Wednesday, May 11, 2016

Wisely

Check-up Time: 5:01am

Matiwasay ka bang naka boto?

Akerz keri chuvalu lang. Last na boto kerz inabot ako ng 6 hours, like oh my golly! Mahaba pa ang pinila ko sa pag-boto kaimbey! Pero now, 2 hours lang ako pumila tententenen!!! Nakaboto na akerz!


Nagdurugo ang puso kong chubby dahil sa milya milya ang layo ng kandidato na binoto kerz para maging presidente. Sa sobrang lungkot ko na ilike ko ang post sa efbi na "To the best President we never had" hontory davah?

Mas lalo kong di matanggap na nakapasok si Pacquiao at Sotto sa top 12 na senador. Magboxing na lang sana si Pacquiao at wag na pakialaman ng senado. Wala na nga sa nagawa nung nasa kongreso sya eh, nak ng tinapang duling oh. Si Sotto ni-re-elect pa! Sana hinayaan nyo na lang sya na bumalik sa Eat Bulaga namern!



Pero sa totoo lang merong nangyari sa akin noong eleksyon na medyo kakaiba...



Medyo nawindang ako ng tooooo much nung naka tayo ako habang nakapila. Kung kani-kanino ko na ririnig ang salitang vote wisely. Sabi ng moder dear sa first timer nyang anak na boboto "anak vote wisely" ganern! Tapos yung mga kumpol ng mga jejemons na naghihintay na bumoto sabi nila sa isa't isa "T0hL! V0t3 W!s37Y!! jejejeje". Tapos nung natapat na ang pila namin sa mga group ng mga sosyalin sabi nila "we need to vote wisely" *insert western accent*. Tapos narinig ko ang mga naglalakad na mga studyante na papunta na sa kanilang presinto sabi ng nerdy sa kanila "basta guys, lets vote wisely". Dahil sa mga yan napaisip ako ng hard.


Shemay! I dont know wisely. Bakit nila gusto si wisely eh hindi ko naman narining na nangampanya si wisely. Never ko din sya nakita in person. Hindi ko alam ang plataporma nya. Hindi ko alam kung ano ang pagkatao nya. Hindi ko alam kung ano ang posisyon na tinatakbohan nya...











Ikaw po ba?












Kilala mo ba si wisely? Did you vote wisely?





P.S. Dahil hindi pwede na mag-selpi na hawak ang balota, nag-selpi na lang kami with our incredible ink ☺. Pero baka di na kami bumoto ni bunso next election. Hindi naman kasi kami pumayat nung nag-exercise kami ng right to vote. haizt!


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

7 comments:

  1. Nanalo naman kaya si wisely sa dami ng bumoto sa kanya? At ang pagkaalam ko, kanan mo lang ang pumayat sa pag exercise, ha,ha,ha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi ko alam wala sya sa partial counting.

      Delete
  2. I've never voted wisely , I have voted freely , actually kapatid sya ni Wisely he he he ... Pareho tayo selfie sa indelible ink ... Aba at binoto ko si Pacquaio at Sotto , una wala namang ibang masyadong magandang choices , pangalawa , malay mo namanmagbago pa he he he iba na aksi ambience sa Senado eh malay mo naman : )

    ReplyDelete
  3. ayokong pagusapan ang senators na nakapasok. kung meron man akong issue na malala, ay ang hindi nakapasok si colmenares. but, masaya na ako nakapasok si hontiveros.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ay naku sinabi mo pa. Sayang talaga si Colmenares.

      Delete
  4. Umiiral pa rin sa halalan ang kung sikat ka ay iboboto ka..

    ReplyDelete

hansaveh mo?