Check-up Time: 3:54pm
Halu mga pasyente!
Haluuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuu!
HALUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUU!
Hihihi sinusubukan ko lang kung halayb kayo..
Panay panay ba ang post ko? naku sinusulit ko lang ang pahanon malay mo di na maulit hihihi.
So kamusta naman ang nagdaang Linggo? ako keri lungs tipikal na linggo, ganyan pero, di tungkol dyan ang ibabahagi ko.. alam nyo ba kung ano? Ito na nga... Last week eh pinabalik ako ng doctor sa mata na na-meet ko somewhere sa palengke sa taas ng Bicutan na bumibili ng walis tambo sa very fab nyang office para malaman ang kundisyon ng singkit kong mata hihihi.
Pang-labing apat ako sa pila, hagard mag hintay at napansin ko na parang 2 lang ang nakapila na wala sa bracket ng 50's ako saka si koyang barista ng nyorbaks. Feeling ko tuloy eh parang worst na yung case ng mata ko dahil sa isa lang ako sa mga isip bata na nakapila.
So heto na nga tinawag na ang batch namin... Parang star circle quest lang ang peg na mag au-audition. Pagpasok namin sa room kanya kayan kaming upo at lahat kinakabahan, naghahanda sa kanya kanyang talent. Parang its a do or die keme para lang makasama ka sa loob ng circle.... Quezon City Circle... Charut!
Tinawag na ni Doktora ang una sa batch namin... Tahimik ako kahabang bina-browse ko si Watson (ang bb ko) narinig ko na nastress si Doktora at pinagsasabihan ng pasyente... "Alam mo dapat nag punta ka agad dito para mapa-check yan, yada yada, chenes chenes, tignan mo, nagsugat ang mata mo kaya hirap ka makakita eh". Totoo ba yung narinig ko? nagsugat daw ang mata ng unang sumalang? medyo kinabahan ako kaya nag dasal ako na sana ok lang yung case ko.
Sumalang yung pangalawang pasyente.. Medyo nadagdagan ang stress ko, "Nakakaramdam ka na pala na medyo masakit ang ulo mo di ka nagpacheck agad. May ulcer na yung mata mo kemeruth baruruth dapat kinekeme acachuchu na yan chenelyn kung hindi wala ng gamit yung mata mo... di na rin sya makakakita" sabi ni doktora sa pasyente. Huh? may ulcer? yung mata may ulcer? baka di na makakita pag ganun? mas lalo ako natakot... nag dasal ako at nanawagan sa 5 santo na sana ay ok lang yung kalagayan ng mata ko..
Sumalang si Koyang barista ng nyorbaks, pagtapos nya ako na... Kakaiba lalo ang kaba ko... "6 months mo na nararamdaman yan ngayon mo lang dinala dito yan? Ang worst na ng lagay ng mata mo, kaya ganyan sya kasi namamaga na yung mga ugat nya at nagsanga na yung ugat nya. Kung nung una pa lang dinala mo sya dito, magagawan pa natin ng paraan yan. Pero ngayon kahit irecomend ko sa iyo ang Laser Surgery, I cannot guarantee na magiging ok yang mata mo. Worst is, kapag nakaramdam ka ang sobrang sakit walang ibang option kung di i-remove ang mata mo" ang harsh na sabi ni doktora sa koyang nauna sa akin... Ano daw? i-removed ang mata? bakit? mas tumatagal mas lumalala ang kundisyon, mas lumalala ang sinasabi ni doktora. Mas lalo ako natakot, kung kanina eh 5 Santo lang ang tinatawag ko ngayon ay lahat na, para akong natatae sa kaba ng mga oras na yun.
Tinawag na ang pangalan ko... Kahit na ika-ika ako maglakad hindi dahil sa suot kong shoes na 5 inches ang hills, kundi dahil sa takot! chars lungs... Seryoso na nininerbiyos ako sa takot. Pinaupo ako ni doktora sa upuan kaharap nya. "Hi, how can I help you?" bungad nya na nakangiti. Ngumiti din ako ng biglang nilabas ni doktora ang isang scalpel at binuklat ang mata ko kinuha nya ito at nilagay sa examination table, pinaglaruan at pinukpok ng maso, kaya ito ako ngayon.....
Chars lang ulit hihihi, kayo talaga di kayo mabiro...
So heto na nga, sinabi ko ang kondisyon ng mata ko, ang trabaho ko, ang ginagawa ko. Sabi ko kay doktora na di ko goal bumalik ng normal vision ang mata ko ang gusto ko lang ay kahit na ma-correct ang server case ng astigmatism ko at bumaba lang ng kaunti ang grado ng mata ko. Ngumiti si doktora sa akin, "Ito ang magandang case ko ngayong araw" kuda nyang ganyan. Magagawan natin ng paraan yan. Buti at pumunta ka dito maaga pa lang para habang di pa worst ang sitwasyon eh magagawan na natin ng paraan, hindi katulad ng mga nauna sa yo" sa sinabi ni doktora napabirit ako ng linyang "there's a light in me that shines brightly" yang line na yan lang... chars lang for the fourth time.
Natuwa ako sa sinabi nya. Pinapatakan nya sa assistant nya ang mata ko ng kung anong gamot para macheck ang pressure ng mata ko. After nya ma check ng pressure ng mata ko ay binigyan nya ako nito...
Isang Lasik Suitability Test. Gusto nya i-check ang mata ko kung ano ang treatment or procedure ang gagawin sa akin para ma-correct ang deperensya ng mata ko... Mas nawindang ako sa sinabi nya na pumunta daw ako sa araw na nakaduty sya sa Asian Hospital dahil sya daw mismo ang mag co-conduct ng test. Ang sunod nyang sinabi ang lubos kong kinatuwa. "The test is free, dahil ako ang magche-check", Ho em geee! like ho my Gowd! for free talaga? parang gusto ko i-Dawn Zulueta ang mga mujay na pasyente ni doktora...
Sa Sabado ang sched ng test, sana naman maging ok ang test at di delicate procedure ang maging recommendation nila.
Matapos ng check up, Pumunta ako ng school para i-confirm ang bali-balita na pasok ako sa list ng mga incoming students sa taong 2013.
Nakipag balyahan ako sa mga kiddie meals para lang makita ko ang pangalan ko sa result board.
Paaaaaaak! lagpas 300 ang mga nakapasa na students na nagsisimula sa letter "P" ang surname. Pero ma tyaga ko hinanap ang pangalan ko hanggang sa wakas, ako ay napa...
Napa-gwiyomi ulit ako sa tuwa habang ang tugtog ay gangnam style hihihi. Charuz lang. Its so chrew! pasok ang name ko sa mga candidate ng next Pilipinas Got Talent... Keme lang po, Pasado ako sa entrance exam.
Sa totoo lang hindi ko ito expected dahil sa 2 days bago ang examination day eh nag punta pa ako ng Antipolo para lang mag Korean eat-all-you can at a day bago ang Exam naman ay Nakipag meet ako kay Mommy Joy kasama ng ibang mga blogger sa Megamall. Walang man lang kahit 1 hour refresher keme, biglang salang na lang agad.
During the exam nga eh pakiramdam ko extension ng Laguna de bay ang kili-kili ko dahil so awesome kung jabarin ako, yung medyas ko literal na basa ng pawis kaya pinagtatawanan ako ni Bunso. Matagal na kasi akong hindi nakakapag-aral at malay ko na ba kung ano ang tinuturo sa high school na pwede i-apply sa entrance exam ng mga university.
Yung kasabay nga namin sa examination room eh nag-ala pitch perfect dahil sumuka sya ng wagas during examination dahil sa sobrang kaba. Oh di ba mas eww naman yun? hihihi.
Sa wakas ay makakapag enroll na din ako sa may dahil nakuha ko na ang aking...
Enrollment Slip (daw) |
Gamitin daw namin ang slip na yan para makapag-enroll kahit na result slip sya ng exam ahahaha, epik! Kaya naman dapat ko ng pag-aralan ang syllabus ko nga malaman ko kung ano ang mga subject ko na may pre-requisite para naman di ako mapag-iwanan.
Sa ngayon ini-enjoy ko ang feeling na babalik ako sa pagka-estudyante at ang idea na magagawan ng solusyon ang problema ko sa mata.
Sana din ay may magandang bagay na nangyari sa inyo ngayong araw na ito...
Till next issue po..
Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik... God Bless!
Wahahaha akala ko naman minurder na ni doktora ang eyeballs mo :D
ReplyDeleteButi naman at malulunasan pa yang mga mata mo. Naku usapang mata, hintayin mo ang kowments ni Lala nyahahaha!
And congrats Rix! mararanasan mo na ulit ang buhay estudyante! magdala ka nung lapis na kulay itim, yung mataba, tapos pad paper na malalaki ung laktaw ng linya na black and red, ganyan! hahaha. at ang raincoat at lunch box wag kalimutan!
Salamat Fiel sobra talaga ang kaba ko kanina. Ibang level. kaya nga ngayon eh paghahandaan ko ang magiging procedure nila after the test.
Deleteyung rain coat dapat translucent kasi pag hindi, hindi kyut ahahaha. dapat bibili ka din ng kisses lalagay mo sa bulak kasi mangangank daw ahahahaha.
Hahahaha! dapat ung kisses nakalagay sa box ng posporo ganyan!
DeleteTapos pag magdadala ka ng teks, holen or goma sa skul, itago mo ng maigi. Baka makita ng boy scouts ma kumpiska pa sayo XD
Tipid tipid din sa pag gastos ha, lalo na sa uwian. Marami pa naman tinda sa labasan na manggang may bagoong saka ung singkamas. Tapos meron pa nung palabunutan na may makukulay na bibe ang premyo hahahaha!
Ginawa talagang elementary eh noh? XD
True, tapos dapat behave ka kasi ililista ka sa noisy. pag nalista ka kung ilang guhit ganun din kadaming piso ang katumbas.
DeleteTapos tatayo kayo pag may pumunta sa classroom nyo sasabihin nyo, "good morning visitors, mabuhay!" ahahaha
Kung ako din ang nakarinig na pinapagalitan ng doktor yung mga naunang pasyente baka nag-ala Pitch Perfect na ko sa suka sa sobrang kaba. But I am glad na ok naman pala, at buti na lang naagapan mo ang pacheck up. Congrats din at napasa mo ang exam :)
ReplyDeleteSalamat po meym :D
Deletepero bago daw po sumuka kakanta daw po muna ng i saw the sign hihihi
Ayan, series of good news ngayong linggo! welcome back to the academe!
ReplyDeletethanks teacher kat nyahahaha
DeleteYap gud luck sa pag babalik
DeleteSalamat din Jei Son :D
DeleteCongrats Rix. Ingatan ang mata ah :P
ReplyDeleteSalamat ikaw din kaya nakasalamin ka nga eh ahaha.
DeleteYour a change person na ha...
biruin mo singkit ka na nga tinablan pa din? buti naman atmagigin okay na yan! pag pray mo lang
ReplyDeleteanyways aba aba congrats naman rix i vlog na yan
Ahaha uu adik kasi sa video games at online games kaya ang resulta dyarannnnnnnnnnn malabong mata ahahaha.
Deleteahaha wag na maumay na kayo sa vblog ko :D
ingatan ang mata... sana umokey na yan... at gumaling na..... dati nagpa check up din ako sa mata....
ReplyDeleteGoodluck sa balik eskwela....
Salamat Jon ehehe. Dahil sa ok naman ang sinabi ni Dok eh medyo magaan na ang pakiramdam ko...
DeleteGrabe kaka smile ko sa experience mo sa klinika. Buti naman at di acute ang mata mo, cute lang:)
ReplyDeleteAnyway, ano aaralin mo uli? Good luck ha. Bata ka pa naman. Alam mo ko 40 years old bago naka graduate ng college:)
Salamat Mommy Joy,
DeletePsychology na po. sabi ni Papa yun na daw po ang ipursue ko :D
Ok lang po yun ang importante na nakatapos po tayo :D
Parang harsh naman si Doc sa Pasyente nya hahaha...
ReplyDeleteUu nga pero sabi nya naman na kaya daw po sya ganun kasi naghihinayang sya sa mga mata ng pasyente :D
Deleteakala ko babanatan ka rin ni Doktora ng kung ano ano para mastress ka lalo. hahaha!
ReplyDeleteUy! Student na! Congrats! :D
hehehehe hooooooooooooooyyyyyyyyyyy empi kamusta na ang tahimik mo...
DeleteTenchu
mabuti naman at okay ang mata mo..medyo harsh nga ang mga doctor sa mga pasyenteng hindi agad nagpapatingin kung hindi malala.
ReplyDeleteAt good luck and God bless sa student life mo :)
uu nga eh isang magandang balita nga yun :D
Deletekinakabahan nga ako di ko :D
grabeng doctor naman yun. pinagagalitan ang pasyente. pero im glad okay lang ang case ng mata mo. sana nga ma repair to normal vision yan eh. at goodluck sa schooling rix
ReplyDeleteUu nga inamin nya kasi na nanghihinayang sya sa mga cases ng mga mata na sana eh ok pa pero late nag pa check...
DeleteTenchu... hoksayted nga eko :D
nakakatakot na DOki ata yun...
ReplyDeleteTerror na doktor ahahahaha
DeleteYahoo! excited at happy ako for you at matre-treat ang mata mo :) Sana simple lang ang procedure :)
ReplyDeleteAt perfect yang pag linaw ng mata mo sa pagbabalik student mo! saya lungs! Good luck sa pag baback to school :)
Sana nga Zai. sana di feel ni doc na murder-in ang mata ko :D
DeleteUu nga backt to clear vision ulit.
congrats naman dyan rix....first sa mata atleast may lunas pa...sana eh ma agapan ang pagka singkit mo..hehehe
ReplyDeletexx!
ehehe uu nga eh :D ang goal ni Doc bago mag-2014 wala na ako eye glasses.
DeleteCongrats sa mata mo at sa pagpasa mo. Ikaw na! Dapat kang magcelebrate para tuloy tuloy ang blessings. Isama mo kami sa celebration.
ReplyDelete:D nyahaha naku sa graduation na (kung aabot) para bonggang bongga :D
DeleteYun eh. Dapat maaga talaga ang pagpunta sa doctor.
ReplyDeleteCongrats ser at magaaral ka ulet.
Salamat Se Gord. kay tagal mong nawala babalik ka rin :D nyahahaha
DeleteCongrats! sana tuloy tuloy na! God Bless!
ReplyDelete