Oo, aaminin ko di lang ilang beses ko naisip na minalas ako ngayong taon na ito. Pero kahit na gusto ko isipin iyon, may nagtutulak pa rin sa akin na sabihin na ito ay nagkataon lang...
Nagkataon nga lang ba? Di maganda ang pasok ng taon na ito sa akin, alam ko nasabi ko ito sa unang part ng blog ko. Masaya na sana ang 2nd quarter ng taon ko subalit naganap ang isang bagay na di inaasahan na lubos na nagbigay ng pighati sa akin at inaamin ko na hanggang ngayon ay di pa ako nakaka-move on sa bagay na iyon. Dahilan na rin siguro sa pagod, depression, sadness, pressure ay mas lalo akong naging wala sa sarili at palaging parang lumulutang lang sa hangin. May mga bagay na di rin inaasahan na nangyari sa akin na ikinagugulat ko dahil sa di sya normal sa akin na kahit na pinanghihinayangan ko ay huli na rin...
Di pa naman tapos ang taon, cross fingers lang ako. Di naman ako nawawalan ng pagasa na maaring sa last quarter ng taon ay bumuhos ang biyaya na mukang di nakarating sa akin nung mga nakaraang buwan.
Kung di man, ayos lang din, may mga bagay pa rin naman akong dapat ipagpasalamat eh.. Iyon ay ang buhay pa ako, kasama ko ang mga kapatid at ang father ko... ang mga kaibigan ko na nakakasama ko kapag nakakaramdam ako ng kalungkutan (mga kapareho kong loko loko at may mga saltik din), ang musika na kahit papaano ay umaaliw din sa akin (hmmmm ano kaya magandang isalang na background?), ang mga blog na sinusundan ko at binabasa (isa na ito sa mga stress reliever ko). Ang laptop ko na kasama na umaaliw sa akin (kahit medyo mabagal, ok na). Si Watson (ang blackberry ko), ang anime (parang bata lang)... Blessing pa rin ang mga iyon sa akin, kaya dapat ay maging thankful pa rin ako...
"Mga pagsubok lamang yan wag mo isuko ang laban"
- It's my opinion... so? -
No comments:
Post a Comment
hansaveh mo?