Monday, December 19, 2016

dont they know is Christmas?

Check-up Time: 9:00am


Ehem... ehem... ehem...

So this is Christmas ♪♫♪♫

Charez lang hehehe!

So Christmas week na, for sure lahat ay super excited na sa ganap sa Saturday! Bongga di ba?

Kung excited tayo naku for sure may mas excited pa sa atin kaya lahat ng mga ninong at ninang dapat na maghanda... Bakit? Naku alam mo naman...



Excited na excited na silang sumutin ang laman ng bulsa natin... Charet lang haha. Well wala naman masama if magpuntahan ang mga inaanak natin since isa sa meaning ng season na ito is about giving and sharing pero medyo nakakabadtrip lang ang mga inaanak na kilala ka lang kapag ganitong panahon at kakutsaba pa nila ang mga magulang nila. Aminin! ahahaha.

Hindi ka pa rin ba humuhuba ang asar mo sa mga kawork mo na mga epal? Go lang mga meym at sers! Talagang ganyan sa work minsan gusto mo na sabihin sa kanya...


Hayaan mo na sila, wag ka na mabadtrip ngayong panahon... Next year na ulit pagtapos na ang celebration ng Christmas. Para may excuse na na ulit maimbernadette Sembrano. Choz lang hahaha.

Kanya kanya na ulit ang Christmas party ng mga kumpanya, magbabarkada, pamilya at magkakaputbahay. Syempre kapag may ganyang ganap, may palitan ng regalo. Ito nanaman ang feeling na hinuhulaan mo kung ano kaya ang regalo na natanggap mo dava?


Nakakatuwa kaya ang mga ganyang tagpo kapag palitan ng regalo.

So dahil magkakasama ang magto-tropa at may Christmas break sa work kanya kanya din ang plano ng magkakaibigan una ang ganda ng plano kaso unti unting nagkakabulilyaso ang nagplano ng 15 nauwi sa tatlo na lang ang pwede kaya magkakatamaran na lang. Minsan matatanong mo na lang sa mag kaibigan mo kung kelan nyo kukulayan ang mga plano nyo na drawing pa din hanggang ngayon. Para silang mga handa sa Noche Buena.



Sa mga taon taon an dumadrama sa buhay na panlalamig ng mga puso... Patuloy ang recruitment ng mga Samahang Malalamig ang Pasko. Pero sa ibang SMP ako sumali. Samahang Matipid ang Pasko. Very tight ang budget mga bes daming gastosin ahaha. Wag kayo magalal, darating din ang tao na nararapat para sa inyo. kung dumating man sila at saktan nila kayo mag tongue twister na lang kayo...



Kung ano't ano man ang kanya kanya nating hanash sa Chrustmas nawa at maitawin natin sya na ligtas at kasama ang ating pamilya.

Mula sa kaibuturan ang aking puso, atay, balunbalunan, esophagus, stomach, pancreas, apdo, gall bladder at iba pang internal organs. Maligayang Pasko sa inyo mga kaibigan ko sa blogspere...

(credits to the owner of the pics)


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

6 comments:

hansaveh mo?