Napakadaming bago sa linggong ito.
Masasabi ko na ikina-stress ng bangs ko ito, oo may, bangs bang ako gawa ng gupit ko last week, ganyan!
Sabi ninyong mga nakakatanda, there is nothing permanent in this would but changes... kaya naman nakanta ko na lang ang kanta ni Jose Mari Chan na constant change habang iniisip ko kung tibo si Jose Mari Chan (charlot!)
Ang account na ata namin ang sobrang daming changes na kinawindang ko. Bagong procedure, request na inin-dorse na di ko alam kong paano iprocess, bagong dahilan para mainis, at ang malala.... bagong schedule.
Gusto ko na ang schedule ko, kaso dahil daw sa "business needs"eh kelangan daw namin magbago ng schedule.
Ngayon ay Wednesday to Sunday na ang schedule ko... shyet! wala na ang Sat Sun off ko... pakinshit talaga! Nagbago na rin ang mga schedule ng mga tropa ko sa team kaya mukang watak watak na kami.. oh deym paano na lang ang mga lunch break na lagi kami magkasama??? huhuhu.
Isa pa sa mga nagbago ay ang dashboard ng blog ko. Di ko talaga gusto ang upgraded version na. Epik badtrip ang dulot sa akin.. Mas madali pa inavigate ang dating dashboard kesa sa bago. ang malupit pa dito wala sa dropdown option ang bumalik sa dating interface.
Pero di naman lahat ng bago ay panget kasi may bago naman this week na maganda.
Una sa lahat ay bago na ang name ng blog ko. Kung dati ay medyo pormal (mas muka kayang masungit... this is what i think... so what? sungit di ba? ching!) ngayon ay "Kwentong baliw ng isang Rixophrenic" baliw na balliw lang ang dating, parang ako lang (alam ko na mag a-agree ang mga nakakakilala sa akin).
Sumunod... my bago nanaman ako "I love" T-shirt galing ng Thailand na pasalubong ni Erin sa akin. Yehey! Salamuch sa T-shit halabet!
At ang isa pa sa magandang pagbabago.... Nadagdag sa mga sumusonod sa blog ni Rixophrenic ang isang kaibigan na muling nagbalik sa mundo ng blog (insert music... HALELUYA!!!!).. si Keisi.. Thanks keisi ehehehe.
Sa Wednesday pa ang pasok ko kaya for sure jumping jumping din ang peg ko sa mga blog na fina-follow ko at sana sa linggong darating puro magandang pagbabago ang maganap... (Lord ayaw ko na po ng panget na pagbabago phuleeessss!) muah! muah!
- It's my opinion... so? -
sometimes we don't have choice but to dealt with it ... but i prefer on good changes ... hahahaha ... love ur new blog nem
ReplyDeleteSir Kulapitot uu nga eh, kaya nga uu na lang ang nasagot ko sa bisor ko.. wala naman ako magagawa ahahaha. Thanks at nagustuhan mo yun bagong blog name, parang sakit lang na malala ahaha.
Deletemasasanay ka rin sa bagong dashboard..ako rin dati nawindang ng konti jan..and im sure makakapag-adjust ka rin sa bagong sched just take it on a positive way kembot lang!
ReplyDeleteoh ayan follower mo na rin ako :)
tenks mutts Ms Pink :) Mejo lito pa rin ako sa dashboard parang kakainin ako dahil nashushunga talaga ako ahaha. Pwede pa naman ako gumimik ng Sat ng gabi kaso patay na bata ang ng Linggo kasi wala ako tulog ahahaha.
Deletechange is inevitable. Period. lol
ReplyDeleteDeym! kilala ko ang madalas magsabi ng "inevitable" na yan.... Teka lang... Masamang ispirito layuan mo si Keisi nyahahaha
Delete