Keym behk chu da yang en beyutipul yu!
Yiz Ahm Behk!
Charot lang!
My gerd! Its been a while since huling drop by ko sa asylum. Medyo madami dami din kasi ang inayos ko sa buhay kiz. Pasencious na! Well at least ako bumabalik pa hindi tulad ng iba kinuha na ng liwanag.... (sign of the cross) Hoyyyyyyyyyyyyyyyyy! Charot lang yun! lolz
It's natural talaga for the people not to be contented. Do you agree? (inset Kris Aquino tone. Chos lang) Well, ito na siguro ang napagnilay nilayan ko nung nasa bundok ako nung kaarawan ko. Dun ko na realize na tama ang sinabi ng isang kaibigan baliw din na kung sasabihin mo na ayaw mo na pero di ka naman gumagawa ng paraan para umalis o umiwas sa bagay na ayaw mo na eh mas muka kang tanga.
I know na may katagalan ng gusto kong lisanin ang current company ko dahil sa nararamdaman ko na hindi na bida ang saya. Dumarating na sa punto ng buhay ko na kinakaladkad ko na lang ang sarili ko para pumasok, kaya naman pagdating ko ng Manila inupdate ko agad ang resume ko at nag-try na mag-apply ng bigla bigla. Kahit na hindi pa ako sigurado na pasok ako sa banga nag paalam na ako na eexit na soon. Syempre may eme eme pang baka gusto ko i-consider na magstay muna hanggang matapos ng holiday pero naging firm pa sa law firm ang desisyon ko. Bet ko din kasi na maka ekpiryens ng Holiday na wagas yung hindi ko mabilisan gagawin kasi kailangan ko pumasok sa werk.
Wagi! Hindi ko inaasahan na makakapasok ako sa banga! Sinabihan na ako na iprepare ang passport ko at ibang requirements ay lilipad na ako agad agad. Charot lang!
Pertinent documents lang na kailangan ng company ang dapat ko ihanda para sa job offer ko. At dahil dun naganap na ang dapat maganap. December 1 ang huling araw ko sa last company ko na sinagsilbihan ko ng more than 8 years (na kung di lang ako nag araw eh baka 5 years lang ako nagstay).
Ngayon balik BGC na ulit ako at napapasabak nanaman ako sa englishan sa isang int'l company na feeling ko ay mag-e-enjoy naman ako. Yun nga lang haggard ang byahe. O di ba? Sabi nga nila you can't have it all. So pagdusahan ang traffic.
Ang moral lesson is.... Minsan umakyat ka ng bundok may mare-realize ka nyahahaha
Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!