Sunday, May 21, 2017

Once upon a time in Leyte

Check-up Time: 11:00am

Yes naglakwatsa nanaman ako mga ser and meym this time sa heart ng province ng father ko... Sa Leyte (ang arte ng intro..)

Henny waste, eto na nga  ito na siguro ang 2nd butt cracking travel ko dahil hindi lang naman ako kasama ang special someone ko at nagstay sa isang lugar.. Yeast! Dora mode kami dahil after ang isang lugar push naman kami sa isa pa.

Pagdating namin ng Tacloban go agad kami ng Palompon para naman pumunta sa grand na event. Ang kalanggaman Island. Sa totoo lang tumambling ako sa kausap ko sa tourism office. January pa ako nung nagpa-booked as per her, okay na daw ang lahat. A week before I went to Palompon (may pag-e-english talaga) sabi na okay na daw. Pero a day bago ako pumunta sabi nya fully booked daw.. Like I was "Huh? Ate why naman you say na fully booked, eh it was January pa nung nag-booked ako and then now, you making sabi na it fully booked?" Ganun talaga ang pagkakasabi ko... Cheret lang.

Sabi nya sa akin ililista na lang nya name namin and itext ko sya kapag nasa Palompon na kami. So ganun na nga ang naganap.


It was 11-ish nung nakarating kami ng Palompon nakausap ko ang contact ko and she told me na if gusto ko na that day kami pumunta ng Kalanggaman Island pwede na nya kami isakay. Napa-wait Ate! Hindi pa kami prepared ako sa kanya. Hindi pa kami nakakabili ng food namin sa island since ang plan was to by stuff that we need pagdating namin sa Palompon dahil next day kami pupunta ng Island. Isa pa hahanapin pa namin ang tent rental doon dahil wala kaming tent. Good enough na nagpaparent na pala ng tent yung contact ko for 500 may kasama ng 2 pillow at blanket aarte pa ba ako sa presyo so push na. Pero nagsabi kami na bukas na kasi kahit na excited si special someone kilala ito ito. Pagpagod ito hindi nya maaappreciate ang Island. We went to a backpackers hostel near the tourism office of Palompon to spend a night.












This is it! It's time to go to the island. Ang sabi ni ate sa amin 11 am ang alis namin sa Palompon pero nagulat kami nung 9ish pa lang ng umaga eh pinapapunta na kami ni ate sa tourism office. Dun namin napagtanto kung bakit.

Ang nabasa ko sa ibang blog pwede ka ng pumunta ng Island ng 6am. Yep pwede ka pumunta pero ito ay kung day tour lang. If balak mo mag-over night ang transaction nila ay 11 am pero kailangan nasa tourism office ka na ng 9am dahil kailangan ma-arrange na ang booking ng group nyo or kung okay lang na isama ang small group sa isa pang group para hindi sayang ang byahe.




































Pagbalik namin ng Palompon ay nagbyahe na kami papuntang Ormoc dahil balak namin pumunta sa town ng father ko dahil gusto makita ni special someone ang lugar na iyon lalo pa nung nalaman nya na tabing dagat lang sila. Gusto nya rin pumunta ng Bontoc Cave and wild monkey. Maaga kaming umalis day after nun dahil gusto din daw nyang makapunta ng San Juanico Bridge at makapunta ng Mac Arthur's Park

























Sa totoo lang mas marami pa ang inupo namin sa van sa bawat byahe namin kesa sa maglakad at kumuha ng picture. Hahayaan ko ng ang mga picture ang mag-express ng experience ko... Kung nagtataka ka kung bakit wala ang picture ni special someone dyan... Ehhhhhhhhhh wag na..


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

4 comments:

  1. I would like to see the picture of that special someone of yours : )

    ReplyDelete
  2. Na miss ko na ang Tacloban adventures ko :) Although there are not much places to go to pero maganda yung experience ko of being with my friends.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha hope you can come and visit Tacloban again.... parang nasa Tacloban lang ako eh ahahaha

      Delete

hansaveh mo?