Check-up Time: 7:23pm
Aloha-Mora mga tambay sa asylum ko!
Haluuuuuuu! Haluuuu! Haluuu!
Ay nandyan pala kayo, nakatalikod kasi ako ahahahahaha.
Kamusta naman? ako eto pata pa ang katawan ko dahil sa pagod ko sa vacay ko sa summer capital of the Philippines, sa city of pines saan pa nga ba eh di sa Baguio. Pinahulaan ko po sa inyo yun kaso lang itong si Jun ng Life and Spice eh lakas maka spoiler kaurat di ba? chars lang Jun. Moving on and on and on ano pa nga ba ang gagawin ko edi mag kwento ng lakad ko... so eto na nga...
Amaze ako sa view nung papunta pa lang ako sa Baguio kaya naman kahit na mukang magkakapigsa na ang pwet ko sa kakaupo eh deadma lang.
|
Medyo maulan sa Baguio nung dumating ako |
Dumating ako ng Baguio ng alas-kwatro ng hapon, buti na lang ay nakaabang na ang tutuluyan ko. Mabait at very accomodating naman si kuya Paul na nag-assist sa akin at mura nyang ibinigay ang room kung saan ako nag stay.
Pagkatapos ko ilapag ang gamit ko ay inikot ko muna ang buong bahay at tinignan ang view sa bintana. Kitang kita ko ang Microtel sa silid ko. Matapos kong mag hilamos ay eto na sinimulan ko nang mag-ikot sa city of pines. Dumaan muna ako ng SM Baguio dahil naalala ko na di ko nahiram ang sandals ni Paping na dapat sana ay gagamitin ko. Bumili na din ako ng sabon, shampoo, toothpaste at wet tissue dahil ina-anticipate ko na ang mga lugar na maputik.
|
See, Medyo madilim di ba? makulimlim kasi eh |
Vungga ang SM Baguio, bakit? eh sa nabonggahan ako eh walang basagan ng trip, charut! Totoo nga na ito lang ang SM branch na hindi aircon pwera na lang kung papasok ka sa mga establishment sa loob nito. After ko pumunta ng SM ay naglakadlakad ako sa Session Road tinignan ko ang street life dito, walang pinagkaiba sa Manila busy din at trending na ang lahat ng tao eh puro may manggas na mahaba ang suot. Sa paglalakad ko ay naisip ko na malapit lang ang Baguio Cathedral sa lugar kaya naman sinubukan ko syang puntahan.
Nakakatawa dahil sumuot ako sa isang street kung saan ang dulo nito ay natumbok ko ang PWU at ang Baguio University, lumakad ako pa kanan sa kalye ng UB at nakita ko naman ang iba pang mga paaralan sa lugar. Hmmmmm mukang ito ang U belt nila dito. Hindi ko alam kung nawawala na ako dahil sa medyo wierd na ang lugar kung saan ako, kaya minabuti ko ng magtanong. Tama naman pala ako sa tinatahak ko dahil sabi ng kuyang napagtanungan ko eh pag sinundan ko ang kalsada na nilalakaran ko ay matutuntun ko din ang daan pa tungo sa liwanag... chars! sa simbahan na hinahanap ko...
Sarado ang Cathedral ng marating ko sya, natural di naman araw ng pangilin kaya naman di ko na pinwersa makapasok nagpikture na lang ako sa labas. Effort ang post ko-kuha ko peg dahil ako lang mag-isa kaya naman nakiusap ako sa mga estudyante na nasa paligid kung pwede nila ako kunan. Di ako satisfied pero pewde na din.
|
Salamat sa mga studyante doon may picture ako sa Baguio Cathedral
|
Matapos noon ay nakaramdam na ako ng gutom, naalala ko na hamburger lang pala ang kinain ko sa byahe kaya naman naghanap ako ng makakainan. Ang bagsak ko ay sa Pizza Volante. Ilang minuto din ako nag hanap ng oorderin hanggang sa nag settle ako sa chili con carne pasta at vegetarian dream pizza teka may kulang wala pa akong panulak. Ayaw ko ng strawberry kasi alam ko na mas maraming fudams na strawberry akong maeencounter at dahil fruits ang peg na gusto ko eh nakakita ako ng saging na flavor na beverage so sabi ko kay ate na bigayan ako ng banana milkshake. O di ba nga ordinaryo? ahahaha.
|
Syempre, palalagpasin ba ang moment na ito? Umiinstagram din dahil may time |
Masarap ang pasta nila, sapat ang anghang para sa akin na ng mga panahon na iyon ay panay ang pagtagas ng sipon ko sa lamig. Medyo wierd nga lang dahil sa nakalagay ang chili con sa pasta. Ang pizza nila ay kakaiba din dahil sa puro gulay ang laman, natutuwa ka dahil sa sobrang soft ng crust nya eh nag be-blend ang lasa ng mga gulay, perfect talaga sa mga vegetarian at mukang simple pang gawin kahit sa bahay I definetely recommend this to all of my friends.. master chef? ahahaha basta kasi masarap sya.
Medyo maaga ako umuwi ng bahay dahil alam kong magiging ethnic ang skedyul ko, ethnic talaga? ahaha.
Alas-singko ng umaga ng maggayak ako para sa day 2 ng Baguio tour ko, ganda pakinggan parang reality show lang ahahaha. So eto na nga, first stuff..... stuff toy! chars ulit, ang unang lugar na pinuntahan ko ay ang Botanical garden, Nagpakuha ako sa dalawang hippy na igorot doon. Bakit hippy? eh sila pa ang nauna magpost ng japan japan sa akin eh ahahaha.
|
Solowista lang ang peg ehehe. |
|
Sa Botanical Garden, nakita nyo sila lolo at lolang Igorot, di ba? japan japan!!! |
|
Sa mini amphitheater nila, liberated si ate kaya hayaan na sya ok? ehehe |
|
Picture picture din sa mga bulaklak na nandun :D
|
Sa Botanical garden ako nagpagawa ng necklace na may naka engrave na name ko at doon din ako bumili ng knitted na sweater. After ng konti pang piktiyur piktiyur, walkaton naman ako ng Wright Park, alam ko malapit na ako sa riding kineme place dahil medyo malayo pa lang eh amoy erna na ng mga yokabey. I came closer to meet them kahit na mas matatapang pa sa mga katipunero ang mga amoy nila. Nagulat ng ako dahil ang endorser nila ay si.....
|
Tumpak! si Diyalibi ang endorser nila. Idol ng horsie na ito ang current judge ng AI... walang iba, si Nicky Minaj ahaha |
|
Sa paglalakad ko sa park nakita ko itong lugar na ito, na curious tuloy ako... lahat ng pagkain dito gawa sa ketchup?
|
Mabilis ang mga ginagawa kong pagkikikilos dahil sa 7:43 pa lang eh on my way na ako sa 3rd destination ko, ang final destination.... shemay hindi maaari knock on wood.. sa Mines View Park ang sunod kong pinuntahan. Pagdating doon eh sangkaterba ang mga koreano doon at mga tropa ng mga bakulaw na lalake na parang trip na mag inuman doon pero deadma sa earth di sila ang ipinunta ko dun kundi ang view. Una kong nakita ang ang malaking dog na si Boomer at dahil na aliw ako sa kanya eh nag pa-piktyure ako sa kanya kahit naka giwaymi hihihi.
|
Ang picture namin ni Boomer at ang pag-e-emote ko habang tinatanaw ang nature, ganyan.... |
|
lumabas at sumampa pa ako sa bakod para lang kumuha ng pic, yun pala may mas effortless na spot para kunan yan.
|
Since malapit lang ang Good Shepherd eh nag catwalk na ako doon ng wagas, so ito na pag dating doon eh nakabili ako ng ube jam ng mabilisan dahil sa konti pa lang ang nakapila. Di ako nakabili ng alamid coffee sayang nawala kasi sa isip ko di sana nakatikim na din ako ng kape na gawa sa poop ng alamid nyahahaha.
Henny waste let move on na from there sakay ako ng taxi papuntang Camp John Hay nadaanan ko ang The Mansion pero di na ako nagpababa mukang haggard kasi. Bukod sa madaming tao eh di ka naman makakapasok, sa labas lang so sayang oras ang nasa isip ko. Nung binabaybay ko ang Camp wala kong nakita kundi puro Koreano na nag-go-golf, naisip ko tuloy kung wala bang golf course sa Korea kaya dito pa sila dumadayo, syempre keme lang! Bumaba ako sa Chocolate Baterol, tinulunagn ko sila ate magbate.... ng chocolate kayo naman. Tinikman ko ang kanilang classic na chocolate. Hindi na ako umorder ng food dahil sa di pa naman ako nagugutom, at mukang struggle sa akin ang mag lakwatsa ng mabigat sang tyan.
|
Right: The Manor Left: Traditional Chocolate Baterol |
Mainit ang araw na iyon sa camp kaya parang tinamad na akong maglakwatsa kaya naman nagpahatid na lang ako sa taxi sa Panagbenga park at nakipaglaro sa mga butterfly doon. Hinahanap ko ang cemetery of negativism pero dahil sa mali pala ako ng lugar na napuntahan ang ending eh nagpahatid na lang ako sa PMA.
|
Spead you wing and prepare to fly... yan kanta kanta ako ng ganyan habang pumipicture sa mga yan |
Ang adventure ko sa PMA ang pinakanakakatwa, Paglapit ko pa lang sa gate ng kampo eh nakalagay agad "NO SLIPPERS ALLOWED" eh naka tsinelas ako dahil ayaw ko mahaggard ng harsh ang paa ko. Ang ginawa ko, May nakita akong path way papunta sa taas ng unang HQ sa labas inakyat ko ito kahit nakakahingal pagdating ko sa taas ay isa palang elementary school ito sa loob ng PMA nag lakad lakad ako doon as if di ko alam na bawal ang pangyapak ko.
Narating ko ang lugar kung saan makikita ang mga armas at sasakyan na ginamit ng mga sundalo noong world war II, ilang kapilya din ang nakita ko sa loob ng kampo, nakita ang baraks ng mga studyante at ng marating ko ang grandstand kung saan ginagawa ang lahat ng graduation ng mga magaaral ay nag desisyon na ako na ibang lugar naman ang puntahan ko. Sa PMA ako halos nagtagal dahil alas tres na ng hapon ng matapos ang pamamasyal ko.
|
Thank you Korean tourist for the pictures ahahahaha. |
|
Sa loob pa rin ng PMA ito |
Dahil sa tingin ko ay maaga pa naman ay nag punta ako sa Burnham park para maglibot. Kumain ng mga street foods at pinanood ang nag iiskate, mga nagbibisikleta at mga namamangka sa man made lake kineme doon. Alas syete na ako ng makauwi sa bahay nag pahinga ako ng kaunti ay nag punta sa Ebai's para tikman ang kanilang carrot cake. Bonnga ng cake nila dahil ng tikman ko ito ay parang master chef nanaman ang peg ko. Masarap at moist ang cake na ito although medyo matamis ito sa panlasa ko medyo nasanay kasi ako na ang carrot cake na nakain ko ay medyo maasim dahil sa cream cheese. Pero iba ang carrot cake na ito at nagustohan ko medyo wierd lang ang inumin na naorder ko, lemon grass tea. Pakiramdam ko ay umiinom ako ng shake na andoks dahil sa ang after taste nya ay ang lasa ng manok sa andoks.
Linggo, huling araw ko sa Baguio unang lugar na tinungo ko ay ang Lourdes Groto, nakakatawa dahil lahat na ata ng tiyabi sa Baguio eh nag ca-cardio exercise dito ako na lang ang kulang ahaha matapos ko marating ang taas nya ay nag sindi ako ng kandila at nag dasal, nag pasalamat sa biyaya bago tuluyang lisanin ang lugar. Sunod kung pinuntahan ang Tam-Awan Village. Walang tao sa front desk dapat ay may bayad ang entrance pero nakapasok ako ng di nakakapagbayad. Ni hindi din ako siningil noong narating ko ang cafe nila. Nawierdan ako sa mga arts, wood carving at iba ang mga items na nasa tindahan ewan ko basta yun ang pakiramdam ko. Paglabas ng tindahan ay sinimulan ko ng akyatin at ikutin ang buong lugar. Pakiramdam ko sa lugar ay parang Indiana Jones / Tomb Rider / Tarzan / kahit anong palabas na may tribo tribo ang tema na parang pag nagkamali ako ng hakbang eh bigalang lalabas ang mga katutubo at igagapos ako sa isang kawayan para i-litson pero teka di pwede yun, walang apple... charot! Nagpunta ako ng sky garden sa totoo lang nakakahingal at nakakatakot dahil mag isa lang ako na bumabaybay noon isipin mo na lang ang pakiramdam ang pumunta ka sa masukal na lugar ng mag isa.
|
Pumipray din naman si Rix pag may time ahahaha. |
|
Tam-Awan Village |
|
trail papunta sa Sky Garden |
|
yung mga wood carvings keme nila na medyo na wierdan ako at ang dream catcher, dream catcher come rescue me chaut! |
Nang makababa ako ng Tam-Awan eh medyo na eksayt na ako dahil ang huling lugar na tatapos sa aking pamamasyal sa Baguio ay ang Strawberry Farm sa La Trinidad sa Benguet. Wala akong inaksayang panahon nag suot agad ako ng bota at kumuha ng basket kahit medyo mahal ang strawberry picking na 500 ang isang kilo ng strawberry deadma for the sake of maexperience ko lang ang mamitas ng mga prutas. Paglabas ng farm derecho naman ako sa palengke nila para bumili ng gulay. Na aliw ako sa mura ng gulay kaya naman bumili ako ng 1 kilong broccoli sa halangan 25 pesos, 1 kilong letsugas sa halangang 50 pesos, 1 kilong carrots sa halangang 35 pesos at mga maliliit na patatas sa halagang 3 for 50 pesos o di ba napaka mura, napamura nga ako, chars! ahahaha.
|
nakakatuwa ang expereince na ito... nakakaitim nga lang...
|
|
ang pinamalengke ko sa Benguet |
Sinabi ng barkada ko na wag ko palagpasin ang pagkain ng dirty ice cream sa strawberry farm kaya naman ng may nakita akong vendor ay naisipan kong bumili ng ice cream palapit pa lang ako eh natawa ako sa press release ni manong... "Sir bili na kayo pang instagram din ito" ahahaha alam na alam ni kuya ang balak ko ahaha.
Haggard na ako ng makauwi sa bahay pero since 3:40 pa ng hapon ang sched ng alis ng bus ko eh napagpasyahan ko na pumunta ulit ng Baguio Cathedral pagtapos ko madasal ay nagtanghalian ako sa Oh My Gulay at napa oh my gulay talaga ako sa ganda ng restaurant nila pakiramdam ko eh nasa game show na crystal maze ako na may iba-ibang dungeon ahahaha. Naenjoy ko ang kinain ko, Di mo pagsisisihan ang mga luto dito dahil sa nakakagana talaga silang tignan at tikman. Isa sa mga resaturant na dapat itry pag nasa Baguio.
|
dasal ulit, kuha ng picture.. may parang bamboo organ kineme ata ang church tulad sa Las Pinas... |
|
Ito na ata ang pinakamalaking at pinaka-cozy na restaurant na napuntahan ko |
|
Masarap mag-emote sa resto na ito kasi sobrang breezy at yan ang makikita mo sa bintana nila... |
Marami pa akong mga lugar na di na bisita sa Baguio kaya naman pakiramdam ko ay babalik pa ako doon para puntahan ang mga di ko napuntahan. O sya medyo mahaba na ang kwento ko... yung totoo na bored ka na magbasa di ba? ahaha sige na nga hanggang sa muli.
Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik...
God Bless!