Thursday, September 6, 2012

Deym! Coaching ulit?.

7:49 pm (sok)

Coaching?!?

Simula pa noong magsimula ako sa industriya na naglilikod sa pangangailangan ng ibang lahi, ang isang bagay na talagang masasabing kong ako ay sala sa init, sala sa lamig ay ang.... Coaching...

Oo maganda ang sesyon na ito dahil ito ang make and break ng mga pinaggagawa mo, pati pag utot, dighay, hikab at paminsan minsang pagkaidlip mo sa istasyon mo... insert CCTV camera... drum roll.... ching lang!

Sa unang BPO na pinasukan ko, sobrang saviour ang coaching sa akin dahil ito ang naglilitas sa aking lalamunan, lalo na at nakapila ang mga taong gustong kumausap sa isang mapagkalinga at matulunging ahenteng tulad ko... charlot!

Masaya ako nung nakikita ko na ipapakita ng bisor ko ang progress ko, ang score card ko na ang taas ng marka. Dahil sa di pa ako regular, kumo-competitve ako at di nag papatalo sa mga kasabay ko kaya naman masaya ako dahil sa sapat at natatapanan ng nakikita kong marka at grado na pinaghirapan ko.

Nung lumipat ako sa pangalawang kompanya na pareho ng industriya eh mas naapreciate ko ang coaching, Bakit? Dahil sa 3 beses ang dami ng naghihintay na tawag sa dami ng ahente sa production floor. Stress divine? Kaya kahit na puro kemehan lang kami ng bisor ko, ok lang makatakas lang sa "thank you for calling....". Nakita ko naman ang progreso ko at ang mga bagay na dapat ko paring i-improve, pero medyo nakakadismaya dahil sa sobrang taas ng expectation nila sa mga ahente, pang mga Diyos ang mga marka na gusto nila ipaabot sa amin. hoggord mutts koyo!...

Dahil sa di ko na matagalan ang pangaalipin sa amin (ching!), nagpasya ako na lumipat ng ibang kumpanya... Sobrang layo ng nilagpakan ko.... Isang kanto lang.

Sa unang program na napuntahan ko, di uso ang coaching. Keri lang, kasi kahit na madami ang tawag eh nai-enjoy ng bawat isa ang mga natatanggap naming tawag dahil pagtapos ng pakikipagbuno sa mga kano eh  tinatawanan namin ang kanya kanyang mga mali namin habang nasa call kami.

Isang taon na ako sa program ko ng biglang i-pull-out ang program namin... Dyos Lord! paano na ako?!? Nalaman ako ayon sa mga chismis ng mga tao sa pantry na may account daw na less haggard.. Kaya sumugod ako agad agad sa bisor ko, at habang humahangos at hinahabol ang amoy ulam pang hininga ay kinausap ko na agad sya, "TL isama mo ako sa line-up ng mga magpapa-screen sa account na ito"sabay beautiful eyes at nagpapa-awa effect. Agad agad, walang kaabog abog nilista ako ng bisor ko sa mga ahente na i-interview-hin. "Paghandaan mo yan at galingan mo"sabi ng bisor ko. "I will do my best, I know that Chirst is always with me that is why I'm confident that I will make it to the top" sagot ko. (confident! chars!).  Heto na nga di na ako magkanda ugaga sa paghahanda sa screening, gabi gabi ay hinahanda ako ng mga isasagot ko sa contest, ay sa interview pala, nova?

Pak! pasok ang peg ko sa banga ni Bugan. Napunta ako sa isang account na walang tawa... meron naman kaso bihira. Bongga! email email lang ang peg ko..di nga haggard ang lalamunan ko, halos mabali naman ang daliri ko kakapindot ng keyboard ng computer ko. Pero deads lang, kaya naman ng mga carpals at metacarpals ko eh.

Bago lang ang bisor na naasign sa amin, nung una ok naman ang lahat, nung nag co-coaching ayos lang din. kaso nung nag tatagal eh mas gusto ko pang tutukan na lang at tapusin ang mga cases na nakukuha ko kesa mag-coaching, nang sa ganun, pagtapos na ako eh tambay, kwentuhan at chismisan na sa mga katrabaho ko...

Sa twing sasabihan ako ng coaching, kung ano ano na ang pumapasok sa isip ko... "Ano nananman kaya mali ko?", "Nakita nanaman ba ako ni koya gard na nagtetext?", "May mali nanaman ba akong ginawa sa mga cases ko at nireport ng client?".

Pag score card ang paguusapan, keri lang kasi kaya ko i-justify ang mga grade na nakuha ko sa bawat category ng scorecard ko. Pero kapag email quality na ang pinaguusapan namin ng bisor ko mejo di ko gusto. Imbes kasi na maging malikhain sya sa pagsabi ng mali mo eh ipinagduduldulan nya sa angelic kong mukha (taray! angelic?) ang mali ko. Pwede naman kasi nya sabihin na "alam mo mas maganda siguro kapag ganito.... ganyan.... tapos ganito.... para maging.... ng hindi na......" hindi yung "ano sa tingin mo ang mali mo? (manghuhula? madam Auring? Stargazer?)....

Ang coaching ang isa sa mga activity sa mga punches namin na gusto ko ipatanggal dahil sa ito ang pinaka ayoko. Buti na lang at nalipat na ako ng ibang bisor... Ngayon tignan natin ko magugustuhan kong muli ang coaching..


- It's my opinion... so? -

2 comments:

  1. ako nagkocoach ako ng agents pero natsitsikahan lang kami hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. naku ser ok na yung ganun, at least magaan ang aura at loob nga mga agent sayo. Kesa naman sa alam na nilang may mali sila parang niru-rub sa sa mukha nila yung mali nila... huhuhuhuhu, may tissue po kayo? ching!

      Delete

hansaveh mo?