Wednesday, September 19, 2012

Payat - Taba!

6:10pm (sok)


"Payat taba, payat taba, kelan magiging tama? Payat taba, payat taba, malusog bang talaga?"
Yang kanta sa Sineskwela ang naalala ko tungkol sa obesity at sa malnutrition.

Oo, aaminin ko malusog ako. Kasi naman, ang sarap sarap kumain. Minsan tinitignan mo pa lang ang mga putahe sa kusina ay parang inaakit ka na nila at sinasabi sa iyo na "Halika, Lapitan mo ako. Namnaman mo ang sarap ko" (parang malaswa...ching!).

Bata pa lang ako eh isa na sa hobby ko ay ang lagyan ng pagkain ang bibig ko, lalo na pag bored ako. Minsan nga pati pagkain ng kapatid ko eh tinitira ko pa, pero syempre ng hihingi ako sa kanila. Nung naging highschool ako eh mas lalong nadagdagan ang gana ko sa pagkain dahil na rin sa may dagdag ang baon ko sa iskewla. Madalas nga pag sinasabihan ako ng mataba, ang madalas ko lang isagot ay "Kelangan ko kumain, para may makuha ang mga doctor pag magpapa-lipo ako" (sosyal! nakakariwasa).

Dumating sa punto ng buhay ko na ang waist line ko ay umabot sa 40 inches (ang lapad ko huhu) at obese 2 ako. Sinabi ko sa sarili ko na dapat na ako gumawa ng paraan bago pa mahuli ang lahat.

Nag enrol ako sa gym, totoong nabawasan ako ng timbang pero kaunti lang. Kaya nagresearch ako ng mga paraan kung paano ko mababawasan ang timbang ko, may mga tagumpay at meron din naman di successful.

Ang mga paraan ng pang babawas ng timbang na nag work sa akin ay ang mga sumusunod:

1) Pagiging aktibo ng katawan

- dahil sa nagggym ako, nakakatulong ang mga cardio excersise para matagtag ang taba ko at pagpawisan ako ng wagas na wagas (mas madami ang body fluid ko at ito ang dahilan ng sobrang timbang ko). Pagtakbo sa tread mill, mag-stationary bike at stepper ang madalas kong ginagawa. Sumasali din ako ng mga group exercise dahil sa nakakatuwa ang may mga kasama ka kesa sa unang 3 na ipod mo lang ang karamay ko. Kung di man ako makapunta sa gym ay sinasamahan ko ang tatay ko mag jogging sa C6 o sa Camp Bagong Diwa. Paminsan minsan ay sumasama din ako sa mga katrabaho ko para mag-badminton sa Cubao. Plano ko din na isama sa excersice ko ang swimming dahil sa may nag open ng isang public pool malapit sa amin. Pero plano pa lang ito na sana sooner or later ay matupad. Ang pagiging aktibo ng katawan ang nagpapabilis ng metabolism natin na dahilan para magamit nito ang mga enerhiya na nakatambay lang.

2) Self Control

- ito ang isa sa mga pinakamahirap sa pagbabawas ng timbang. Inaamin ko na kahit na nag wo-work out ako eh kain pa rin ako ng kain. Pero proper mind set lang ang ginawa ko. Paano? Humarap ako sa salamin at kinausap ko ang sarili ko, pinagalitan ko ang nakita ko sa salamin at sinabi na "paano mo makukuha ang gusto mong ma-achive kung di mo didisiplinahin ang sarili mo sa pagkain" habang nanlilisik ang mga mata (galing! nag bunga ang workshop ko kay Gina Alajar, kems!). Inobserbaan ko ang ugali ko sa hapag namin sa bahay kaya ko disiplina ang sarili ko sa pagkain. Nalaman ko na napapalakas din pala ang kain ko dahil sa buyo ng mga kasama ko sa hapag, dahil sa simula nung palagi na akong tumatanggi sa alok nila na dagdagan pa ang pagkain ko eh nararamdaman ko na kung ano lang ang kinuha ko nung magsimula akong kumain ay sapat na sa akin. Hanggang sa sinubukan ko din sa ibang bahay kapag naimbitahan sa salo salo.

3) Diet

- Ilan din ang mga diet na sinubukan ko para pumayat at ito ang mga naging epiktibo s akin:

a) No Rice - Di madali ang diet na ito, nung una ay talagang pinanghihinaan at pinanginginigan ako ng tuhod dito. Sinimulan ko ito sa half cup of rice each meal, tapos ay half cup of rice every morning at lunch lang at nagawa ko na rin ang no rice diet pagtapos ng isa at kalahating buwan. Sa ngayon ay 3 taon na akong di kumakain ng kanin na puti, dahil kakain lang ako ng kanin kung ito ay brown rice. Isa ang kanin sa pinakamabilis magdagdag ng taba sa katawan lalo pa pag di pala kilos ang tao. Kung magtatanong ka naman kung ano ang pinakamagandang pamalit sa kanin, ito ay ang brown rice dahil sa kaunti lang ang calories nito at may mga fatty acids at omega3 pa ito na talagang nakakatulong sa katawan, ang fibers nito ang nakakatulong para i-break down ang fats sa katawan. Pero kung di mo afford ang brown rice ay pwede mong gawing pamalit ang wheat bread. Wheat bread ha, hindi white bread. May nabasa akomg article sa net na nakakadagdag pa rin ng taba ang white bread kumparasa wheat bread.

b) 6 meals diet - ang konsepto ng 6 meals diet ay hatiin ang agahan, tanghalian at hapunan mo sa 6. Kalahati ng meal mo ay kakainin mo sa tinakdang oras at ang kalahati naman ay sa gitna ng bawat meal ibig sabihin meryendahin mo ang kalahati ng agahan, tanghalian at hapunan mo. Ang layunin nito ay ang bigyan ng sapat na pagkain ang katawan mo pero, di ka masyadong busog at di rin naman sobrang gutom kaya di mo na kailangan na mag hanap ng sobrang pagkain dahil sa may laman pa ang sikmura mo.

c) Pagkain ng mga pagkain na nakakatulong sa pagbabawas ng timbang - may mga pagkain na kakatulong sa pag bawas ng timbang mo. May mga article ako na nabasa noon na ang paksa ay health at fitness. Sinabi doon na ang mga berries ay nakakatulong na pumayat ka, lalo pa kung sariwa ang mga ito. Ang yogurt ay nakakatulong din sa pagbawas ng timbang. Isa sa pinaka-kakaibang yogurt ay ang Greek Yogurt dahil sa mabigat ito sa tyan kaya mas matagal ka makaramdam ng gutom. Ang pagkain ng pagkain na may cayenne pepper, napag alaman ng mga eksperto na isa itong appetite suppressant kaya nababawasan ang gana mo sa sex, ay pagakain pala ano ba yan? ching!. Seryoso uli... Tulad ng greek yogurt, ang abokado ay isa din sa magandang pagkain kung nag babawas ka ng timbang dahil sa mabigat din ito sa tyan tulad ng kamote, pero mas maganda kung ang kamote na bibilhin mo ay yung puting kamote. Ang pagkain ng itog lalo na ng nilaga sa umaga ay nakakatulong din dahil sa matagal ka ding nakakaramdam ng gutom. Sa totoo lang di ko pa nasusubukan ang itlog dahil sa mukang mabibitin lang ako kaya kung di abokado, kamote ay saging na nilaga ang agahan ko, By the way, isa ang saging sa pinakamainam na pagkain sa mga nagbabawas ng timbang. Ito daw ang ultimate snack ng mga nag-di-diet. Sa sariling karanasan ay totoo ang bagay na ito. Bukod sa mayaman sa potassium ay talagang matagal ako gutomin sa saging lalo pa at nilangan saging na saba ang almusal o meryenda ko. Ang pagkaing niluto sa olive oil ay nakakatulong din na makaiwas sa obesity. Ang olive oil ay may hormone na responsable sa pag-break down ng mga taba sa katawan. Ang coconut oil naman ay nakakatulong sa pagbabawas ng mga taba sa abdominal area sa tulong ng mga lipids. Sino ang nag sabing di ka pwede mag chocolate pag nag papapayat ka? Ang dark chocolate ay nakakatulong na mapaimpis ang abdominal area. Mas ideal na kainin ito ng 2 hours bago ang meal, dahil sa ang dark chocolate ay gawa sa purong cocoa butter, mas matagal itong iprocess ng katawan kaya naman mas matagal kang makaramdam ng gutom ulit.

d) 1 day cheat day - wag mo naman parusahan ang sarili mo, pwede ka pa rin naman kumain ng mga pagkaing gusto mo pero magtakda ka ng isang araw kung saan dun mo lang sya kakainin. Pero paalala, di dahil sa cheat day mo ay ibig sabihin kakain ka ng higit pa sa dapat... mawawalang saysay ang diet mo kung babawiin mo lang sa cheat day mo. Winx!

4) Tubig

 - malaki pa rin ang kontribyusyon ng tubig sa pagbawas ng timbang. Payo ng ibang eksperto dati na kapag pupunta ka sa isang salo salo ay uminom ka muna ng tubig para di ka nakakaramdam ng gutom. Di sya masyado effective sa akin, naiihi ako sa byahe hahaha. May mga nabasa ako na article na nagsasabing kapag kumukulo ang sikmura mo, di ibig sabihin noon ay gutom ka na agad, dapat daw ay uminom ka ng tubig. Maaring nahihirapan ang sikmua na durugin ang pagkain na kinain mo kaya kailangan ng sikmura  mo ng tubig para madurog ang mga ito. Tinutulungan ng tubig ang digestive tract para maging nasa kondisyon ito ng sa ganun ay maayos takbo ng systema mo.

Bukod pa sa mga yan, ang pag tulog sa tamang oras (6-8 oras) ay nakakatulong din para maging kondisyon ang systema ng katawan at di makaramdam ng unexpected hunger. Nakakaramdam kasi ang katawan na kailangan nito ng dagdag na fuel kasi ng di sapat ang pahinga ng katawan kaya sa ibang paraan ito kukuha ng enerhiya.

Ang Maging masayahin din ay nakakatulong sa pagpayat. Psychologically speaking, ang mga taong depressed o stressed ay ginagawang option ang pagkain para maka-cope up sa pinagdadaanan nila. Wrong yun.

Ang pag babawas ng pagkain na sobra sa sodium ang isa din sa dapat gawin ng nagbabaws ng timbang. Ina-absorb ng sodium ang tubig sa katawan dahilan para mas ma-trigger ang tao na dagdagan ang fluid intake nila. Dahil dito ay nadadagdagan ang body fluid nila na sanhi din ng pagtaba.

Nung summer ay umuwi ang kapatid ko galing sa ibang bansa. Sa totoo lang mas masarap na sya mag luto sa akin (sya lang kasi mag isa sa bahay). Dahil doon eh di ko naiwasan na maging malusog ulit. Hinikayat ako ng iba na magbawas ulit ng timbang. Nagawa ko naman kaso ang di ko maintindihan ay ng nakita nila na pumayat ako eh sabi nila mas maganda pa daw ang dati. Na-confuse tuloy ako kung gusto nila ako tumaba o pumayat... nuva tologo? labong kausap.. (kamot ulo???).




(Ito ang peg ko nung dambuhala pa ako. 40 inches ang waistline ko dito)



(Ang peg ko ngayon, kahapon ko lang kinuha ang picture na ito. 34 inches na ang waistline ko ngayon)

Anime, ito naman ang trip ko kaya, walang basagan... ahaha. Sana lang tuluyan ng malusaw ang bilbil ko at ang man boobs ko, cross fingers, cross legs, cross stitch, cross fire, cross roads, cross mary shake... ching!


- It's my opinion... so? -

2 comments:

  1. in fairness ang laki ng ipinayat mo ah..pero relate ako sau..dati rin akong mashuba sabi nila magpapayat nung pumayat na ko di daw bagay magpataba naman daw ako ulet..kakalowka lang..

    ReplyDelete
  2. Hi Ms. Pink.. Nalowka sila no? magulo pa sa looban ang mg utak nila ahahaha. Idisect kaya natin ng malaman natin kung saan ang problema? ahahaha. Have a good day po :).

    ReplyDelete

hansaveh mo?