Sunday, September 30, 2012

dapat sana

7:10pm (sok)

Huling araw ng September ngayon, takle di ko pa masyado na appreciate dahil nagkasakit pa ako.

Madalas ay excited ako kapag last day ng September dahil para sa akin ang October ay birthday bash ng 3 sa amin sa pamilya. Birthday ko ng bunso namin at ni Mama (miss na kita Ma, huhu).

Sa Biyernes ay napagkasunduan namin na pagkatapos mag-pamisa ay magkikita kita kami sa condo nya ng hapon pag labas ko sa opisina para dalawin sya at mag alay ng dasal.

Sa totoo lang di ko mapigilan ang sobrang lungkot kanina habang nasa grocery dahil sa ako ang nakatoka na bumili ng ibang mga gagamitin sa paghahanda ng kaunting salosalo sa kaarawan nya. Sa Linggo pa naman namin balak na idaos ang salosalo dahil isasabay na rin namin ang kaarawan ng bunso namin na magda-dalawang pu't dalawang taong gulang na sa ika-9 ng October.

Naaalala ko na naidaos namin ng matiwasay at payak ng kaarawan ni Mama last year, na di ko alam na ito na pala ang huling beses na makakasama namin sya sa kanyang special na araw. Simple lang ang lahat dahil di naman mahilig si Mama sa magarbong selebrasyon.

Malungkot man ay pagkakasyahin na lang namin ang aming sarili sa masasayang alaala na kasama pa namin si Mama.

Alam kong luma at gasgas na ang paalaala na ipakita nyo kung gaano mo naaapreciate at gaano nyo kamahal ang mga magulang nyo para wala kayong regret pag dumating ang oras na di nyo inaasahan na iiwan nila kayo, pero ito pa rin ang paulit ulit kong sasabihin sa mga tao na hanggang ngayon ay kasama pa rin nila ang kanilang mga magulang dahil kahit naipakita ko kay Mama kung gaano ko sya kamahal, pakiramdam ko ay di sapat ang panahon para iaparamdam ko kung gaano ko talaga sya kamahal.


- It's my opinion... so? -

Sunday, September 23, 2012

New New New

5:15pm (sok)

Napakadaming bago sa linggong ito.

Masasabi ko na ikina-stress ng bangs ko ito, oo may, bangs bang ako gawa ng gupit ko last week, ganyan!

Sabi ninyong mga nakakatanda, there is nothing permanent in this would but changes... kaya naman nakanta ko na lang ang kanta ni Jose Mari Chan na constant change habang iniisip ko kung tibo si Jose Mari Chan (charlot!)

Ang account na ata namin ang sobrang daming changes na kinawindang ko. Bagong procedure, request na inin-dorse na di ko alam kong paano iprocess, bagong dahilan para mainis, at ang malala.... bagong schedule.

Gusto ko na ang schedule ko, kaso dahil daw sa "business needs"eh kelangan daw namin magbago ng schedule.

Ngayon ay Wednesday to Sunday na ang schedule ko... shyet! wala na ang Sat Sun off ko... pakinshit talaga! Nagbago na rin ang mga schedule ng mga tropa ko sa team kaya mukang watak watak na kami.. oh deym paano na lang ang mga lunch break na lagi kami magkasama??? huhuhu.

Isa pa sa mga nagbago ay ang dashboard ng blog ko. Di ko talaga gusto ang upgraded version na. Epik badtrip ang dulot sa akin.. Mas madali pa inavigate ang dating dashboard kesa sa bago. ang malupit pa dito wala sa dropdown option ang bumalik sa dating interface.



Pero di naman lahat ng bago ay panget kasi may bago naman this week na maganda.

Una sa lahat ay bago na ang name ng blog ko. Kung dati ay medyo pormal (mas muka kayang masungit... this is what i think... so what? sungit di ba? ching!) ngayon ay "Kwentong baliw ng isang Rixophrenic" baliw na balliw lang ang dating, parang ako lang (alam ko na mag a-agree ang mga nakakakilala sa akin).

Sumunod... my bago nanaman ako "I love" T-shirt galing ng Thailand na pasalubong ni Erin sa akin. Yehey! Salamuch sa T-shit halabet!

At ang isa pa sa magandang pagbabago.... Nadagdag sa mga sumusonod sa blog ni Rixophrenic ang isang kaibigan na muling nagbalik sa mundo ng blog (insert music... HALELUYA!!!!).. si Keisi.. Thanks keisi ehehehe.

Sa Wednesday pa ang pasok ko kaya for sure jumping jumping din ang peg ko sa mga blog na fina-follow ko at sana sa linggong darating puro magandang pagbabago ang maganap... (Lord ayaw ko na po ng panget na pagbabago phuleeessss!) muah! muah!

- It's my opinion... so? -

Wednesday, September 19, 2012

Payat - Taba!

6:10pm (sok)


"Payat taba, payat taba, kelan magiging tama? Payat taba, payat taba, malusog bang talaga?"
Yang kanta sa Sineskwela ang naalala ko tungkol sa obesity at sa malnutrition.

Oo, aaminin ko malusog ako. Kasi naman, ang sarap sarap kumain. Minsan tinitignan mo pa lang ang mga putahe sa kusina ay parang inaakit ka na nila at sinasabi sa iyo na "Halika, Lapitan mo ako. Namnaman mo ang sarap ko" (parang malaswa...ching!).

Bata pa lang ako eh isa na sa hobby ko ay ang lagyan ng pagkain ang bibig ko, lalo na pag bored ako. Minsan nga pati pagkain ng kapatid ko eh tinitira ko pa, pero syempre ng hihingi ako sa kanila. Nung naging highschool ako eh mas lalong nadagdagan ang gana ko sa pagkain dahil na rin sa may dagdag ang baon ko sa iskewla. Madalas nga pag sinasabihan ako ng mataba, ang madalas ko lang isagot ay "Kelangan ko kumain, para may makuha ang mga doctor pag magpapa-lipo ako" (sosyal! nakakariwasa).

Dumating sa punto ng buhay ko na ang waist line ko ay umabot sa 40 inches (ang lapad ko huhu) at obese 2 ako. Sinabi ko sa sarili ko na dapat na ako gumawa ng paraan bago pa mahuli ang lahat.

Nag enrol ako sa gym, totoong nabawasan ako ng timbang pero kaunti lang. Kaya nagresearch ako ng mga paraan kung paano ko mababawasan ang timbang ko, may mga tagumpay at meron din naman di successful.

Ang mga paraan ng pang babawas ng timbang na nag work sa akin ay ang mga sumusunod:

1) Pagiging aktibo ng katawan

- dahil sa nagggym ako, nakakatulong ang mga cardio excersise para matagtag ang taba ko at pagpawisan ako ng wagas na wagas (mas madami ang body fluid ko at ito ang dahilan ng sobrang timbang ko). Pagtakbo sa tread mill, mag-stationary bike at stepper ang madalas kong ginagawa. Sumasali din ako ng mga group exercise dahil sa nakakatuwa ang may mga kasama ka kesa sa unang 3 na ipod mo lang ang karamay ko. Kung di man ako makapunta sa gym ay sinasamahan ko ang tatay ko mag jogging sa C6 o sa Camp Bagong Diwa. Paminsan minsan ay sumasama din ako sa mga katrabaho ko para mag-badminton sa Cubao. Plano ko din na isama sa excersice ko ang swimming dahil sa may nag open ng isang public pool malapit sa amin. Pero plano pa lang ito na sana sooner or later ay matupad. Ang pagiging aktibo ng katawan ang nagpapabilis ng metabolism natin na dahilan para magamit nito ang mga enerhiya na nakatambay lang.

2) Self Control

- ito ang isa sa mga pinakamahirap sa pagbabawas ng timbang. Inaamin ko na kahit na nag wo-work out ako eh kain pa rin ako ng kain. Pero proper mind set lang ang ginawa ko. Paano? Humarap ako sa salamin at kinausap ko ang sarili ko, pinagalitan ko ang nakita ko sa salamin at sinabi na "paano mo makukuha ang gusto mong ma-achive kung di mo didisiplinahin ang sarili mo sa pagkain" habang nanlilisik ang mga mata (galing! nag bunga ang workshop ko kay Gina Alajar, kems!). Inobserbaan ko ang ugali ko sa hapag namin sa bahay kaya ko disiplina ang sarili ko sa pagkain. Nalaman ko na napapalakas din pala ang kain ko dahil sa buyo ng mga kasama ko sa hapag, dahil sa simula nung palagi na akong tumatanggi sa alok nila na dagdagan pa ang pagkain ko eh nararamdaman ko na kung ano lang ang kinuha ko nung magsimula akong kumain ay sapat na sa akin. Hanggang sa sinubukan ko din sa ibang bahay kapag naimbitahan sa salo salo.

3) Diet

- Ilan din ang mga diet na sinubukan ko para pumayat at ito ang mga naging epiktibo s akin:

a) No Rice - Di madali ang diet na ito, nung una ay talagang pinanghihinaan at pinanginginigan ako ng tuhod dito. Sinimulan ko ito sa half cup of rice each meal, tapos ay half cup of rice every morning at lunch lang at nagawa ko na rin ang no rice diet pagtapos ng isa at kalahating buwan. Sa ngayon ay 3 taon na akong di kumakain ng kanin na puti, dahil kakain lang ako ng kanin kung ito ay brown rice. Isa ang kanin sa pinakamabilis magdagdag ng taba sa katawan lalo pa pag di pala kilos ang tao. Kung magtatanong ka naman kung ano ang pinakamagandang pamalit sa kanin, ito ay ang brown rice dahil sa kaunti lang ang calories nito at may mga fatty acids at omega3 pa ito na talagang nakakatulong sa katawan, ang fibers nito ang nakakatulong para i-break down ang fats sa katawan. Pero kung di mo afford ang brown rice ay pwede mong gawing pamalit ang wheat bread. Wheat bread ha, hindi white bread. May nabasa akomg article sa net na nakakadagdag pa rin ng taba ang white bread kumparasa wheat bread.

b) 6 meals diet - ang konsepto ng 6 meals diet ay hatiin ang agahan, tanghalian at hapunan mo sa 6. Kalahati ng meal mo ay kakainin mo sa tinakdang oras at ang kalahati naman ay sa gitna ng bawat meal ibig sabihin meryendahin mo ang kalahati ng agahan, tanghalian at hapunan mo. Ang layunin nito ay ang bigyan ng sapat na pagkain ang katawan mo pero, di ka masyadong busog at di rin naman sobrang gutom kaya di mo na kailangan na mag hanap ng sobrang pagkain dahil sa may laman pa ang sikmura mo.

c) Pagkain ng mga pagkain na nakakatulong sa pagbabawas ng timbang - may mga pagkain na kakatulong sa pag bawas ng timbang mo. May mga article ako na nabasa noon na ang paksa ay health at fitness. Sinabi doon na ang mga berries ay nakakatulong na pumayat ka, lalo pa kung sariwa ang mga ito. Ang yogurt ay nakakatulong din sa pagbawas ng timbang. Isa sa pinaka-kakaibang yogurt ay ang Greek Yogurt dahil sa mabigat ito sa tyan kaya mas matagal ka makaramdam ng gutom. Ang pagkain ng pagkain na may cayenne pepper, napag alaman ng mga eksperto na isa itong appetite suppressant kaya nababawasan ang gana mo sa sex, ay pagakain pala ano ba yan? ching!. Seryoso uli... Tulad ng greek yogurt, ang abokado ay isa din sa magandang pagkain kung nag babawas ka ng timbang dahil sa mabigat din ito sa tyan tulad ng kamote, pero mas maganda kung ang kamote na bibilhin mo ay yung puting kamote. Ang pagkain ng itog lalo na ng nilaga sa umaga ay nakakatulong din dahil sa matagal ka ding nakakaramdam ng gutom. Sa totoo lang di ko pa nasusubukan ang itlog dahil sa mukang mabibitin lang ako kaya kung di abokado, kamote ay saging na nilaga ang agahan ko, By the way, isa ang saging sa pinakamainam na pagkain sa mga nagbabawas ng timbang. Ito daw ang ultimate snack ng mga nag-di-diet. Sa sariling karanasan ay totoo ang bagay na ito. Bukod sa mayaman sa potassium ay talagang matagal ako gutomin sa saging lalo pa at nilangan saging na saba ang almusal o meryenda ko. Ang pagkaing niluto sa olive oil ay nakakatulong din na makaiwas sa obesity. Ang olive oil ay may hormone na responsable sa pag-break down ng mga taba sa katawan. Ang coconut oil naman ay nakakatulong sa pagbabawas ng mga taba sa abdominal area sa tulong ng mga lipids. Sino ang nag sabing di ka pwede mag chocolate pag nag papapayat ka? Ang dark chocolate ay nakakatulong na mapaimpis ang abdominal area. Mas ideal na kainin ito ng 2 hours bago ang meal, dahil sa ang dark chocolate ay gawa sa purong cocoa butter, mas matagal itong iprocess ng katawan kaya naman mas matagal kang makaramdam ng gutom ulit.

d) 1 day cheat day - wag mo naman parusahan ang sarili mo, pwede ka pa rin naman kumain ng mga pagkaing gusto mo pero magtakda ka ng isang araw kung saan dun mo lang sya kakainin. Pero paalala, di dahil sa cheat day mo ay ibig sabihin kakain ka ng higit pa sa dapat... mawawalang saysay ang diet mo kung babawiin mo lang sa cheat day mo. Winx!

4) Tubig

 - malaki pa rin ang kontribyusyon ng tubig sa pagbawas ng timbang. Payo ng ibang eksperto dati na kapag pupunta ka sa isang salo salo ay uminom ka muna ng tubig para di ka nakakaramdam ng gutom. Di sya masyado effective sa akin, naiihi ako sa byahe hahaha. May mga nabasa ako na article na nagsasabing kapag kumukulo ang sikmura mo, di ibig sabihin noon ay gutom ka na agad, dapat daw ay uminom ka ng tubig. Maaring nahihirapan ang sikmua na durugin ang pagkain na kinain mo kaya kailangan ng sikmura  mo ng tubig para madurog ang mga ito. Tinutulungan ng tubig ang digestive tract para maging nasa kondisyon ito ng sa ganun ay maayos takbo ng systema mo.

Bukod pa sa mga yan, ang pag tulog sa tamang oras (6-8 oras) ay nakakatulong din para maging kondisyon ang systema ng katawan at di makaramdam ng unexpected hunger. Nakakaramdam kasi ang katawan na kailangan nito ng dagdag na fuel kasi ng di sapat ang pahinga ng katawan kaya sa ibang paraan ito kukuha ng enerhiya.

Ang Maging masayahin din ay nakakatulong sa pagpayat. Psychologically speaking, ang mga taong depressed o stressed ay ginagawang option ang pagkain para maka-cope up sa pinagdadaanan nila. Wrong yun.

Ang pag babawas ng pagkain na sobra sa sodium ang isa din sa dapat gawin ng nagbabaws ng timbang. Ina-absorb ng sodium ang tubig sa katawan dahilan para mas ma-trigger ang tao na dagdagan ang fluid intake nila. Dahil dito ay nadadagdagan ang body fluid nila na sanhi din ng pagtaba.

Nung summer ay umuwi ang kapatid ko galing sa ibang bansa. Sa totoo lang mas masarap na sya mag luto sa akin (sya lang kasi mag isa sa bahay). Dahil doon eh di ko naiwasan na maging malusog ulit. Hinikayat ako ng iba na magbawas ulit ng timbang. Nagawa ko naman kaso ang di ko maintindihan ay ng nakita nila na pumayat ako eh sabi nila mas maganda pa daw ang dati. Na-confuse tuloy ako kung gusto nila ako tumaba o pumayat... nuva tologo? labong kausap.. (kamot ulo???).




(Ito ang peg ko nung dambuhala pa ako. 40 inches ang waistline ko dito)



(Ang peg ko ngayon, kahapon ko lang kinuha ang picture na ito. 34 inches na ang waistline ko ngayon)

Anime, ito naman ang trip ko kaya, walang basagan... ahaha. Sana lang tuluyan ng malusaw ang bilbil ko at ang man boobs ko, cross fingers, cross legs, cross stitch, cross fire, cross roads, cross mary shake... ching!


- It's my opinion... so? -

Monday, September 17, 2012

Nagkataon lang?

1:43 (sok)

Oo, aaminin ko di lang ilang beses ko naisip na minalas ako ngayong taon na ito. Pero kahit na gusto ko isipin iyon, may nagtutulak pa rin sa akin na sabihin na ito ay nagkataon lang...

Nagkataon nga lang ba? Di maganda ang pasok ng taon na ito sa akin, alam ko nasabi ko ito sa unang part ng blog ko. Masaya na sana ang 2nd quarter ng taon ko subalit naganap ang isang bagay na di inaasahan na lubos na nagbigay ng pighati sa akin at inaamin ko na hanggang ngayon ay di pa ako nakaka-move on sa bagay na iyon. Dahilan na rin siguro sa pagod, depression, sadness, pressure ay mas lalo akong naging wala sa sarili at palaging parang lumulutang lang sa hangin. May mga bagay na di rin inaasahan na nangyari sa akin na ikinagugulat ko dahil sa di sya normal sa akin na kahit na pinanghihinayangan ko ay huli na rin...

Di pa naman tapos ang taon, cross fingers lang ako. Di naman ako nawawalan ng pagasa na maaring sa last quarter ng taon ay bumuhos ang biyaya na mukang di nakarating sa akin nung mga nakaraang buwan.

Kung di man, ayos lang din, may mga bagay pa rin naman akong dapat ipagpasalamat eh.. Iyon ay ang buhay pa ako, kasama ko ang mga kapatid at ang father ko... ang mga kaibigan ko na nakakasama ko kapag nakakaramdam ako ng kalungkutan (mga kapareho kong loko loko at may mga saltik din), ang musika na kahit papaano ay umaaliw din sa akin (hmmmm ano kaya magandang isalang na background?), ang mga blog na sinusundan ko at binabasa (isa na ito sa mga stress reliever ko). Ang laptop ko na kasama na umaaliw sa akin (kahit medyo mabagal, ok na). Si Watson (ang blackberry ko), ang anime (parang bata lang)... Blessing pa rin ang mga iyon sa akin, kaya dapat ay maging thankful pa rin ako...

"Mga pagsubok lamang yan wag mo isuko ang laban"




- It's my opinion... so? -

Monday, September 10, 2012

Lumilebel ap!

2:41pm (sok)


Oh yeah!

Ngayon, I have a reason to be happy kahit nasa gitna ako ng isang magulong mundo. Tulad ng nangyayari sa paligid ko ngayon (crap!).

Una sa lahat nadagdagan ang kakarampot kong follower… Thanks po Sir Kulapitot ehehe.

At ang pangalawa ay (insert drum roll) tendenenen…..


Ayan ang gadget na binili ko at yung isa naman ay bigay… Nakakatuwa naman dahil sa may nag bigay sa akin ng cellphone… Imagine sa dinami dami ng tao na pwedeng pagbigyan… Ako pa ang binigyan dabah? Nyahahaha.

Yung blackberry ang ultimate fave ko. Simula nung nasira si Sap, medyo malungkot ako, (sniff! sniff!) dahil sa sya ang naging kasama ko sa pagkuha at pag iipon ng magagandang memories ko sa mga adventures ko at i-share ito sa twitter o sa facebook.

But now, ito na si Watson ang magiging kasama ko sa mga adventures ko. Sana ay lumevel up din ang mga adventures namin, haylab the haydiya..

Sa ngayon sa mga ganitong gadget muna ako magdedepend. Pag na ayos na ang digital camera ko at pag ipinadala na ang camera ng brodirax ko ay siguradong mas magiging maganda ang mga pics na pwede ko ilagay sa blog ko.

Sa totoo lang nahihirapan ako mag pagandan ng blog. Nalilito nga ako sa pag ayos ng mga detalye at iedit ang itsura ng page ko. Pero ayos lang, Basta naman pinaghirapan ko ayos na sa akin.

Hopefully di lang dumami ang followers ko, sana ay gumanda pa lalo ang itsura ng blog ko (cross legs, ay fingers pala  ahaha).

Till then!



- It's my opinion... so? -

Thursday, September 6, 2012

Deym! Coaching ulit?.

7:49 pm (sok)

Coaching?!?

Simula pa noong magsimula ako sa industriya na naglilikod sa pangangailangan ng ibang lahi, ang isang bagay na talagang masasabing kong ako ay sala sa init, sala sa lamig ay ang.... Coaching...

Oo maganda ang sesyon na ito dahil ito ang make and break ng mga pinaggagawa mo, pati pag utot, dighay, hikab at paminsan minsang pagkaidlip mo sa istasyon mo... insert CCTV camera... drum roll.... ching lang!

Sa unang BPO na pinasukan ko, sobrang saviour ang coaching sa akin dahil ito ang naglilitas sa aking lalamunan, lalo na at nakapila ang mga taong gustong kumausap sa isang mapagkalinga at matulunging ahenteng tulad ko... charlot!

Masaya ako nung nakikita ko na ipapakita ng bisor ko ang progress ko, ang score card ko na ang taas ng marka. Dahil sa di pa ako regular, kumo-competitve ako at di nag papatalo sa mga kasabay ko kaya naman masaya ako dahil sa sapat at natatapanan ng nakikita kong marka at grado na pinaghirapan ko.

Nung lumipat ako sa pangalawang kompanya na pareho ng industriya eh mas naapreciate ko ang coaching, Bakit? Dahil sa 3 beses ang dami ng naghihintay na tawag sa dami ng ahente sa production floor. Stress divine? Kaya kahit na puro kemehan lang kami ng bisor ko, ok lang makatakas lang sa "thank you for calling....". Nakita ko naman ang progreso ko at ang mga bagay na dapat ko paring i-improve, pero medyo nakakadismaya dahil sa sobrang taas ng expectation nila sa mga ahente, pang mga Diyos ang mga marka na gusto nila ipaabot sa amin. hoggord mutts koyo!...

Dahil sa di ko na matagalan ang pangaalipin sa amin (ching!), nagpasya ako na lumipat ng ibang kumpanya... Sobrang layo ng nilagpakan ko.... Isang kanto lang.

Sa unang program na napuntahan ko, di uso ang coaching. Keri lang, kasi kahit na madami ang tawag eh nai-enjoy ng bawat isa ang mga natatanggap naming tawag dahil pagtapos ng pakikipagbuno sa mga kano eh  tinatawanan namin ang kanya kanyang mga mali namin habang nasa call kami.

Isang taon na ako sa program ko ng biglang i-pull-out ang program namin... Dyos Lord! paano na ako?!? Nalaman ako ayon sa mga chismis ng mga tao sa pantry na may account daw na less haggard.. Kaya sumugod ako agad agad sa bisor ko, at habang humahangos at hinahabol ang amoy ulam pang hininga ay kinausap ko na agad sya, "TL isama mo ako sa line-up ng mga magpapa-screen sa account na ito"sabay beautiful eyes at nagpapa-awa effect. Agad agad, walang kaabog abog nilista ako ng bisor ko sa mga ahente na i-interview-hin. "Paghandaan mo yan at galingan mo"sabi ng bisor ko. "I will do my best, I know that Chirst is always with me that is why I'm confident that I will make it to the top" sagot ko. (confident! chars!).  Heto na nga di na ako magkanda ugaga sa paghahanda sa screening, gabi gabi ay hinahanda ako ng mga isasagot ko sa contest, ay sa interview pala, nova?

Pak! pasok ang peg ko sa banga ni Bugan. Napunta ako sa isang account na walang tawa... meron naman kaso bihira. Bongga! email email lang ang peg ko..di nga haggard ang lalamunan ko, halos mabali naman ang daliri ko kakapindot ng keyboard ng computer ko. Pero deads lang, kaya naman ng mga carpals at metacarpals ko eh.

Bago lang ang bisor na naasign sa amin, nung una ok naman ang lahat, nung nag co-coaching ayos lang din. kaso nung nag tatagal eh mas gusto ko pang tutukan na lang at tapusin ang mga cases na nakukuha ko kesa mag-coaching, nang sa ganun, pagtapos na ako eh tambay, kwentuhan at chismisan na sa mga katrabaho ko...

Sa twing sasabihan ako ng coaching, kung ano ano na ang pumapasok sa isip ko... "Ano nananman kaya mali ko?", "Nakita nanaman ba ako ni koya gard na nagtetext?", "May mali nanaman ba akong ginawa sa mga cases ko at nireport ng client?".

Pag score card ang paguusapan, keri lang kasi kaya ko i-justify ang mga grade na nakuha ko sa bawat category ng scorecard ko. Pero kapag email quality na ang pinaguusapan namin ng bisor ko mejo di ko gusto. Imbes kasi na maging malikhain sya sa pagsabi ng mali mo eh ipinagduduldulan nya sa angelic kong mukha (taray! angelic?) ang mali ko. Pwede naman kasi nya sabihin na "alam mo mas maganda siguro kapag ganito.... ganyan.... tapos ganito.... para maging.... ng hindi na......" hindi yung "ano sa tingin mo ang mali mo? (manghuhula? madam Auring? Stargazer?)....

Ang coaching ang isa sa mga activity sa mga punches namin na gusto ko ipatanggal dahil sa ito ang pinaka ayoko. Buti na lang at nalipat na ako ng ibang bisor... Ngayon tignan natin ko magugustuhan kong muli ang coaching..


- It's my opinion... so? -