Monday, December 26, 2016

Energy!

Check-up Time: 11:00am

Kamuestas mga baliw, slight baliw, tamang baliw, baliw baliwan at mga pang derby ang level ang baliw?

For sure maluwalhati naman ninyong nagdiriwang ang Pasko di ba?

Ay naku, ako man sobrang ayos lang kahit dalawa lang kami ni bunso sa bahay. Si paping kasi nasa Iloilo. Hoping kasi na darating si diko at doon sa bahay nila sa Iloilo magce-celebrate ng Christmas eh kaso lang nadaot sila ng kumpanya ni diko kaya naman mauurong pa ang bakasyon nya.

More more tuloy ang foodams sa bahay. Muka ngang masisiraan pa kami ng pagkain. Haizt Henny waist, susko nakakapagod talaga ang event na ito dahil sa mga bagay na kailangan i-prepare sa grand day. Kaya naman nakakaubos ng energy. Nagka-energy gap na tuloy ako.... Kaya ng bet ko na din ata mag-Milo na din kasi sabi ni James Reid beat enegy gap daw. Aba sinunod ng mga poginger na mga celebrity ang sinabi ni kuya at naki-energy gap dance eme din si....














Chis Brown....



One Direction...



Ang buong cast ng High School Musical...



Justine Bieber...





Ang Korean girl band na Girl's Generation...





Ang ate Beyonce mo...




at ang di nagpapakabog na lola Lady Gaga nyo haha...






O napa-help beat enegy, enegy gap beat enegy gap drink Milo everyday din ba kayo? Nyahaha

Hay naku kaiinom ko lang ng Milo at nakisayaw na din dyan sa enegy gap eme na yan at dahil mukang lalo ako napagod tutulog na muna ako para bumalik ang energy ko.

O nawa naman ay punong puno kayo ng energy this week lalo pa at malapit na ang grandest event ng holiday season ang New Year.

Ngayon pa lang ay binabati ko na kayo ng buong enegy na 


















































Image result for 2017 gif


(credits to the owner of the vids)

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Monday, December 19, 2016

dont they know is Christmas?

Check-up Time: 9:00am


Ehem... ehem... ehem...

So this is Christmas ♪♫♪♫

Charez lang hehehe!

So Christmas week na, for sure lahat ay super excited na sa ganap sa Saturday! Bongga di ba?

Kung excited tayo naku for sure may mas excited pa sa atin kaya lahat ng mga ninong at ninang dapat na maghanda... Bakit? Naku alam mo naman...



Excited na excited na silang sumutin ang laman ng bulsa natin... Charet lang haha. Well wala naman masama if magpuntahan ang mga inaanak natin since isa sa meaning ng season na ito is about giving and sharing pero medyo nakakabadtrip lang ang mga inaanak na kilala ka lang kapag ganitong panahon at kakutsaba pa nila ang mga magulang nila. Aminin! ahahaha.

Hindi ka pa rin ba humuhuba ang asar mo sa mga kawork mo na mga epal? Go lang mga meym at sers! Talagang ganyan sa work minsan gusto mo na sabihin sa kanya...


Hayaan mo na sila, wag ka na mabadtrip ngayong panahon... Next year na ulit pagtapos na ang celebration ng Christmas. Para may excuse na na ulit maimbernadette Sembrano. Choz lang hahaha.

Kanya kanya na ulit ang Christmas party ng mga kumpanya, magbabarkada, pamilya at magkakaputbahay. Syempre kapag may ganyang ganap, may palitan ng regalo. Ito nanaman ang feeling na hinuhulaan mo kung ano kaya ang regalo na natanggap mo dava?


Nakakatuwa kaya ang mga ganyang tagpo kapag palitan ng regalo.

So dahil magkakasama ang magto-tropa at may Christmas break sa work kanya kanya din ang plano ng magkakaibigan una ang ganda ng plano kaso unti unting nagkakabulilyaso ang nagplano ng 15 nauwi sa tatlo na lang ang pwede kaya magkakatamaran na lang. Minsan matatanong mo na lang sa mag kaibigan mo kung kelan nyo kukulayan ang mga plano nyo na drawing pa din hanggang ngayon. Para silang mga handa sa Noche Buena.



Sa mga taon taon an dumadrama sa buhay na panlalamig ng mga puso... Patuloy ang recruitment ng mga Samahang Malalamig ang Pasko. Pero sa ibang SMP ako sumali. Samahang Matipid ang Pasko. Very tight ang budget mga bes daming gastosin ahaha. Wag kayo magalal, darating din ang tao na nararapat para sa inyo. kung dumating man sila at saktan nila kayo mag tongue twister na lang kayo...



Kung ano't ano man ang kanya kanya nating hanash sa Chrustmas nawa at maitawin natin sya na ligtas at kasama ang ating pamilya.

Mula sa kaibuturan ang aking puso, atay, balunbalunan, esophagus, stomach, pancreas, apdo, gall bladder at iba pang internal organs. Maligayang Pasko sa inyo mga kaibigan ko sa blogspere...

(credits to the owner of the pics)


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Monday, December 12, 2016

Ladinakompake

Check-up Time: 10:00am


Hello mga baliw na kapanalig!!

Super busy na ng mga tao sa paligid at syempre tayo tayo lang (kaunti lang naman tayo) sa blogspere ang nagbobolahan dahil wala na nga ang iba... Kinuha na ng... Charos lang!

Nabanggit ko sa inyo last post ko na aliw ako sa post ni Senyora Santibanez pero unfortunately hindi ko pa sya natatapos dahil sa naghanda ako para sa validation ko sa ibang line of business sa company namin. Awa naman ng Ama sa taas pinalad akong makuha at masisimula na ako sa isang napahahaggard na techinical training.

Mukang mauudlot ang pagalis ko sa company namin pero ayos lang. Binigyan ng blessing ng Ama ngayong pasko kaya di na ako aarti pa ahaha.

So ito na nga. Kung fina-follow mo si Madam sa fesbuk o kaya naman sa chuwetter eh malamang alam mo o may idea ka sa mga bagay na ikinaaasar ng budhi nya at yun o doon umiikot ang mga eme nya sa libro nya.



Ikaaaliw mo ang mga linyahan nya sa mga iba't ibang klaseng tao. Tulad ng mga famewhore




Ang mga certified na social climbers nyahahaha



Sa mga tunay na mga mayayaman

Kaya nga ba hindi talaga ako nag pumuporma kapag nasa mall talaga ako eh... Choz!


Sa mga plastic na kaibigan (O di ba ang dami nito?)


Mga user friendly na kaibigan (marami rami din sila di ba?)





At ang isa pang ubod ng dami eh yung mga malalandi ahahaha



Sa ngayon nasa topic pa lang ako ng mga uri ng mga paasa at mga galawan nila.

Kung naaliw kayo kahit light lang. buy ka na din ng book para if maguusap tayo tungkol sa book makakarelate ka hehehe.

O sya mag be-beauty rest muna ako dahil alam ko na ubod ang pagkahaggard ko nito mamaya.

See you next time!

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Wednesday, December 7, 2016

Hey!

Check-up Time: 9:45am

OMG its December and this is my first enty!!!!!!

Arti nyahaha

Haizt, if there is one thing that I regret this year when it comes to blogging ito yung maraming kwento ang napanis na dahil sa nawalan ako ng time to write about it.

For some odd reason hindi ko alam kung ano ang nangyari sa time management skill ko.... Arti ko ngayon.. English englishan? nyahaha

Well right now masasabi ko na hindi na ako masyado stress sa work or maybe iniisip ko na lang na wala naman akiz magagawa na sa stress ng work its a never ending battle just to earn for a living (sour grin) ang stress na lang na kinakaharap ko sa araw araw eh how to manage my allowance hanggang umabot sa sunod na cut-off.

Speaking of cut-of and money matters? Na-get lak nyo na ba ang 13th month pay nyo? Naku kung hindi nyo pa nakukuha ok lang. Isipin nyo na lang ubos na ang 13th month pay ng iba yung sayo buo pa nyahaha.

Bukod sa nakaka-imberna-det sumbrano na apps game na summoners war eh ang pagbabasa basa ng book ng mga famous na personlity sa social media ang pinagkakaabalahan ko. Ang current na binasaba kiz ay yung Lakompake ni Senyora Santibanez. 

Aliw naman ako sa libro ni madam. Kung ano ano ang mga tinatalakay sa libro kaya I'm thinking na ipost ang mga kinaaliwan kung mga lines at hanash ni madam sa next post ko for the benifit of the street children... Charut lang! For the benefit of those people na nagdadalawang isip (kahit wala namang isip... Charut lang uli!) na bumili ng libro...

Grabe ang fesbuk! Hindi pa nga mag-nu-new year may year end eme na sila.. Nakita nyo na ba yung sa inyo? Ito yung sa akin hihihi...



Oh davah? Ang cute! nyahahah. For sure meron ka din naman nya eh.

O sya tama na muna yan, Ico-continue ko pa ang pagbabasa ng libro ni Madam Santibanez.. See you around.

P.S. Sobrang namiss ko na yung mga blogger na kinuha na ng....................

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!