Monday, June 17, 2013

Istrit puds! - repost

Check-up Time: 7:39am


Haluu mga tambay sa Asylum, repost repost muna ang peg ko ha hihihi....



Hang zarap zarap!!!!!





Fishball, tokneneng, kwek kwek, banana que, turon, maruya, pilipit, nilupak, mangga, singkamas at santol na may bagoong, taho, dirty ice cream, karioka, lugaw, ginatan, arozcaldo, spaghetti, pancit, chicharong bulaklak, mani, balut at penoy, kropek, fish crakers, isaw, bbq.... Ilan lamang sa mga pagkaing nakikita mo sa lansangan na ibinebenta.

Likas sa mga pinoy na mahilig sa pagkain. Bakit kamo? Isang article ang nabasa ko noon tungkol sa kung gaano ka kahilig sa pagkain (inilathala din ni sir bob ong sa kanyang librong bakit baliktad magbasa ang pilipino). Kapag magbibyahe ka di pwedeng di ka makakita ng kanto na may nag titinda ng pagkaing makakatulong para patayin ang inip mo habang nasa byahe.

Lumaki ako sa isang lipunan na di salat at di rin nakakaingat na estado ng buhay. Nakakatuwa dahil nasabi ko na isa akong normal na tao dahil natikman ko ang pagkaing itinuturing ng mga taong nasa alta syodad na marumi. Minsan nakakaramdam ako ng habag sa kanila dahil di nila kailanman naranasan na makakain ng pagkaing patok sa masa at nagpapakilala sa kanila bilang isang pinoy.

Naaalala ko nung nasa elementarya pa lang ako, bago pumatak ang ala cinco ng hapon dapat ay may dalawang piso na ako, dahil sa ganung oras dumadaan sa amin ang kuya na nagtutulak ng kariton para ilako ng fishball na tinda nya. Ang pagkain noon ay isa sa pinakamasayang karanasan ko sa kabataan ko. Kahit na may balita noon na ang pagkain nito ay malapit sa pagkakaroon ng hepa ang nanay ko na rin ang gumawa ng paraan para makatikim pa rin kami ng fishball, sya na ang bumibili ng fishball sa palengke at kami na ang nagluluto, kaso iba ang sawsawan ng fishball sa kalye... yun ang mas masarap.

Banana que, turon, maruya, pilipit, lugaw, ginataan at pansit mga pagkain na normal na nakakain namin sa dating compound sa makati kung saan ako magkaisip. Palibhasa ay puro illonggo at laking probinsya ang mga nakakatanda sa amin kaya binusog ng mga masasarap na rekado at halo ng mga pagkain na ito ang mga alaala ng kabataan ko kaya sa tuwing makikita ko ang mga pagkain na ito ay ipinaaalala nito ang isang simple at payak na pamumuhay.

Taaaahhhhoooooo! Sino ba ang di alam ang sigaw na iyan? Ang sigaw na nag papatigil sa paglalaro namin tuwing umaga. Ito ang hudyat ng time out muna lalo na sa mga di pa nag-aalmusal dahil ito ang magtatawid sa gutom nila hanggang sa tanghalian. Masaya kami noon habang inaabangan na iabot sa amin ng nag titinda ang baso ng taho na may lumalangoy na sago sa puting karne ng soya na may arnibal.

Naalala ko na noong bata ako ay kaya kong kumain ng balot pero ng maglaon ay penoy na lang o ang sabaw na lang ng mga ito ang kaya ko. Di ko alam kung anong nangyari siguro ay sa kadahilanang di na ako nakakakain ng mga ito kaya ito na rin ang dahilan kung bakit parang nawala na rin sa akin ang kumain ng itlog ng bibe.

Nilupak, chicaronng bulaklak, mangga, santol singkamas na may bagoong ayan ang mga pagkaing patok sa labas ng mga pampublikong paaralan at syempre ano nga ba ang panulak ng mga yan? Eh di 3 pisong iskrambol na may gatas at syrup na tsokolate. Di ko itatanggi na kumain ako ng mga ito dahil para sa mga batang tulad ko sa kumunidad na iyon ay normal na pagkain ito... Sorop koyo! Di ba? Di ka "in" sa classroom nyo kung di mo natikman yang mga pagkaing yan.

Sa panahon ngayon, ang mga pagkaing ito ay nilalapit na nga mga taong maalam sa pagnenegosyo sa lahat sa pamamagitan ng pagpapakilala sa kanila sa loob ng mga mall. Oo, magandang strategy dahil lumalawak ng bilang ng taong nakakakilala sa mga pagkaing kalsada. Idagdag mo pa ang iba't ibang gimik tulad ng iba pang flavor, packaging at dating nito sa publiko pero merong kulang......

Sa tingin ko ang mikrobyo ahahaha... Kulang ang lasa ang mga ito dahil walang mikrobyo na galing sa mga taong tumatangkilik sa mga pagkaing kalsada.

Ano ang pinagkaiba ng mga sawsawan ng pagkaing binebenta sa mga mall at sa kalsada? Hindi ba, di maitatanggi na mas masarap pa rin ang sawsawan ng pagkain sa kalsada? Mas malasa, mas malinamnam, mas puno ng thrill, mas ma-germs charut!...

Hindi naman ang ideya na may germs ang pagkaing nasa kalsada ang talagang punto ko dito. Ang gusto ko lang din sabihin ay iba pa rin ang pagkaing talagang kinasanayan ng gawin ng mga tao sa kalsada kesa sa mall na ang tanging ginawa ay gumawa ng produkto na ma-pi-please ang mga taong nasa alta syodad, na para sa kanila ay masarap na iyon. Pero, subalit, ngunit datapwat di nila alam ang tunay na sarap at lasa ng pagkaing kinakain nila dahil di nila alam ang lasa ng tunay na pagkaing kalsada.



Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik... 
God Bless!

22 comments:

  1. Hehehe masarap nga ang streetfoods. Kung sa bahay gagawin pangit nga naman yung sawsawan. At di ako kumakain ngbstreetfoods sa loob ng mall. Nakakawala ng gana. Masarap talaga syang kaninin pag sa labas. Lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. di ba nga? mas kakaiba ang sauce nila mapapa "ay sauce ang sarap" ka. ahaha.

      Delete
  2. Waaah! ginutom ako bigla Rix!!! naku, peyborit ko lahat ng mga street foods na iyong nabanggit dito.

    Naaalala ko din dati yung mamang naka kariton tapos may dala siyang isang malaking plastic na punong puno ng cheese curls or yung pompoms hahaha!

    Trip na trip ko din yang scramble na kulay pink, with skimmed milk powder at choco syrup. Tsalap!!!

    Waah, nagke-crave tuloy ako sa manggang may bagoong saka isaw.

    ReplyDelete
    Replies
    1. - ay naku kahit na sinasabihan ka na puro msg yung junkfoods na nasa nagtutulak ng kariton eh deadma.. ang sarap kasi kahit walang sustansya ahaha.

      - naman isabay mo dun yung fake na hotcake o yung street pizza.

      - O kaya naman santol na may bagoong ahaha.

      Delete
    2. Yung vetsin nga yung lalong nagpapasarap sa mga chichirya hahaha :D saka, food color na din pala lol

      fake na hotcake, yung puro harina lungs at matabang XD

      nangasim ako bigla sa santol >_<

      Delete
    3. Nyahaha mismo :D

      Tama, tapos ispringkle na lang yung asukal sa ibabaw tapos ibibigay sayo na naka ipit sa papel ahaha.

      Delete
  3. Grabeh nakakagutom at wala karamihan niysn dito. Miss ko ang sorbetes at cotton candy. Miss ko din ang mga kakanin: ginatan, bico, atbp. Uuwi na ako dahil kakain na ako ng banana q. Isang buwan pa pala, haiys.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ehehe. Nakakamiss ang sorbetes, popcorn, at cotton candy sa mga fiesta noh? bihira na kasi ang mga ganyan lalo na sa Manila.

      Yung mmge meryenda po na nasabi mo yan yung tipong pagtayo mo eh ang bigat ng tummy mo sa busog ahaha.

      Delete
  4. haha malaking impluensya saking ng turon at banana que pati na rin maruya
    naglalako ako nyan nung bata ako ee hahaha!
    well di naman ung nasigaw sigaw pa,haha
    anyway, ung popcorn treat namen yan after ng simba haha at ang ice cream, scramble at ice candy
    yan madalas kong bilin after school haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ayos, ibig sabihin naging masaya ang kabataan mo... Apir! ahaha

      Delete
  5. Nga crave ko bigla ng fishball! Haha! Ako naman binatog ang inaabangan ko nung bata ako :)

    Kagutom tong post mo Rix!

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahaha masarap din yun Zai lalo na kapag mainit pa.. ibang level ang bigat sa tyan nyan :D

      Delete
  6. kakatakam naman. lalo na yung mangga! >.<

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay may naligaw. Weh? di nga kumakain ka ba nyan? :p

      Delete
    2. Adik ka! ikaw lang naman ang hindi nadalaw sa blog jan. Hahahaha!

      oo paborito ko yan.

      Delete
    3. oiiiii excuse me, dadaan ako.. nagbo-blog hop ako noh, di nga lang ako ma-comment kasi i believe that i say it best when i say nothing at all... ganyan.

      Delete
  7. Never tlga ako nkain ng taho ndi ko bet pramis pero the rest go ako

    ReplyDelete
    Replies
    1. ehehe masarap naman sya, baka na wi-wierdan ka sa soya meat :D

      Delete
  8. Namiss ko yung iskrambol nung elementary!

    Kahit natutuluan na ng pawis ni manong masarap parin! XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahaha, yun daw ang nagpapasarap ng iskrambol :p

      Delete
  9. lahat ng ito namimiss ko dong.. isang araw pag may time ka, ipasyal mo nga ako kain tayo ng strit pud yung unlimited ha hahaha

    ReplyDelete

hansaveh mo?