Thursday, June 13, 2013

Isang taon na din...

Check-up Time: 12:06am

Dear Mama,

Nakakatawang isipin, ang panahon ngayon ay tulad ng nakaraang taon ng huli kitang nakita, nakausap at nakapiling...

Isang taon na pala Ma buhat ng ikaw ay sumama na sa lumikha, tunay nga na kay bilis ng panahon.

Alam mo Ma, ikinagulat ko ang mga bagay na nagbago sa pamilya natin. Si Papa sobrang maasikaso sa amin, minsan ay napapabayaan nya na ang sarili nya kaya naman madalas ay pinaaalalahanan ko na mag pahinga din, mag relax. Kung kadalasan ay may argumento pa kami sa desisyon ngayon ay madalas na namin ikonsidera ang mga bahay hanggang sa may mapagkasunduan. Ngayon ay naiintindihan ko na na ang kakulitan nya ay dala ng kagustuhan nyang maglambing sa aming magkakapatid.

Si Diko, mas nagpursige sa trabaho para tulungan kami. Hindi nya kami kinakalimutan kahit na plano na niyang lumagay sa tahimik. Madalas kapag kausap ko sya, eh iniisip nya ang kalagayan namin lalo na ang bahay na sobra mong pinahalagahan at iningatan.

Umunlad na si Bunso, kung dati ay sobrang isip bata sya ngayon kahit paano ay responsable at may pagkukusa. Marunong ng syang magluto. Maaasahan na rin sya sa pamimili ng mga kailangan sa bahay at nakikisali na rin sa pagdedesisyon ng pamilya. Alam mo Ma, Ipagmamalaki mo din ang bunso mo dahil sa ngayon ay papasok na syang muli sa kolehiyo para sa pangalawang kurso niya tulad ko.

Si Ate naman ay patuloy ang pangangamusta sa amin. Kapag may pagkakataon ay pinayagan sya ng kumbento ay dumadalaw sya sa bahay. Patuloy ka din niyang ipinagdadasal kasama ng kongregasyon kaya naman panatag ako dahil alam ko na di ka nila kinakalimutan.

Masaya ako Ma dahil sa may mga bagay akong ginagawa bilang katuparan sa bilin mo sa akin. Hindi ko masasabi na isa akong mabuting panganay, pero ginagawa ko po ang lahat ayon sa alam kong tama. Nahihirapan man ako eh nakakaya ko naman dahil nandyan sila Papa sa likod ko at ikaw naman eh dyan sa taas. Masaya ako dahil naging nanay kita at masaya ako sa mga bagay na naranasan at natutunan ko sayo.

Hindi sapat ang salitang "miss" para lang malaman mo kung gaano ako nananabik sayo pero lagi ko namang iniisip na sa tuwing may tumatawa dahil sa kalokohan ko ay tumatawa ka din gaya ng ginagawa natin, sa tuwing masisiyahan sila Papa ay nasisiyahan ka na din, at sa tuwing nakikita mo na maayos ang kalagayan namin ay panatag ka na.

Alam ko Ma na magiging masaya at maayos ang pamilya natin dahil sa lagi mo kaming babantayan at gagabayan. Mahal na mahal kita Ma.

Ang iyong panganay,
Rix





(The song on the background is the song I dedicate to my Mama... Sa buong linggo ng kanyang wake, narinig ko ang kanta na ito more than 5 times)


Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik...
God Bless!

22 comments:

  1. Naka touch naman ang love mo kay mama. I know she is happy for you all:)

    ReplyDelete
  2. *sniff* waaah Rix... nalungkot naman lalo ako sa background music T_T

    I know, kung nasaan man si Mama mo ngayon, she is very happy watching over you guys!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat fiel.. mukha nga alam mo kung ano yung ibang sinasabi ko sa sulat ko eh :D

      Delete
  3. Replies
    1. Maligayang pagbabalik Sir Kiko... Salamat sa muling pagdalaw :D

      Delete
  4. parang gusto ko tuloy wagna magalit sa mama ko :(

    yeah halos 16 years na ako may galit sa mama ko.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Xan, sobrang dami naming misunderstanding ni Mama. Sana maayos mo ang relationship mo with you mom kasi ako noong nagkasakit sya hanggang sa kunin na sya sa amin, eh marami akong naging regrets... regrets na sana kung maayos pa ang kalagayan at kalusugan ni Mama ay nagawa pa at na enjoy namin.

      Totoo ang sinabi nila na malalaman mo ang tunay na halaga ng isang tao kapag nawala na sila kaya habang may oras at panahon ay lagi nyong ini-enjoy ang panahon na kasama nyo ang isa't isa dahil hindi natin alam kung hanggang kailan tayo mananatili sa mundo.

      I'm hoping na maging ok na kayo ng Mama mo.

      Delete
    2. sana nga magka ayos kami someday..tsk! hirap kasi tol. diko ma kwento dito masyadong personal hehe... nagiging maayos lang relationship namin dahil sa mga kapatid ko.. pero yung galit ganun paden. hindi nawawala.

      thanks pala sa pag follow hehe ^_^

      Delete
    3. walang ano man Xan... Maaring di ko alam ang dahilan ng gap nyo ng Mama mo kaya maaring di ko rin maintindihan kung ano ang nararamdaman mo. Medyo matagal na ang 16 years na samaan ng loob marami na din ang taon na nasayang nasana eh masasayang bagay ng napagsamahan nyo ng mama mo... pero ganun pa man sana nga ay maging maayos na kayo.

      Delete
  5. Good Vibes ang post mo na to dong (naiyak lang ako sa background music mo hehe) kasi magaganda ang bunga ng inyong mga pinaghirapang magkakapatid, maayos ang inyong relasyon sa isa't isa. wala man ang presensya ng iyong ina ngayon sigurado ay lagi nya kayong binabantayan kung san man sya naroon. Mahal ko rin ang aking ina, ang aking mga magulang.. nung nagkasakit sya, para akong pilay o parang may kulang nahihirapan akong mabuhay kasi iniisip ko sya lagi kahit nasa trabaho ako. diko naman maalagaan dahil anlayo ko.. pero mabait ang Diyos dahil patuloy kaming ginagabayan at binibigyan ng pag asa at magpatuloy mabuhay. Sa totoo lang ayoko talagang magkaron ng regrets balang araw kaya habang buhay pa sila, gusto ko suportahan ko sila dahil mahal ko sila..

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay naku Day sinabi mo pa... Ang isang bagay lang siguro na naging regret ko eh yung mas maraming bonding with her. Masyado kasi syang homebuddy kaya hirap syang yayain na lumabas para mamasyal ganyan...

      Delete
    2. kung sakaling nabubuhay pa sya ngayon, ano ba yung gustong gusto mong pasyalan o gawin together?

      ako, pumunta sana ng salon, magpa spa at kung anik anik, kaso si mama ko ayaw.. hahay. kulitin ko ulit NeXT time hehe baka sakaling mag oo na.

      Delete
    3. Plano sana namin na mag out of the country yun ang pinakagusto namin gawin kasama si mama.

      Delete
  6. hero naman talaga ang mga inay natin kahit ng father's day bukas ;-) rix, for sure masaya si mama mo sa lahat ng nagawa mong pagtaguyod mo sa family mo. at good to know na okay si papa mo. happy father's day ulit ky tatay.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat Phiox.. Makakarating kay Paping ehehehe.

      Delete
  7. Kakaiyak naman nyung music. A letter to a Mom.. Riz, try writing one ona paper tas burn it.. the smoke will go up.. sending the message up there

    ReplyDelete
    Replies
    1. :D salamat, nagawa ko na ito dati sige gagawin ko ulit.

      Delete
  8. Naiyak naman ako kasi naalala ko mom ko who passsed away two months ago. She was the glue in the family and kabaligtaran ang nangyayari sa bahay compared to yours.

    ReplyDelete
    Replies
    1. that's kinda sad Jonathan... I'm hoping na sana eh maisip ng family mo na magiging malungkot ang mom mo pag nakikita kayong ganyan.

      Delete
  9. Unang nabasa ko ang mga comments sa Maestro. Nag-isip at baka na-miss kong basahin yung blog about the death of your mom. Based on this post, 1 year na pala? Oh sorry to know that. Siguro nga more than 'miss' na yung nararamdaman mo. Buti na lang at patuloy kayong nakakabangon at nagiging matatag at responsable. And I'm sure she's at peace now.

    ReplyDelete

hansaveh mo?