Thursday, April 18, 2013

Kulay

Check-up Time: 3:47am

Hello Hello mga katambay!

Kamusta naman ang buhay buhay? syempre di ko naman malalaman yun agad agad dahil hindi naman chat ito para makasagot ka in pronto :P

Enough muna ako sa pagiging loko loko, minsan sumeryoso naman tayo, pagbigyan nyo na ako minsan lang naman.

Nung bata ka pa katambay, ano ang sinasagot mo sa tanong na "Ano ang paboritong kulay mo?". Ilang beses mo na ba sinulat sa slumbook ang sagot mo dyan? kasama ng who is your first kiss tapos isasagot mo parents kahit na may iba naman talaga.. choz!

Henny waste, alam nyo ba na ang paborito nating kulay ay nakabase din sa personalidad o sa katangian natin? Ito ay ayon lang sa mga chismis na narinig ko sa mga nagkukumpulang mga chismosa sa kanto namin.... Charut!

On the serious note, ito ay ayon sa mga tao na dalubhasa at patuloy sa pag-aaral ng sikolohikal na paguugali. Nakakatawa na nalaman ko na ang dahilan kung bakit ako ganito mag-isip o makaramdam sa isang bagay ay dahil na din sa impluwensya ng paboritong kulay ko.

" Feeling of calmness or serenity. sadness or aloofness. " iyan ang ilan sa mga katangian ng paboritong kulay ko. Mabilis sa amin ang makahanap ng kapayapaan kapag alam namin na secure kami, ngunit may mga pagkakataon na madali daw kaming malungkot, ito siguro ang dahilan kung bakit kapag pakiramdam ko ay magiging malungkot ako sa isang bagay ay automatiko na na umiiwas ako dito dahil sa medyo sensitive ako at madali kong maatract sa malungkot na vibes.

Ang paboritong kulay ko daw ay ang kulay na napagkakatiwalaan, totoo ang opinyon na ibibigay namin sa isang bagay at loyal. May ugali daw ang mga tao na mahilig sa kulay na gusto ko na may pagka-responsable (di ko alam kung totoo) di lang sa mga bagay na gusto naming gawin kundi maging sa bagay na tinanggap namin na gawin.

Ang sabi pa ay helper, rescuer at a friend in need daw kami. We are giver not a taker. We like to build strong trusting relationships and becomes deeply hurt if that trust is betrayed. hmmmmm, malapit sya sa katotohanan sa discription na ito promise.

Ang isa pang kinawindang ko ay ito - "Change is difficult for people who like this color. It is inflexible and when faced with a new or different idea, it considers it, analyzes it, thinks it over slowly and then tries to make it fit its own acceptable version of reality". Sa totoo lang ako yung tipo ng tao na pag na-set na ang isang plano ayoko ng binabago ang orihinal na napag-usapan dahil para sa akin, para ke ano pa ang nagplano kayo kung babaguhin rin pala. Pero kung wala naman akong magagawa ay kailangan ko nang matinding pag mi-mind set na mababago ang plano at kailangan ko i-anticipate ang mga bagay na maeencounter ko sa pagbabago ng plano. PAAAKKK! ibig sabihin isang malaking check ang discription na ito between the relationship of my fave color at personality.

Sabi pa nila na ang taong mahilig sa kulay na gusto ko ay may ugali na minsan ay gusto nila ang feeling na malungkot sila. Ang wierd noh? Siguro nga tama, bakit ko ba naisip yun? Base sa sarili kong ugali minsan kapag depress ako dun ko mas lalo na-pu-push ang sarili ko gawin ang isang bagay para ayusin ang pagkakamali ko, gawan ng solution ang problema ko, maghanap ng solustion para di na maulit ang depression ko, mga ganyan.

Isa pa, nasabi ko noon kay Arvin (di ko sure kung sya nga ahaha) na may mga tao na kapag lalong nasasaktan mas lalong tumatapang. Habang nalulungkot mas lalong lumalabas ang talento nila. Maaring sa pagsusulat o salita ko lang naipapahayag na malungkot ako pero hindi mo makikita o mararamdaman ang kalungkutan ko kung kasama mo ako dahil likas sa akin ang ikubli ko ang kalungkutan ko lalo pa at hindi ko gaanong kapalagayang loob ang taong kausap o kasama ko. Mga taong kagaanan ko lang ng loob ang talagang nakakakita ng kalungkutan ko ng aktwal. Sabi nila ang taong masayahin ay natural na magaling magtago ng lungkot nila kaya siguro karamihan ng mga loko lokong tao eh mahilig sa poker face.

Kanina nyo pa nababasa ang entry na ito pero di ko binangit ang kulay na paborito ko noh? syempre ayoko ishare yun... pero sige ito ang clue hanapin nyo dito, nandyan lang sya.





Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik... God Bless!

22 comments:

  1. Na challenge naman ako. Blue ba?

    ReplyDelete
  2. ano ba yan! challenging ang paghahanap ng kulay na paborito mo sa picture.. haha

    ReplyDelete
  3. tangerine gray with a touch of periwinkle orange mixed with soft shadow of black on a baby pink sun-kissed tan?

    ReplyDelete
  4. pagtapos kong mabasa tong blog mo hinanap ko agad yung meaning ng fave kong color haha!

    ReplyDelete
  5. Hindi ako masyadong mapag papaniwala sa meaning ng kulay na yan eh..
    kasi yung mga taong namemeet ko parang bihira lang ang nag mamatch and about your fave color...
    baka duguin ako sa kahahanap...hehehe
    red ba?!?

    ReplyDelete
  6. Waah! favorite color ko din yang Blue. At lahat nang nabanggit mo sa taas ay halos hawig din sa personality ko. Lalo na yung bandang dulo...

    Sabi nila ang taong masayahin ay natural na magaling magtago ng lungkot nila...
    - ehem ehem!

    ReplyDelete
  7. Mukhang wala sa picture ang fave color mo e hehe, gray kaya :D

    ReplyDelete
  8. blue nga malaman! haha well mukang contrast tayo kasi red ang akin

    ReplyDelete
  9. shades color sa akin.. kung hindi black, white.. hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahaha ang isa sa pinaka basic at universal color daw sabi nila :D

      Delete
  10. nung ako at bata pa... yellow yata ang fav kong kulay... ngayon naman medyo light blue...

    ito okay naman ang buhay buhay hehehe

    siguro blue din ang fav mong kulay... baka same tayo hehehe

    ReplyDelete
  11. akala ko ire-reveal muna ang answer, me clue pa pala. so color blue?

    ReplyDelete

hansaveh mo?