuha ng entrance exam sa isang pampublikong unibersidad sa lugar natin dahil sa alam ko na maaring matulungan ako nito na mapagaan ang pakiramdam ko dahil sa pangungulila sayo at dahil matagal mo na rin akong sinasabihan na magaral ulit. Nagawa namin makapasa at pinilit na makapagtapos. Araw, Linggo, buwan at taon ang binilang para maging kandidato sa pagtatapos at nakuha ko na ang aking diploma. Alam kong kasalanan ko din na hindi mo nakita ng personal ang pagtanggap ko ng ikalawa kong diploma pero alam ko na masaya kang nanonood sa live streaming dyan sa lugar kung nasaan ka.
Ma, isa ka sa mga dahilan kung bakit ko pinagsumikapan ang bagay na ito. Hindi ko lang tagumpay ito kundi tagumpay mo, tagumpay natin bilang pamilya. Maraming salamat sayo dahil kahit wala ka na you still push us to move forward and to work hard. Thank you Ma and I love you.
PS: hindi ka pa rin nakikipagkita sa akin sa panaginip, sana one of this days eh magpakita ka. May nakahanda na akong inumin, paborito mo ito. Tatagayan kita at sabay nating sabihin ang salitang "cheers".
Ang isang bagay na inisip ko nung ipost ko yan ay maging inspirasyon sana ng mga anak ng kaibigan ko sa opisina ang pagpupursige ko sa pagtatapos ko. Hindi ko alam na pumatok palaiyo sa opisina namin dahil dyan eh naoverwhelm ako, di ako pumasok sa work. Charut lang po.
O sya til next time. Kailangan ko na mag-beauty rest dahil kailangan maaha ako gumising para naman maaga din ako makaboto.
Kung botante ka po, Be wise! ☺
Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!
Congrats Rix!
ReplyDeleteGusto ko rin mag-aral pa ng pangalawang kurso :)
Kapag ba second course na ay pwede na ma-exempt sa ilang subject tulad ng PE? Hahaha. Di ko kasi ma-visualize yung sarili ko na magpi-PE pa rin kasama ng mga mas bagets na students, feeling ko awkward lols.
Salamat ☺
DeleteOo, lahat ng minor subject na meron sa old curriculum mo pwede ma exempt.
Congratz po! God bless..isa kang inspirasyon!
ReplyDeleteSalamat ☺
DeleteGaling naman talaga. Sabi ko nga sa FB mo, you're mun is so proud of you as we are also proud of your achievements.
ReplyDeleteYep ehehe.
DeleteSalamat teacher Jonathan
Congrats again Rix .. your Mom is very proud of your achievements likewise ... you are such an inspiration : )
ReplyDeleteThank Edgar ☺
DeleteAwh :))) Congrat Rix!!
ReplyDeleteSalamat Simon
DeleteCONGRATS! sure ako nagpakain nanay mo sa heaven above.
ReplyDeleteTrue ahahaha
DeleteCongrats, Kuya Rix :) Kahit ako natatakot na ring kumuha ng pangalawang kurso dahil iniisip ko na napaglipasan na ako ng panahon pero iniisip ko din na kung hindi ko gagawin 'yun magsisisi ako habangbuhay kaya gagayahin kita.
ReplyDeleteNaku wag ka matakot. Basta kaya mo pa go lang ng go!
Delete