Minsan dumarating talaga ang pagkakataon na nauubos ang pagiging makatao mo dahil sa sinasagad mismo ng mga tao ang katiting at kakarampot na pagkatao mo.
Minsan kahit na gusto mo intindihin ang tao sila mismo ang gumagawa ang dahilan para di mo sila intindihin at pabayaan na lang.
Minsan kahit na sabihin ng damdamin mo na kaya mo pa silang tiisin, pero idinidikta na ng utak mo na pagod na pagod ka na at di mo na kaya.
Minsan mahirap at masakit isipin na ginagawa mo ang lahat para maging masaya ang tao sa paligid mo pero ano nga ba ang napala mo? May nag-appreciate ba sa ginawa mo? Ibinigay mo na ang mga kamay mo pero pati mga paa mo ay gusto nila kunin... Nagbigay ka na pero hindi pa sapat... Hanggang saan ang kaya mo ibigay? Ano pa ang kaya mo ibigay?
Minsan iniisip mo na baka kapag may pinasaya kang tao baka ikaw din pasayahin nila pero hindi ganun ang tao, hindi ganun ang mundo. Oo, katapatan mo maging masaya pero paano? Kanino? Sino? Saan?
Bakit nga ba natatakot tayong makasakit ng iba kahit alam natin na tayo talaga ang nasasaktan, at ikaw ang biktima. Dahil ba sa moralidad? Pero bakit hindi patas ang moralidad sa atin? Bakit tayo sinasaktan ng moralidad? Sadya bang wala na talagang moralidad ang tao? Bakit sila walang moralidad? Ano ang dahilan?
Minsan parang gusto mo maging masamang tao kahit na alam mong hindi ito tama. Pero ano nga ba ang tama? Ang hayaan mo na saktan ka ng ibang tao o ang hayaan mo na saktan mo ang sarili mo?
May mali ba sayo? Ano ba ang mali sa ginawa mo? Ano ba ang mali sa iniisip mo? Mali nga ba talaga lahat o ang presensya mo sa mundo talaga ang pinaka malaking pagkakamali?
Bakit kailangan mo mahirapan? Bakit kailangan mo masaktan? Bakit kailangan mo makaranas ng kalungkotan? Bakit kailangang di maging patas ang mundo sayo? Bakit kailangan kang gamitin ng tao? Bakit nga ba? Bakit?
P.S. Very late na ang post na ito. Dapat sana at sa buwan ng mental health ko ipopost ito. Subalit dahil sa nagging busy ako ay sobrang late na nito
Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!
No comments:
Post a Comment
hansaveh mo?