Thursday, June 27, 2013

Modern but Traditional...

Check-up Time: 12:19am


Alowha-mowra mga tambay sa asylum :D

Kamusta na kayo? ako ito dahil sa naulanan ako last week dahil walang humbay ang buhos ng ulan at idagdag pa ang kakaramput na tulog eh pakiramdam ko ay nasa outerspace na ang utak ko.

Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko, nanginginig ang katawan at nag pa-pulpitate... dahil dyan eh muntik ko ng makalimutan ang kasal ng kaibigan ko.

Buti na lang at nagbukas ako ng FB dahil di ko maaalala. kung nagkataon may subo na akong apple ng araw na iyon ay pinapahiran ng mang tomas... nyaruts lang.

Hindi nila gagawin sa akin iyon dahil hindi sila kumakain ng mamoy... tama po! ang kaibigan ko na ikakasal ay isang Muslim. Dahil sa ang kumunidad kung saan ako nakatira ay malapit sa pamayanan ng mga muslim ay di naiwasan na magkaroon ako ng kaibigang muslim. Sa totoo lang ito na ang pangalawang beses ko na makadalo sa kasalan ng mga muslim.


Sya ang friend ko na ikakasal... si Wahida.


Noong una ay kasal ni Rohanna. Ang kasal nila ay ibang iba sa mga kasalan na nadaluhan ko, napaka festive ng kasal nila, malalaman mo na may kasal dahil sa tapat ng bahay nila ay may nakasabit na banderitas hanggang sa pagdadausan ng kasal.


Ako at si Rohanna, halatang stressed si Rix di ba? ahah

lahat ng tao, imbitado man o hindi ay sabik sa pag-iisang dibdib nila. Nakakatuwa dahil sa kahit na isa akong kristiyano ay nirespeto pa rin ng mga kapatid nating muslim ang paniniwala ko at ng mga kaibigan namin na kristiyano din. Ang seremonya at ang pagdiriwang ay nasaksihan ng buong kumunidad, masasabi ko na isa itong masayang karanasan...

Pagkalipas ng 8 taon ay ang isa ko namang kaibigang muslim, si Wahida, ang lalagay na din sa tahimik. Ang pagdiriwang na ito ay hindi katulad ng pagdiriwang tulad ng kasal ni Rohanna. Dahil kung noon ay ipinakita sa buong kumunidad at kapatid nilang muslim, ang kasal ni Wada (tawag namin kay Wahida) ay ginanap sa isang modernong venue, hawig na sa katoliko at may catering service din. Subalit ang pagpapalitan ng sumpaan nila ay nanatili tulad ng unang kasal ng muslim na aking na saksihan. Kung sa true nga parang fairy tale ang wedding na iyon dahil ang upuan na ginamit para sa kasal nila ay parang mga kristal at may mga palamuting diamonds. sosyal di ba? ahaha.


sa tapat ng ceremony hall


sa couples table


crystal ang mga sandalan ng chair... sosyal noh?


ang table namin


ang katabiyan na dito talaga kami ahahaha


Dahil sa ang angkan ng ina ni Wada  ay isang Tausug, eh di nawala ang sarimanok (hindi ako sigurado kung yun nga ang tawag). Isang prosperity kinemeh para sa magasawa. Na-curious kami ni Rohanna kaya nilapitan namin (si Rohanna ay isang Maguindanawin kaya wala sa tradisyon nila ito). May mahahabang stick na may nakatusok na isang malaking sugpo at ang dulo naman ay may itlog ng manok at sa bawat pagitan ay may mga papel na pera at ang lahat ng ito ay nakatusok naman sa isang inihaw na manok. Sa ilalim nito ay may iba't ibang uri pa ng pagkain ang nakita namin. Nganga kami ni Rho sa sobrang amuse ahaha.

nakita nyo ba yung manok? sa dami ng nakatusok eh di na sya maaninag.

Sa araw na ito ko lang din nalaman na ang pangalan ng magiging kabiyak ni Wada ay hindi nya talaga pangalan nung siya ay bininyagan. Isang kristiyano ang kayang napangasawa pero dahil sa mahal nya si Wada ay niyakap at nagpalit sya ang relihiyon at nagpalit ng pangalang muslim.


ang groom... si Ayman.

the bride..


the couples...


the couples again...


nang maglakad ang bride sa hall...


sa couples table...


Sa seremonyas ng kasal ay pareho lamang sa nasaksihan ko nung kasal ni Rho, pero dahil sa ang wika na gamit nila ay wika at dasal ng muslim eh dinugo ang ilong ko ng literal kaya naman to the rescue si Rho at naging interpreter ko. Binalot ng Imam (high priest) ang kamay ng lalaki ng isang puting panyo (di na ito ipinakita sa amin kasi ito ay ginawa sa bahay nila Wada at ginawang pribado para sa panilya ang ang seremonyas na ito.. inerelay na lang saamin ang mga ginawa nila), ang ibig sabihin nito ay kahit na gaano man kabigat ang kanilang pagtatalo na mag asawa ay walang karapatan na saktan ng lalaki ang kanyang asawa. Ganun din ay binalot din ang kanyang paa, at pareho din ang dahilan na hindi mo pwedeng saktan ang iyong asawa. Sa babae naman ay kinausap ito ng masinsinan. Sinabi ng Imam na kahit gaano sya kapagod, inis o galit dapat ay lagi nyang sasalubungin ng ngiti ang kanyang asawa. Sinabihan si Wada ang ang lalaki ang dapat na may authority sa kanila dahil ito ang kanilang tradisyon at paniniwala dahil sa ang babae ay mula daw sa tadyang ni Adan kaya naman dapat ay mas mataas  authority ng lalaki sa babae.

Nagulat ako dahil sa kahit ang mga mensahe ng pamilya ni Wada sa kanya ay pareho sa sinabi ng Imam nila, ang babae daw ang tumatayong vice president at ang lalaki daw ang laging president. Nakakatuwa ang bilin kay Wada, dapat daw ay maging mapagkumbaba sya sa husband nya.

Matapos magpalitan ng singsing at magbigay ng mensahe sa isa't isa ay tinawag na ang bawal table para sa isang picture taking bago kumain. Pasensya, dahil sa gutom ko ay nakalimutan ko ng kuhaan ang litrato ang handa nila sa kasal pero wala talagang pork na dish...



kinakantahan nya po kami habang kumakain... busog na po kasi sya hihihi


Nais sana na bigyan ng kasayahan ng host ng kasal ang magasawa sa pamamagitan ng tradisyonal na kasiyahan sa kristiyano ang paghahagis ng boquet ng babae at garter naman sa lalaki, subalit konserbatibo ang mga kapatid nating muslim kaya naman imbes na may hagisan na pangyayari ay tinanong na lang niya kay Wada kung kanino nya gusto ibigay ang boquet nya at ang husband nya kung kanino gusto ibigay ang garter, dahil sa pareho naman na di muslim ang napili eh sila na ang sumalo ng mga kiss kiss kineme ng dalawa...

Kahit na ang pagdiriwang ng kasal ni Wada ay moderno, hindi pa rin nawala ang mga bagay na nasa tradisyon at kaugaliaan nila.. Ang galing noh?


nakahabol ang isa sa bestfriend ko ahaha..
(left to right: Rho, Ayman, Wada, Sheila at ako)


O sya, dyan na muna kayo may isa pa akong kasal na pupuntahan eh... tyars!


Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik...
God Bless!

16 comments:

  1. nice, wa kong kakilalang muslim pero may di ako
    makalimutang girl, nakasakay ko sa jeep super ganda rhian ramos ang mukha ee
    anyway nice ung culture nila nu

    ReplyDelete
    Replies
    1. yep, lalo na nung unang beses ko nasaksihan yung kasal nila at nakita ko yung exchange of vows nila... kakaiba talaga, isang nakakatuwang karanasan.

      Delete
  2. wow. grabe. anggara ng kasal. :)

    Natawa ko sa caption mo sa kumakanta. haha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. naaayyy ano nanaman yan?

      walang akong alam dyan kasalukuyan kong nilalantakan yung kinakain ko nung kumakanta sya. nahalata ko lang na busog na sya.

      Delete
  3. Wow namans, first time kong makakita ng isang blogger friend na dumalo sa isang kasalang Muslim.

    Very interesting din talaga ang customs and traditions ng mga kapatid nating Muslim. Very rich and colorful :)

    at sana magaling ka na Rix.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Fiel yung sa true hindi pa feeling ko nga kailangan ko na mag dagdag ng multi vitamins eh huhu..

      Buti na nga lang hindi lang isa ang kaibigan kong muslim kaya may mga natututunan din ako.

      Delete
    2. siguro, need mo nang magpakunsulta kay Notnot. baka orasyon at langis ang kailangan mo :D

      Delete
    3. ahaha wala pa akong pang donate eh... magkano na ba ang donation?

      Delete
  4. Very informative. Added info ito since hindi ako familiar with Muslim culture. Thanks for sharing.

    ReplyDelete
    Replies
    1. :D naku walang ano man po yung Jon.

      madami ka din dapat iconsider kapag may kaibigan kang muslim lalo na sa food.

      Delete
  5. inaantay ko pa naman mga pics ng food! hahaha wala kahit isa! meron pala yong manok na pinagsasaksak hahaha kinakain ba yon? O display lang?

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahaha sa sobrang gutom ko nakalimutan ko kuhaan ng pic, hindi kasi ako kumain nung nag punta ako... Naalala ko lang na di ko pa sya nakukuhaan ng pic nung malapit na ako matapos ahahaha.

      Delete
  6. kakila mo yung ateh na naka red? bat sya lang may picture. pero love the dress. super conservative ng dress ni wada pero ang ganda ng mukha nya noh. highlighted talaga. at muka na rin muslim tingnan si ayman. hehehe ano ba first name nya before?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi wedding singer lang talaga sya. Very conservative talaga sila kahit nga yung mga double meaning na jokes medyo off sa elders nila. Joshua ang talagang name nya.

      Delete

hansaveh mo?