Monday, April 22, 2013

Mata at Estudyante

Check-up Time: 3:54pm

Halu mga pasyente!


Haluuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuu!


HALUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUU!

Hihihi sinusubukan ko lang kung halayb kayo..

Panay panay ba ang post ko? naku sinusulit ko lang ang pahanon malay mo di na maulit hihihi.

So kamusta naman ang nagdaang Linggo? ako keri lungs tipikal na linggo, ganyan pero, di tungkol dyan ang ibabahagi ko.. alam nyo ba kung ano? Ito na nga... Last week eh pinabalik ako ng doctor sa mata na na-meet ko somewhere sa palengke sa taas ng Bicutan na bumibili ng walis tambo sa very fab nyang office para malaman ang kundisyon ng singkit kong mata hihihi.

Pang-labing apat ako sa pila, hagard mag hintay at napansin ko na parang 2 lang ang nakapila na wala sa bracket ng 50's ako saka si koyang barista ng nyorbaks. Feeling ko tuloy eh parang worst na yung case ng mata ko dahil sa isa lang ako sa mga isip bata na nakapila.

So heto na nga tinawag na ang batch namin... Parang star circle quest lang ang peg na mag au-audition. Pagpasok namin sa room kanya kayan kaming upo at lahat kinakabahan, naghahanda sa kanya kanyang talent. Parang its a do or die keme para lang makasama ka sa loob ng circle.... Quezon City Circle... Charut!

Tinawag na ni Doktora ang una sa batch namin... Tahimik ako kahabang bina-browse ko si Watson (ang bb ko) narinig ko na nastress si Doktora at pinagsasabihan ng pasyente... "Alam mo dapat nag punta ka agad dito para mapa-check yan, yada yada, chenes chenes, tignan mo, nagsugat ang mata mo kaya hirap ka makakita eh". Totoo ba yung narinig ko? nagsugat daw ang mata ng unang sumalang? medyo kinabahan ako kaya nag dasal ako na sana ok lang yung case ko. 

Sumalang yung pangalawang pasyente.. Medyo nadagdagan ang stress ko, "Nakakaramdam ka na pala na medyo masakit ang ulo mo di ka nagpacheck agad. May ulcer na yung mata mo kemeruth baruruth dapat kinekeme acachuchu na yan chenelyn kung hindi wala ng gamit yung mata mo... di na rin sya makakakita" sabi ni doktora sa pasyente. Huh? may ulcer? yung mata may ulcer? baka di na makakita pag ganun? mas lalo ako natakot... nag dasal ako at nanawagan sa 5 santo na sana ay ok lang yung kalagayan ng mata ko..

Sumalang si Koyang barista ng nyorbaks, pagtapos nya ako na... Kakaiba lalo ang kaba ko... "6 months mo na nararamdaman yan ngayon mo lang dinala dito yan? Ang worst na ng lagay ng mata mo, kaya ganyan sya kasi namamaga na yung mga ugat nya at nagsanga na yung ugat nya. Kung nung una pa lang dinala mo sya dito, magagawan pa natin ng paraan yan. Pero ngayon kahit irecomend ko sa iyo ang Laser Surgery, I cannot guarantee na magiging ok yang mata mo. Worst is, kapag nakaramdam ka ang sobrang sakit walang ibang option kung di i-remove ang mata mo" ang harsh na sabi ni doktora sa koyang nauna sa akin... Ano daw? i-removed ang mata? bakit? mas tumatagal mas lumalala ang kundisyon, mas lumalala ang sinasabi ni doktora. Mas lalo ako natakot, kung kanina eh 5 Santo lang ang tinatawag ko ngayon ay lahat na, para akong natatae sa kaba ng mga oras na yun.

Tinawag na ang pangalan ko... Kahit na ika-ika ako maglakad hindi dahil sa suot kong shoes na 5 inches ang hills, kundi dahil sa takot! chars lungs... Seryoso na nininerbiyos ako sa takot. Pinaupo ako ni doktora sa upuan kaharap nya. "Hi, how can I help you?" bungad nya na nakangiti. Ngumiti din ako ng biglang nilabas ni doktora ang isang scalpel at binuklat ang mata ko kinuha nya ito at nilagay sa examination table, pinaglaruan at pinukpok ng maso, kaya ito ako ngayon.....

Chars lang ulit hihihi, kayo talaga di kayo mabiro...

So heto na nga, sinabi ko ang kondisyon ng mata ko, ang trabaho ko, ang ginagawa ko. Sabi ko kay doktora na di ko goal bumalik ng normal vision ang mata ko ang gusto ko lang ay kahit na ma-correct ang server case ng astigmatism ko at bumaba lang ng kaunti ang grado ng mata ko. Ngumiti si doktora sa akin, "Ito ang magandang case ko ngayong araw" kuda nyang ganyan. Magagawan natin ng paraan yan. Buti at pumunta ka dito maaga pa lang para habang di pa worst ang sitwasyon eh magagawan na natin ng paraan, hindi katulad ng mga nauna sa yo" sa sinabi ni doktora napabirit ako ng linyang "there's a light in me that shines brightly" yang line na yan lang... chars lang for the fourth time.

Natuwa ako sa sinabi nya. Pinapatakan nya sa assistant nya ang mata ko ng kung anong gamot para macheck ang pressure ng mata ko. After nya ma check ng pressure ng mata ko ay binigyan nya ako nito...




Isang Lasik Suitability Test. Gusto nya i-check ang mata ko kung ano ang treatment or procedure ang gagawin sa akin para ma-correct ang deperensya ng mata ko... Mas nawindang ako sa sinabi nya na pumunta daw ako sa araw na nakaduty sya sa Asian Hospital dahil sya daw mismo ang mag co-conduct ng test. Ang sunod nyang sinabi ang lubos kong kinatuwa. "The test is free, dahil ako ang magche-check", Ho em geee! like ho my Gowd! for free talaga? parang gusto ko i-Dawn Zulueta ang mga mujay na pasyente ni doktora...

Sa Sabado ang sched ng test, sana naman maging ok ang test at di delicate procedure ang maging recommendation nila.

Matapos ng check up, Pumunta ako ng school para i-confirm ang bali-balita na pasok ako sa list ng mga incoming students sa taong 2013.

Nakipag balyahan ako sa mga kiddie meals para lang makita ko ang pangalan ko sa result board.

Paaaaaaak! lagpas 300 ang mga nakapasa na students na nagsisimula sa letter "P" ang surname. Pero ma tyaga ko hinanap ang pangalan ko hanggang sa wakas, ako ay napa...



Napa-gwiyomi ulit ako sa tuwa habang ang tugtog ay gangnam style hihihi. Charuz lang. Its so chrew! pasok ang name ko sa mga candidate ng next Pilipinas Got Talent... Keme lang po, Pasado ako sa entrance exam.

Sa totoo lang hindi ko ito expected dahil sa 2 days bago ang examination day eh nag punta pa ako ng Antipolo para lang mag Korean eat-all-you can at a day bago ang Exam naman ay Nakipag meet ako kay Mommy Joy kasama ng ibang mga blogger sa Megamall. Walang man lang kahit 1 hour refresher keme, biglang salang na lang agad.

During the exam nga eh pakiramdam ko extension ng Laguna de bay ang kili-kili ko dahil so awesome kung jabarin ako, yung medyas ko literal na basa ng pawis kaya pinagtatawanan ako ni Bunso. Matagal na kasi akong hindi nakakapag-aral at malay ko na ba kung ano ang tinuturo sa high school na pwede i-apply sa entrance exam ng mga university.

Yung kasabay nga namin sa examination room eh nag-ala pitch perfect dahil sumuka sya ng wagas during examination dahil sa sobrang kaba. Oh di ba mas eww naman yun? hihihi.

Sa wakas ay makakapag enroll na din ako sa may dahil nakuha ko na ang aking...

Enrollment Slip (daw)

Gamitin daw namin ang slip na yan para makapag-enroll kahit na result slip sya ng exam ahahaha, epik! Kaya naman dapat ko ng pag-aralan ang syllabus ko nga malaman ko kung ano ang mga subject ko na may pre-requisite para naman di ako mapag-iwanan.

Sa ngayon ini-enjoy ko ang feeling na babalik ako sa pagka-estudyante at ang idea na magagawan ng solusyon ang problema ko sa mata.




Sana din ay may magandang bagay na nangyari sa inyo ngayong araw na ito...




Till next issue po..



Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik... God Bless!

Sunday, April 21, 2013

Dear Father

Check-up Time: 4:47pm


Dear Father,

Two months from now, my family will commemorate the day you have taken the life of my mother that she borrowed from You.

From the day that we found out what her real condition is, I never stop calling you and ask for you kindness to spare her life as we have many plans for her.

When she had the operation, I thought everything will be okay, but it’s not.

I know that you always have plans and I know that you are testing our faith in You. You are challenging our trust towards You.

I am not a perfect follower and I admit that but you know from the beginning how pure my faith in You and how I trusted You. I am very confident that You're always beside me and you always listen to my voice within.

I was really amazed about the teaching of your Son, The Prodigal Son, that even if we turn our back on You, You will still accept us because You are a forgiving Father, and your love and mercy is unconditional. You have truly shown us how you love us when, You have sacrificed the life of Your only son, Jesus, to save us from hell, you let him be crucified in Golgotha and let his blood wash away the sins of the human-kind. 

From what happened to my mother, I have promised myself to be a good Catholic with the help of my sister, a nun, Your faithful servant inside and outside the church. The congregation of Jesus Good Shepherd collaborated and prayed for my mother. During that time, I believed that she will recover from her illness ‘cause I believed in the power of prayers. However, You did not listen to our prayers.

It was pass 11 in the evening, I heard my younger brother shouting, rattled and helpless that my mother is no longer breathing... At that time, I prayed, "Please spare her life. I'm not ready to lose her. I need my mother. She haven't seen how good I am now. She haven't seen how her sons became independent and will be successful in the future. She haven't seen her future grandchildren. I don't want to lose my mother, Lord, please don’t take her life" but you never listened. Together with my younger brother  and my father, you let us feel and see my mother lifeless in the hospital bed. My warm tears flows from my eyes, as coldness devour her body, and all I can do is cry in pain and in madness.

From that day I never talked to You. I stopped praying. I never communicated to You or believed in You anymore. I even stopped going to church every during Your fest. I have the impression that you intentionally let things happened because we deserve to lose someone in exchange of a not good Christian. I admit, I'm mad at You because you took my mother away from us.

It was January, one night, I have a hard time to sleep. I turned-on the TV and scanned the shows. Accidentally, I saw my mother's photo on the table near the TV set. I just realized that everything happens for a reason, we don't know what it is because only You knows why do we need to undergo this experiences. Guilt is eating and swallowing me. This is not what my mother want me to be and to believe in. I know that if she is beside me she will feel upset because of what I am doing.

Slowly I have dragged myself to return to You. I started praying again. I started visiting Your home again. My faith is coming back and I am now trusting you again..

I still don’t know the reason why You took my mother, but I know with the help of my mother you will let me understand why she is with you now...

Sorry for doubting you but, just like the youngest son in the famous parable, I am coming back to you. Forgive me Father. I believed that You never rejected me and thrown me away. It is me who have left in the love of You. All this time, I felt that You’re just waiting for my return.



Your prodigal son,
Rix

P.S. Lord regards to my Mama. Tell her I really miss her. I know she’s enjoying the amenities in heaven right now. Please ask her to watch over us and tell her how much I love her.

Ma, Advance happy mother's day.. Even if you are not with us, we will still celebrate that day because we never lose you. You are always in our heart. Mwuah.





*** this will be my official entry to Mommy Joy's contest entitled: Letter to God contest! ***





Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik... God Bless!

Thursday, April 18, 2013

Kulay

Check-up Time: 3:47am

Hello Hello mga katambay!

Kamusta naman ang buhay buhay? syempre di ko naman malalaman yun agad agad dahil hindi naman chat ito para makasagot ka in pronto :P

Enough muna ako sa pagiging loko loko, minsan sumeryoso naman tayo, pagbigyan nyo na ako minsan lang naman.

Nung bata ka pa katambay, ano ang sinasagot mo sa tanong na "Ano ang paboritong kulay mo?". Ilang beses mo na ba sinulat sa slumbook ang sagot mo dyan? kasama ng who is your first kiss tapos isasagot mo parents kahit na may iba naman talaga.. choz!

Henny waste, alam nyo ba na ang paborito nating kulay ay nakabase din sa personalidad o sa katangian natin? Ito ay ayon lang sa mga chismis na narinig ko sa mga nagkukumpulang mga chismosa sa kanto namin.... Charut!

On the serious note, ito ay ayon sa mga tao na dalubhasa at patuloy sa pag-aaral ng sikolohikal na paguugali. Nakakatawa na nalaman ko na ang dahilan kung bakit ako ganito mag-isip o makaramdam sa isang bagay ay dahil na din sa impluwensya ng paboritong kulay ko.

" Feeling of calmness or serenity. sadness or aloofness. " iyan ang ilan sa mga katangian ng paboritong kulay ko. Mabilis sa amin ang makahanap ng kapayapaan kapag alam namin na secure kami, ngunit may mga pagkakataon na madali daw kaming malungkot, ito siguro ang dahilan kung bakit kapag pakiramdam ko ay magiging malungkot ako sa isang bagay ay automatiko na na umiiwas ako dito dahil sa medyo sensitive ako at madali kong maatract sa malungkot na vibes.

Ang paboritong kulay ko daw ay ang kulay na napagkakatiwalaan, totoo ang opinyon na ibibigay namin sa isang bagay at loyal. May ugali daw ang mga tao na mahilig sa kulay na gusto ko na may pagka-responsable (di ko alam kung totoo) di lang sa mga bagay na gusto naming gawin kundi maging sa bagay na tinanggap namin na gawin.

Ang sabi pa ay helper, rescuer at a friend in need daw kami. We are giver not a taker. We like to build strong trusting relationships and becomes deeply hurt if that trust is betrayed. hmmmmm, malapit sya sa katotohanan sa discription na ito promise.

Ang isa pang kinawindang ko ay ito - "Change is difficult for people who like this color. It is inflexible and when faced with a new or different idea, it considers it, analyzes it, thinks it over slowly and then tries to make it fit its own acceptable version of reality". Sa totoo lang ako yung tipo ng tao na pag na-set na ang isang plano ayoko ng binabago ang orihinal na napag-usapan dahil para sa akin, para ke ano pa ang nagplano kayo kung babaguhin rin pala. Pero kung wala naman akong magagawa ay kailangan ko nang matinding pag mi-mind set na mababago ang plano at kailangan ko i-anticipate ang mga bagay na maeencounter ko sa pagbabago ng plano. PAAAKKK! ibig sabihin isang malaking check ang discription na ito between the relationship of my fave color at personality.

Sabi pa nila na ang taong mahilig sa kulay na gusto ko ay may ugali na minsan ay gusto nila ang feeling na malungkot sila. Ang wierd noh? Siguro nga tama, bakit ko ba naisip yun? Base sa sarili kong ugali minsan kapag depress ako dun ko mas lalo na-pu-push ang sarili ko gawin ang isang bagay para ayusin ang pagkakamali ko, gawan ng solution ang problema ko, maghanap ng solustion para di na maulit ang depression ko, mga ganyan.

Isa pa, nasabi ko noon kay Arvin (di ko sure kung sya nga ahaha) na may mga tao na kapag lalong nasasaktan mas lalong tumatapang. Habang nalulungkot mas lalong lumalabas ang talento nila. Maaring sa pagsusulat o salita ko lang naipapahayag na malungkot ako pero hindi mo makikita o mararamdaman ang kalungkutan ko kung kasama mo ako dahil likas sa akin ang ikubli ko ang kalungkutan ko lalo pa at hindi ko gaanong kapalagayang loob ang taong kausap o kasama ko. Mga taong kagaanan ko lang ng loob ang talagang nakakakita ng kalungkutan ko ng aktwal. Sabi nila ang taong masayahin ay natural na magaling magtago ng lungkot nila kaya siguro karamihan ng mga loko lokong tao eh mahilig sa poker face.

Kanina nyo pa nababasa ang entry na ito pero di ko binangit ang kulay na paborito ko noh? syempre ayoko ishare yun... pero sige ito ang clue hanapin nyo dito, nandyan lang sya.





Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik... God Bless!

Monday, April 15, 2013

Unan...

Check-up Time: 12:55am



Sa tuwing kailangan ko ng kasama at karamay,
hindi mo ipinagkait ang kabutihan mong taglay.
Sa tuwing lahat ng hinanakit ko ay sinisigaw,
iyong pinipigilan na ito ay umalingaw-ngaw.


Mainit man o malamig ang panahon,
lagi kang nandyan galit man ako o mahinahon.
Sa bawat sekretong sayo ay aking ibinulalas,
nanatili itong sekreto, sekreto na hanggang wakas.


Kapag ikaw ay aking yakap,
nadarama ko ay kapayapaan.
Kapag katabi ka sa paghiga,
nadarama ko ang katahimikan.


Lungkot ko at luha iyong pinapawi,
sayo ang nararamdaman ko ay hindi kinukubli.
Sa panahong ang lahat ay di ako naiintindihan,
ikaw lamang ang nagtiyaga na ako ay pakinggan.


Masayang mundo sabay nating nililikha,
magagandang alaala ang naiiwan sa aking gunita.
salamat sa bawat pagdamay mo kaibigan,
lagi kang nandyan at aking naaasahan.







☺☺☺☺☺☺


Gustohin ko mang yakapin pa ng matagal ang unan ko ay di pwede, kailangan kong pumunta sa hospital sa Paranaque para ipatingin ang mata ko na tumataas na ang grado. Buti pa ang grado ng mata ko tumataas ang height ko hindi.... Packing tape na buhay ito :D

Gusto ko po na pasalamatan ang mga patuloy na sumusuporta sa kalokohan ni Maestro nyahahaha...

Jondmur - Kaibigan pasensya na di ko pa rin natatapos yung hinihingi mo, Ethnic ang eskedyul ng tarabho ahaha kadalasan kopi breyk at lants ko lang nagagawang mag basa at magcoments sa blog..

Bago ko po tapusin ang entry na ito ay nais ko po na pasalamatan din si Marge ng Coffeehan, Piso Fashion at Love Letters From Midori, sa pag sunod sa walang kapararakan, walang kabuhay buhay, at walang kasusta-sustansyang page ko ahahahaha. Maraming salamat po... Bigyan si Marge ng Jacket at CD nyahahaha. Diyok lang Marge ka baka singilin mo talaga ako ahahahaha.



Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik... God Bless!

Thursday, April 11, 2013

the Chrewt!

Check-up Time: 3:45pm

Aloha-mora mga katambay!

Tahimik ang hapon ko kahapon habang pa ba-browse browse ako ng nyorn mga pages ng mga bloggers tapos biglang bukasan ni Paping ang telibisyon at inilagay sa programa nila Nico Baua at ni Karen Davila. Programa sa radyo ito pero sosyal, pinapalabas sa keybol ng live. Mainit ang diskusyon nila tungkol sa ginawa ng mga instik sa nasasakupan ng tubataha reef. Pinagtatalunan nila ang mga dapat gawin ng hindi na gawin ng mga intsik ang ginawa nilang pag pasok sa vicinity ng Tubataha rape reef.


Yeast! chrew na chrew! pumasok ang isang pisying besel ng mga intsik sa tubataha. Kung ano man ang dahilan nila eh alam naman natin na mukhang manggugulang nanaman sila tulad ng ginawa nila sa isa pang isla na hinaharbat nila sa atin. Kung ang mga kano ay magbabayad sa danyos na ginawa nila sa Tubataha ang mga intsik naman ay nevah!!! as in NEVAH!!!! kahit na ata mangamatay tayo di nila gagawin yun.... ay huweyt lang! ang sabi ng mga anchor ng naturang programa ay nagbigay daw sila ng suhol... yep tama ako ng narining nag-offer sila ng suhol.


Dito na ako rumeact ng harsh! "ang lagay ganun na lang? suhol suhol ang labanan para manahimik tayo??? eh ibalik kaya muna nila yung hinarbat nila na isla" sabi kong ganyan! na medyo mainit ang ulo. Tapos biglang "blah blah blah, mga pisti sila... chuchu caracas, mga damunyu sila... chenes kemeruth barurut, you mother father you!!". ganyan ang litanya ko. Oh naintindihan nyo ba? sympre hindi di ba? ok lang yun we're on the same page charut!


Habang nag huhurumentado ako ay bigla na lang akong hinawakan ni papa sa magkabilang kamay. Nagulat naman ako sa ngyari kaya nakatingin ako sa kanya ng may pagtataka.


"Panahon na siguro para malaman mo, may isang bagay ka na hindi alam tungkol sayo" sabi ni Paping.


Ako naman ay nagtaka lalo sa sinabi nya. Mukhang di ko magugustuhan ang mga susunod na sasabihin nya. Umiwas ako ng tingin kay Paping...


"Ano naman yang drama na yan Pa, wag nyo na po ako echusin, kumain na tayo ng meryenda" pag-iwas ko sa tafik.


"Alam mo may dahilan kung bakit ganyan ang mata mo" biglang kabig ni Paping...


Gusto kong takpan ang tenga ko. Di ko ata lalo kakayanin ang mga susunod nyang sasabihin. Baka ikamatay ko ang mga malalaman ko. Tumayo ako at lumipat ng upuan, pero persistent si Paping. Sinundan ako ng beri beri quick.


"Alam mo, hindi kami nagkulang ng pagmamahal sayo. hindi ka namin tinuring na ibang tao" yan ang mga sinabi ni Paping. Hindi ko na kinakaya ang mga sinabi ni Paping sa akin. Naiinis na ako sa kanya ng very hard.


Tumingin ako sa kanya na medyo watery na ang mata ko. Ang sumunod na ng yari di ko na kaya, dahil sa tama ang nararamdaman kong sasabihin nya...


"Hindi ka namin tunay na anak, yan ang rason kung bakit parang wala kang hawig sa 2 mong kapatid" yan ang sabi ni Paping sa akin..


Nag-unahan sa pagpatak ang mga luha ko, parang may fun run lang sila at ang gusto eh marating ang finish line. Umiiyak lang ako ng umiiyak, hanggang sa....

























magising ang diwa ko, imagination ko lang pala yun. kala nyo totoo noh? ako din muntik na ako maniwala. nyarut lang!









Ang totoo na nangyari eh sabi ni Paping na may dugo daw kaming intsik. Isang babaeng choinis daw ang nakapagasawa ng Pinoy ang anak nila ay naging magulang ni lolo so ibig sabihin.... Ayon sa aking teyorya at base sa aking kalkulasyon pang 5 henerasyon na ang dugong land of the sleeping giant na dumadaloy sa aking uber petite na katawan ganyan.


Kaya pala ganun na lang katamad bumuka yung talukap ng mata ko parang si....







(Chico Loco ng Yes FM, ang isa na sa mga paborito ko ng DJ)



Super deny pa ako na di ako intsik kapag may nagtatanong sa akin kaya nga minsan ko ng nilagay sa friendster noong kasagsagan pa niya ang:


" I'm not Chinese, God just created my eyes as one of his beautiful master piece" TYARUT LANG!






ito talaga ang sinabi ko


" I'm not Chinese. I was born with chinky eyes, thats all "


Hinalukay ko mga photo album namin kung may natatago kaming pikchur ni lolo kaso unfortunately eh wala kaming natago kaya wala kong maipost.

Pero kahit na malaman kong may dugong intsik ako... Hindi ko pa rin gusto mga ginagawa nila sa mga Pilipino! Pilipino pa rin ako at mananatiling pusong Pinoy...



Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik... God Bless!

Monday, April 8, 2013

paramdam din!

Check-up Time: 2:27pm


Aloha-mora mga tambay sa asylum!

Paramdam paramdam din pag may time, ang siste ba eh patay lang ang nagpaparamdam? Di kaya noh lewlz :D

Ang init ng panahon isn't it pusit? 

Dahil dyan napapanahon nanaman ang mga kung ano anong pamatid uhaw at pamatid init na paninda tulad ng halo halo na 5 lang ang sangkap at mala-ice berg ang tipak ng yelo sa laki, ang saging con yelo na ubod ng tabang (ipinilit lang), tinimplang tetra pack ng juice at ginawang ice candy, at samalamig na kulang sa arnibal.


Speakers of napapanahon, eh naglipana ata sa fesbuk ang gwiyomi kemeruth barurot na craze, naumay na ata sila sa cha cha at sa harlem shake.. totoo vah?









Eh sa mga bloggers naman eh may nauuso din ata... vblog ba yun? ahaha yung totoo lang di ko pa nakikita ang vblog ni Mecoy at ni Lala pero yung kay Josh napanood ko na... beri onezt ako noh? charut!

Eh syempre bilang curious lang din naman eh nakagawa din naman ako sa utos ni Maestro sa akin ahaha. Nagpapasalamat kasi sya sa walang sawang pagtambay at pakikikanta ni Lalah, Fiel-kun, Arvin, Empi at ni Jondmur sa silid nya kaya binraso nya ako ng wagas. Salamat daw  Fiel at Lalah sa wagas at walang kaabog-abog na pagppromote.

Halos 15 times ako nagrecord dahil bukod sa di nakikisama ang internet connection eh malaki naman ang size ng file pagnarerecord sa digicam, di kinakaya ng blogspot. Kahit na dragon voice eh nagpumilit pa rin ako kaya nangamatay ang lalamunan ko sa ginawa ko nyahahahaha.

Mecoy, yung totoo? yung tyan ko ang nakita mo at akala mo ay may beltbag noh kaya mo sinabi na belter ako? nyahaha di kaya, Charotero ka ahahaha. diyowks lungs :D

Stable na pala yung isang bagay na ginagawa ko habang yung isa naman at hinihintay ko pa magmaterialize.  Sinasabaw pa ako sa ginagawa kong kwento na hinihingi ng isang kaibigan dami ko pang gagawin pero kulang ang oras. pero kaya yan!!! Sabi nga nila daig ng masipag, madapa malalim hanudaw? ahaha basta yun na yun. Natuyo yung utak ko sa init eh, ayyyyyy wala nga pala ako utak. Again di sya applicable sa akin. Basta natuyuan ako, ganyan na lang ahahaha.

Di ko alam kung paano ko tatapusin ang walang kasusta-sustansya at walang kabuhay-buhay na entry na ito... siguro tulad na lang ng kanta ng parokya ni edgar...


Bigla na lang mawawala.....................................................................................



 Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik... God Bless!

Tuesday, April 2, 2013

Not bcoz of April 1

Check-up Time: 4:58am







Pebrero ng taong ito ng maisip ko na ihinto muna ang opersayon ng asylum ko...

Isa, dalawang buwan? di ko alam kung gaano katagal akong magpapahinga sa pagsubo ng minsan ay seryoso (minsan lang) at kadalasan ay puno ng kalokohang entry sa page na ito.

Hindi ko alam kung nasabi ko ang dahilan sa ibang malalapit na kaibigan sa modernong pagsususlat ang dahilan kung bakit dumating ako sa puntong ninais ko ang huminto sa pagsulat. Kung nasabi ko man, sana pakisekreto po (kilala nyo kung sino kayo) kung hindi naman. Yes! ligtas ako.

Sinabi ko noon na kapag natapos ko lang ang serye (kundiman) na ginawa ko ay hihinto na ako, pero sa hindi inaasahang kadahilanan ay humaba pa ang pananatili ko...

May tatlong bagay pa akong dapat gawin sa mundo ng pagsusulat, kapag natapos ko ito ay dito na ako magpapasya kung mananatili ako.

Hindi ang bagong pahina ko sa blogspot ang dahilan ng iniisip kong paghinto sa pagsususlat sa asylum, (gusto ko lang po na linawin ang bagay na ito) dahil bago pa man magkaroon ng music room ay plano ko na talaga ito.

Sa mga taong sumuporta at sobrang aktibo sa bagong pahina ko, nais kong ipabatid sa inyo na walang pagsidlan ang kaligayahan ko sa patuloy ninyong pagbisita, pakikipag kulitan at pakiki-awit kay Maestro kasama ang sidekick niyang si Walkman.




Mabuhay po kayong lahat at magandang umaga po.






PS -  Hindi din po ito sanhi ng April's fool. Hindi naman po biro ang sinabi ko sa taas...






Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik... God Bless!