Monday, April 15, 2013

Unan...

Check-up Time: 12:55am



Sa tuwing kailangan ko ng kasama at karamay,
hindi mo ipinagkait ang kabutihan mong taglay.
Sa tuwing lahat ng hinanakit ko ay sinisigaw,
iyong pinipigilan na ito ay umalingaw-ngaw.


Mainit man o malamig ang panahon,
lagi kang nandyan galit man ako o mahinahon.
Sa bawat sekretong sayo ay aking ibinulalas,
nanatili itong sekreto, sekreto na hanggang wakas.


Kapag ikaw ay aking yakap,
nadarama ko ay kapayapaan.
Kapag katabi ka sa paghiga,
nadarama ko ang katahimikan.


Lungkot ko at luha iyong pinapawi,
sayo ang nararamdaman ko ay hindi kinukubli.
Sa panahong ang lahat ay di ako naiintindihan,
ikaw lamang ang nagtiyaga na ako ay pakinggan.


Masayang mundo sabay nating nililikha,
magagandang alaala ang naiiwan sa aking gunita.
salamat sa bawat pagdamay mo kaibigan,
lagi kang nandyan at aking naaasahan.







☺☺☺☺☺☺


Gustohin ko mang yakapin pa ng matagal ang unan ko ay di pwede, kailangan kong pumunta sa hospital sa Paranaque para ipatingin ang mata ko na tumataas na ang grado. Buti pa ang grado ng mata ko tumataas ang height ko hindi.... Packing tape na buhay ito :D

Gusto ko po na pasalamatan ang mga patuloy na sumusuporta sa kalokohan ni Maestro nyahahaha...

Jondmur - Kaibigan pasensya na di ko pa rin natatapos yung hinihingi mo, Ethnic ang eskedyul ng tarabho ahaha kadalasan kopi breyk at lants ko lang nagagawang mag basa at magcoments sa blog..

Bago ko po tapusin ang entry na ito ay nais ko po na pasalamatan din si Marge ng Coffeehan, Piso Fashion at Love Letters From Midori, sa pag sunod sa walang kapararakan, walang kabuhay buhay, at walang kasusta-sustansyang page ko ahahahaha. Maraming salamat po... Bigyan si Marge ng Jacket at CD nyahahaha. Diyok lang Marge ka baka singilin mo talaga ako ahahahaha.



Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik... God Bless!

16 comments:

  1. Oo nga no. Faithful ng unan. Lagi karamay:) galing talaga. Kahit unan nagawan ng tula:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hihihi Mommy Joy medyo wala kasing kalokohan na maisip kaya sumeseryoso muna. pero ang totoo ay talagang kinu-comfort po ako ni unan sa mga panahon ngayon :D

      Delete
  2. wow tapos ng Vlog poem ang trending naun haha
    may ipopost pa man din akong poem ko!
    haha
    anyways sana kayang sumagot ng unan or better yet kaya nyang tulungan tayop nu
    haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Uu nga eh, mas kaya ka pa yakapin ng unan ng walang pagdadalawang isip. Tanggap na tanggap ka ganyan :D

      Delete
  3. kawawang unan...i just realized na tama nga mas marami pang alam ang unan ko ng lahat lahat sa akin compared sa bestfriend ko...hehehe


    xx!

    ReplyDelete
  4. Napagdiskitahan mo ang unan ngayon.... anyway, mga simpleng bagay pero talagang may kabuluhan!
    Di talaga ako gaanong makatulog kapag walang unan.
    Of course with kumot. Perfect match. perfect companions...

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama ako nga di kontento ng isang unan 3 ang unan ko :D

      Delete
  5. Unan gives you a hell way of comfort man! you cry you laugh you always have that unan to cover your face also. the best is to hug it! i think this is my first time to visit your blog, i just got back into blogging man! more blogs!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yep you right, a different comfort from a thing that cant speak but witness everything in your life :D

      Delete
  6. Aww... sorry na late yata ako ng dating wahehehe :D

    Ganda naman ng tula at ang mata, ingatan! di ka na makaka pag adik pag nawala yan :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat, sa mga days ngayon ang unan pa rin ang kumocomfort sa akin :D

      Delete
  7. Next tula....kumot naman ha. :)

    Karamay ko ang unan.....

    ReplyDelete
  8. love ko ang unan ko.... hehehe


    galing naman... nakabuo mo ang entry na ito dahil sa unan.....

    musta na... ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ok lang naman ako :D uu medyo ibang klaseng comfort ang ibinibigay ng unan sa akin ngayon :D

      Delete

hansaveh mo?