Sunday, May 31, 2020

Tara, Bangon tayo!

Check-up Time: 7:05pm

Nung nakaraang Biyernes eh balak ko muna umidlip bago sana ang huling shift ko sa trabaho kaso. Ang totoo wala ako sa mood magtrabaho kasi naman weekend mo na ako. Ewan ko ba di ako dalawin ng antokyo Japan.

Bigla bigla na lang ay naisip ko, ang haba na pala ng quarantine days at tunay ngang pang PBB ang eksena ng lahat, kung di lang ako naging alay ng bahay namin na lumabas para bumili ng mga needs essentials namin eh feel na feel ko na nasa bahay ako ni kuya.... Kuya Eddie Charot!

So eto na nga, bigla ko na lang naisip na, simula pala nung nagtrabaho ako matapos ko mag college eh kaunting panahon lang din pala ang naigugol ko sa pamilya ko. Kahit na sabihin ko na may restday ako eh ito namana ng panahon na umaalis din ako ng bahay para magkaroon ng social life at iba pang mga bagay bagay sa buhay and before you know it... Balik work na ulit sa sunod na araw.

Oo may mga panahon naman na kasama mo ang pamilya mo birthday, pasko, bagong taon, espesyal na mga okasyon pero sa araw lang na iyon.

Siguro ang isang bagay lang din na nagustohan ko sa ecq na ito ay ang nakasama ko ang pamilya ko na parang nasa mahabang bakasyon lang na araw araw mong nakakasama at may interaksyon. Bigla tuloy may kumurot chubby kong heart. Naisip ko kasi na kung kasama pa sana namin ang mama ko, magiging napakasaya ko dahil sa sobrang daming bagay na ang namiss ko sa kanya mukang magiging isang maganda sanang oportunidad yun para magkaroon kami ng oras na maenjoy ang presensya ng isa't isa.

Bukas ay simula na ng gcq, madami ang nagsasabi na ito daw ang simula na ng survivor Philippines- the covid-19 edition at sinabi na nila na ang ibig sabihin ng gcq ay "get cremiated quickly". Iba iba ang opinyon ng mga tao sa transition ng lipunan patungo sa gcq may pro may cons. Madami man ang ayaw  o madami man ang may gusto isa lang ang malinaw. Hanggang walang vaccine para sa covid walang safe. Lahat ay prone sa sakit at walang sino man ang immune sa sakit.

Sa ganitong panahon isang commercial lang talaga ang naappreciate ko. Yung sa tuwing pakikinggan ko sya parang nagpapaalala sya na kahit na medyo hindi maganda ang nangyayari ngayon eh makakabangon at makakabangon pa din ako... Ikaw at lahat lahat tayo...




Palakasan na lang ito ng loob. Walang susuko dahil babangon tayo ☺

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Wednesday, May 20, 2020

Happy to serve?

Check-up Time: 11:20pm

At nagbabalik at muli pang babalik ng mag babalik pa din ☺

Simula nung nag-lockdown dahil sa pandemic crisis eh nag-simula na din ako mag trabaho sa bahay. Noong una akala ko masaya sya, na isip ko na lang na this is it, ma-e-experience ko na din mag-work sa bahay namin. Like, ito yung isang bagay talaga na I want to try.

1st week okay sya, like feel na feel ko sya kasi kapag lunch ko nakakatulog pa ako nakakasave ako sa pamasahe, nag-wowork ako kahit naka boxer lang ako like wala akong paki kasi nasa bahay lang me.

And then 2nd week medyo narealize ko I was na-i-is-struggle na. Bakit? Before na mag-simula ang lockdown eh nag-shift ako ng support. Ang stressful is sa department namin hindi ko maintindihan kung bakit walang concrete na documented process kung paano gawin ang support nila. Ang document nila is very general na hindi applicable sa lahat ng situation kaya naman kapag nag deadend ka ito yung mga time na mapapa-novena ka na lang.

3rd week ayun na ngapalpak here, palpak there palpak everywhere. Sumakit ang ulo ko dahil sa mga error na sinasabi ko... Yung pag deadend na na hindi mo na alam ang gagawin mo... Yung parang nasa stiwasyon na na nag-e-LBM ka at napunta ka sa CR ng fastfood tapos aabutan ka na pero walang tabong may tubig o tissue. Yung mapapa-pray ka na lang ng ilang Hail Mary at our Father, ganun! Idagdag mo pa ang naging meeting ko sa bisor ko kasama ang nasa quality team namin para idiscuss ang error ko. Alam ko may error ko pero wait, may problema din sa side ng training at ng management. Ang problema lang sa bisor ko hindi muna sya nag root cause analysis bago sya magsalita at mag-bida bida. Sa huli imbes na ma-motivate ka lalo kang nawalan ng gana.

4th week ayaw ko na na nakikita ang laptop na issue ng kumpanya. Nakikita ko pa lang sya drain na ako. Hanggang sa sinabihan ako ng best friend ko na umattend ng isang webinar. Mukang interesting ang topic kaya nag register ako.

1 oras ang webinar ang topic paano mo magagawang mag-ignite ulit ang passion mo sa pagta-trabaho... Interesting di ba? Sa buong tips nila ang huling apat na tip ang pinaka gusto ko. Sabi ng nag conduct ng seminar.  Kailangan samahan o kausapin mo ay ang mga taong positive ang sinaasbi dahil maaring nilang mapagaan ang loob o nararamdaman mo. Sunod tap at the back. Every success o task na natapos mo sa isang araw malaki man yan o maliit is a victory and you need to commend yourself kasi you give your effort to it. Sunod is to treat yourself in every victory. It doesn't need to be grand as long as you feel that you are celebrating your victory and last, if you feel that the last 3 is not working its time for you to move on.... Hindi ka na masaya sa mga nangyayari sayo, at kung maisip mo na umalis ng company pwede mo gawin but be sure na pag-isipan mo munang maigi.

Dahil sa seminar na yan ay nagkaroon ako ng matinding self assessment at matinding pagninilay nilay. Dun ko naramdaman na hindi na ako masaya sa ginawa ko dahil nawawala na ang dating fulfillment na nararamdaman ko nung nag-si-simula pa lang. Ayaw ko dumating sa punto ng career ko I going to drag myself to work.

Sa ngayon ay I live with the last 3 tips na natutunan ko, pero kapag talagang walang nagbago siguro panahon na talaga para iconsider ko ang last tip.

Kayo anong kwentong work from home nyo?


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Saturday, April 25, 2020

Birthday Travel - Super Late Post

Check-up Time: 8:15pm

Kamustasa kalabasa? 

Sa wakas oras na din para mag update ng asylum gayun pa man super late na nitong post ko dahil nung kaarawan ko pa naganap ito.

Northern blossom farm, last year ay nagiging kilala ang lugar na tio dahil sa shuper ganda ng lugar lalo na ng mga bulaklak na pinatutubo dito. Ayon sa mga chika, eh dito nanggagaling ang iba sa mga bulaklak na nasa dangwa. Bukod pa dun eh may umoorder din sa kanila ng mga bulaklak para sa mga occasion lalo na ng kasal. Kilala na din itong lugar na ito ng mga nag pe-pre nup kasi ng maganda ang lugar. At ito.... Ito ang destination ko sa birthday ko.



Super ilang buwan in the making ang lakad na ito, dahil siguro alam naman ninyo na kapag sinipag ako mas gusto ko ang mag DIY ng travel. January pa lang last year eh nag-ipon challenges na din ako para sa birthday travel na balak ko para just in case eh hindi ako hirap sa gastosin. Bright di ba?

Ayon ulit sa mga chismis na nasagap ko, iilan lang ang inn na pwede mo tuluyan dito kaya naman kung gusto mo mag-overnight eh super ahead of time kailangan mo na kontakin ang dapat kontakin para naman sigurado ka na may tutuluyan ka. Sa totoo lang eh kahit di ka naman mag-overnight eh okay lang kasi kaya mo libutin ang farm ng half day pwera na lang kung sakim ka sa litrato ay gusto mo na makadami ka ng picture, tyars. Pero kung gusto mo makita ang ganda ng sunset at sunrise sa Northern blossom mong mag-overnight. Kaya naman limang buwan pa lang bago ang nakatakdang lakad ko ay kinontak ko na ang may-ari ng farm kasi sa inn mismo ng Northern Blossom ako mag lalagi.

Fastfoward sa araw na itinakda. Gaya ng madalas ko gawin ang ticket ko pa-Baguio ay 12 ng hatinggabi pero alas diyes pa lang ng gabi eh nakapila na ako for chance passenger sa Victory liner. Bakit? Dahil kailangan na maaga ka dahil may oras lamang ang bus papunta ng Northern Blossom. Medyo di ako sinuwerte dahil sa hindi dumaan ng TPLEX ang sinasakyan ko kaya naman ala-sais na ng umaga ako nakarating ng Baguio. Pagdating ko ng terminal ng bus papunta Northern Blossom eh naka alis na ang pinakamaagang bus (6:15am) kaya naman kailangan ko mag hintay ng pang alas otsong byahe. Dahil sa likod lang ng pinaka lumang Good Taste ang terminal ng bus pa Northern Blossom, eh nag agahan muna ako dito.


Okay i-try natin ang silog dito ☺


May isa't kalahating oras ang byahe papuntang Northern Blossom habang binbagtas namin ang daan eh biglang naging pamilyar ang daan sa akin dahil dito kami dumaan nung pabalik na kami ng Manila galing Sagada. Sa wakas nakarating na din kami ng Brgy. Hall ng Atok, Benguet na distinasyon ko. Ang sabi sa research ko kailangan mo muna magregister sa Tourism Office nila bago ka maggala. Dahil sa masunurin ako sugod muna ako ng Brgy. hall. Kaso lang mukang sarado pa sila. Little did I know na talagang sarado sya dahil iba pala ang daan papunta ng tourism office at kailangan mo tanungin ang mga tao dun kung saan ang tourism office.

Ganda ng view dabah? Tabi nyan ang Mt. Pulag

After mag-register eh hinanap ko na ang lugar, kailangan mo lumakad ng 5-7 minutes pabalik para makarating ka ng farm. Matapos ma-confirm ang reservation ko eh in-enjoy ko muna ang kwarto na nireserve ko.



 



Alas onse ng umaga ng lumabas na ako para inspeksyonin ang farm ko, tyars! oras na talaga na i-check ko ang farm, kahit putok na putok ang araw ay hindi ko masyadong ramdam ito dahil sa malamig ang hangin (mamasa masa ang hangin dun, marahil dahil sa medyo mataas ana ang lugar at may mga okasyon na makikita mo ang ulap kaya nag se-zero visibility).







Tunay na nakakatuwa pagmasdan ang mga magagandang bulaklak dun, pakiramdam ko nga wala ako sa Pilipinas, yung mga panahon na nadun ako at nag lilibot ay sobrang inenjoy ko ang amoy ng sariwang mga halaman, masangsang na amony ng pataba sa mga halaman. Amoy ng basang lupa dahil sa dinidiligan ang ibang mga green house, at ang malamig at amoy ng sariwang hangin sa paligid.








Dito sa spot na ito ako nagtagal. Ito ang spot kung saan madalas gawin ang highlight ng mga pre-nup, dito din nila sinasabi na makikita ang sea of clouds kapag susubukan mong tanawin ang Bundok ng Pulag. Ngayon ay makikita ang ganda ng mga iyon.


Ala una na ng hapon ng matapos ang paglilibot ko, pagakyat ko sa cafeteria nila ay nag aantay na ang complimentary na kapeng benguet at biscuit. Sa totoo lang gustong gusto ko ang brewed coffee sa kahit anong lugar sa Mt. Province dahil sa kahit nakaka tatlong tasa na ako eh hindi humihilab ang sikmura ko. Eh unli pa naman ang kape nila. magkape ka hangang magkumbolsyon ka tyareng!






Pagtapos ko magkape ay nagpasya na muna ako na magpahinga at kakain na lang pagkagising ko. Nawindang lang ako dahil naalimpungatan ako sa lamig, ipapatay ko sana ang aircon ng maalala ko na wala nga palang aircon ng kwarto. Sinilip ko ang bintana dahil baka sa sobrang tulog ko eh gabi na. Umulan pala ng hard! sa sobrang lakas eh hindi mo makita ang farm total zero visibility. Mukang magfe-failed ang plano ko na panoorin ang sunset. Ayos lang sana lang eh hindi magtuloy tuloy ang ulan para kahit sunrise na lang ang masaksihan ko.



Alas kwarto ng hapon, naka short lang at nakasando ako na lumabas ng kwarto para bumili ng pagkain sa Marosan's Eatery, ang isa sa mga rekomendadong eatery sa lugar. Nasa gitna na ako ng aking paglalakad ng biglang umihip ang hangin na may kasamang ulap. Pakiramdam ko binuhusan ako ng tubig na may yelo sa lamig. Kaya kung nasa ber season ka na pupunta sa Northern Blossom wag ka mag feeling na summer, makakapulomya ka.

Recomended ang pansit ng Marosan's dahil sa halagang 120 pesos lang eh good for 2 na ito idagdag mo pa ang combo mean nila na rice + egg + chopsuey + chicken or fried liempo na less than 120 pesos lang din. Nakakaaliw din ang siopao nila na nakalagay sa isang aparador (pasensya na sa sobrang gutom ko di ko na nakuhaan ng litrato kahit ang lugar ng Morosan's) Pero sa halagang 30 (pagkakatanda ko) eh busog ka sa siopao nila dagdagan mo pa ng 25 pesos for 4 na siomai.





Maaga ako nag pahinga nang gabing iyo para salubungin ang bukang liwayway at makita ang sunrise sa Atok. Hindi ako nagkamali kasi ubod sya ng ganda. Alas singko pa lang ng umaga ay nag gayak na ako at nagtunggo sa may sikat na lugar ng NB at doon ko nakita ang ganda ang umaga sa Atok. Nakaka-refresh at nakakarecharge ng lowbat na energy gawa ng busy, stressed at toxic na buhay sa city.

Ang sea of cluods

ang sunrise sa Atok

Kahit medyo malayo tanaw pa rin ang sea of clouds sa Pulag


Candid na kuha talaga ito

If ever man na gusto nyo bumisita sa NB at plano na mag overnight pwede nyo contact-kin si Ms. Melanie Ganayan sa numbers na ito 09502536313 o 09081513368 para kunin ang number ng frontdesk nila at magpa pencil booking (temporary reservation) kayo.

Well ngayon eh nag hahanda na ulit ako sa byahe ko sa susunod kong Birthday. Hopefully tantanan na tayo ng Covid ng matuloy sya. Gusto ko ulit bumalik ng Sagada ng magkasagaran na ☺. Sa sunod kong update eh another gala nanaman ang ichichika ko...

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Wednesday, April 22, 2020

Sayang

Check-up Time:  3:30pm


Its so good to be back balakubak.


hmmmmm napakadami ng ganap ang hindi ko man lang nabahagi sa asylum ko. Aminado naman ako na nuknukan ako ng busy at ang mga short time (short time talaga?) na nga byahe at gala na lang ang nag rereplenish ng enerhiya ko.

Alam nyo naman siguro na talagang may kaunting spirit animal ako ni Dora kaya naman ang paggagala ay isa sa mga kahinaan ko kahit pa nga nakakapagod.

Hindi ko na naibahagi ang mga nadiskubre at na experience ko nung kaarawan ko last year. Ang pag punta ko sa Northern blossom. Ang maiksi nakakapagod at masayang trip ko sa Tanay. Gayun pa man, susubukan ko na ibahagi ang mga ganap na ito sa Sabado.




Nakakalungkot ay hindi na tuloy ang balak ko na maiksing bisita sa La Union para bisitahin ang isang kaibigan. Ganun din ay hindi na tuloy ang pag punta ko ng Dinggalan dahil nga naabutan pareho ng Enhanced Community Quarantine. Pero ayos lang dahil sa lock down eh nakaipon naman ako ng sapat dahil mukang babalik ako sa Sagada sa birthday ko sa taon na ito.

Dahil sa lockdown gawa ng covid ay napilitan kami mag work from home. Okay sana kasi di mo kailangan mag-adjust sa byahe, tulog at makakatipid. Yun nga lang kapag nagsisimula ka sa isang bagay nakakastress drillon dahil sa ang hirap mag tanong, wala yung mga tunay mong file dahil temporary file lang ang meron ka. Ang ending prone ka sa error. Nagkakaroon na tuloy ako ng trauma. Parang ayaw ko na mag trabaho at kumubra na lang sa sahod ☺

Ayaw ko ng nakikita ang laptop na issue ng kumpanya, nakikita ko pa lang sya stress na agad ako. Ganun level. Pero wala naman akong magagawa dahil kailangan ko kumayod dahil laging naka abang si Judith at si Juna. Mga buset sa buhay ng mga tao.

Simula pa lang ng balik ko dami ko na rant, pagbigyan nyo na ako. Sa tingin ko kailangan ko ito. Pero sabi ko nga mag share naman ako ng hanash ko sa byahe ko sa Sabado kaya hihi... Till next hanash po.

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!