Tuesday, October 15, 2013

sem break!

Check-up Time: 12:05am


Halooooooo... loooowww... lowwwww.... loowwww... looooowwww... loooooowww


Apple Bottom jeans, Boots with the fur ♪♫♪♫ (with the fur)... kumanta ba? lolzzz Kamusta na ho?


Malapit na ang araw na kinatatakutan ko pero ganun pa man kay ikinatutuwa ko din. Magulo ba? ehhhhhhh wag nyo na ako kontrahin, basta hihihihi.

Sem break na kaya naman medyo maluwag-luwag ang sched ko pero wait but wait mukang hindi ko masyado mararamdaman ito dahil sa magiging busy pa rin ako sa bago kong pinagkakaabalahan... O ang gulo ulit noh? di pa kayo nasanay sa akin.... hihihihi ulit.










Ang dami ko ng pagod siguro 3,756 sya lahat lahat... chars lang. Bukod sa nakikicoordinate ako sa mga kaibigan ko para humungi ng mga pre-loved stuff para sa bazaar ng PBO sa mga susunod na weekends ng October eh busy din ako sa pakikipag coordinate sa kasal ni Diko.

Buti naman at natapos ko ng ayusin ang program ng reception nila at ako na din ang mag-emcee. Ito ang pangatlong beses ko na maging emcee sa isang okasyon. Nakakakaba pero sabi nga nila bahala na Batman (mukang magagalit na sa akin si Bruce sasabihin nanaman nya sa akin na sya nanaman ang ipangsasangkalan ko sa mga ganyan).





May na-score na din ako ng barong na isusuot ko sa araw ng kasal nya ang problema ko na lang ay ang gagamitin kong panloob. Gusto ko kasi eh unique ang kamiseta de chino ko bilang best man ang utol ko. Gusto ko isunod sa motif nila... "melon pink" lakas maka-bektas noh? eh wala naman kami magawa yan ang gusto ng mapapangasawa ni Diko. Ewan ko ba pwede naman kasi na simpleng kulay na lang.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung paano pumunta sa Christmas Village sa Sampaguita Garden sa Aklan. Gusto ko kasi muna magdrop by doon ng makita ko ang Christmas museum bago kami dumerecho ng Boracay after ng kasal ni Diko, Magta-travel na lang din ako lubos lubusin ko na ang mga pwede puntahan o makita sa mga lugar na madadaanan ko.








Nagdadalawang isip pa rin ako (amf! lagi ko na lang sinasabi na hindi nga applicable sa akin ang dalawang isip dahil wala nga ako nun pero lagi ko pa rin sinasabi... haist!) kung ibo-book ko nga ang isang room sa isang villa na nakita ko para tuluyan namin ni Paping at Bunso sa Bora. Kasi naman sa 3rd day na stay doon eh ako na lang mag-isa. Kasi maagang uuwi si Paping at Bunso dahil sa may mga aasikasuhin sila ako naman eh bakasyon grande mode. Ayaw ko talaga mag-isa kasi baka may magpakita eh hindi ko pa naman alam kung talagang meron akong gift baka mamaya ikamatay ko pa kung may makita ako. Pero iniisip ko naman na ito na ang chance ko to enjoy the night in Bora na mag-isa lang ako. Haist! Bruce bahala ka na ulit ha...





Hayzt, sana ganito pa ako kapayat sa pagpunta ko ng Bora... Ito ang panahon na wala pa akong makain kundi mga dumi sa kuko ko. Yung tipong amoy lang ng food tapos inom ng tubig ang peg, ganyan. Sana maibalik ko ang katawan kong ganyan tapos hardcore na workout na lang sa biceps, chest at abdominal para masaya.




O sya nag-update lang naman ako ng mga ganap ko, next update ko baka repost po kasi busy busyhan ako sa ibang mga ganap... magre-repost po ako ng about sa holloween basta mga kwentong takutan na may halong kabaliwan po tayo sa mga susunod na post ha....



Bago ko tapusin ang entry na ito, kami po, na volunteer ng PBO ay tumatanggap pa din po ng mga pre-loved items na pwede nyo idonate para sa PBO bazaar na gagawin sa October 19, 20, 26 at 27 sa ganap na ika-7 ng umaga hanggang ika-7 ng gabi sa Quezon City Memorial Circle. Para po sa ibang mga detalye pwede po kayong makipag ugnayan sa mga member ng PBO (tulad ko) or i-click lamang po ang icon ng PBO sa itaas na parte ng pahinang ito para po dalhin kayo sa PBO page sa facebook. O kaya naman po ay maari po kayo na pumunta sa mismong bazaar upang suportahan ito. Ang lahat po ng malilikom na pondo sa event na ito ay gagamitin para sa susunod na outreach na gagawin ng mga katoto natin sa PBO.





Maisingit ko na lang din po na para sa mga nagpareserve ng kopya ng unang libro ni Glen ng Wickedmouth at ng Ilustrator po ng Libro na si Titser Mots ng Teacher's Pwet na may title na Wickedmouth, Unang putok, nasabi po ni Glen na pwede nyo po i-claim/i-pick up ang kopya ng libro during the bazaar. So ayan maraming mga bagay na nakalaan para sa atin ang hatid ng event na ito kaya po sana maka-dropby po tayo...


Sa lahat ng magaabot ng kani-kanilang tulong, ngayon pa lang po ay nagpapasalamat na po ang inyong lingkod...



Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik...
God Bless!

18 comments:

  1. Dami kong ngiti sa post mong to. Mga 2,567 siguro. *hahaha!*

    Maganda diyan sa Sampaguita Gardens. Nasa New Washington yun eh. Isang tricycle at isang blue cab lang ang sasakyan mo papunta dun mula Kalibo. Mga 30 minutes lang ata. Sana mapuntahan mo. ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ay naku ikaw lang pala ang hinihintay ko na makakapagbigay ng direksyon papunta doon....

      Delete
    2. Yung isang picture ko sa interview ni Senyor, yung nakasakay ako sa parang deer na may sungay, sa Sampaguita Gardens yun kinuha. :)

      Kapag may tanong ka, message mo lang ako.

      Delete
    3. ahhh hindi ko pa nabasa yun...sorry... sige pauulanan na kita ng tanong kaya be ready ahaha.

      Delete
  2. taray pabakasyon bakasyon na lang ganyan. ikaw na.
    enjoy!

    pasalubooong. hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ilang sako po ba ng buhangin? Lolz salamat po KC

      Delete
    2. butil po ba o sako? grabe ha e-effortan ko yang sako buhangin...

      Delete
  3. First blog hop today....mag-iiwan na ako ng comment nang biglang nawala ang internet : (, Pag minalas-malas talaga minsan, di talaga sinuswerte : )

    Anyway, third time mo na palang mag-emcee so I'm sure medyo may idea ka na sa nagiging flow ng ceremony... Wishing you a successful emceeing... Wala akong masabi sa venue! thumbs up!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahahaha salamat tukayo... ok lang yab at least nakapagiwan ka pa din ng bakas

      Delete
  4. Your posts always makes me smile. Dami ko rin tuloy S. Hahaha. Till your next post... :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. naku po Mharliz salamat naman po at nagiging source ako ng smile sayo... well ganyan naman daw dapat maging source ka ng hapiness para naman lahat good vibes..

      Delete
  5. Busy sa bakasyon talaga, but enjoy:) sayang di ko makasama sa outreach:(

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ok lang yan mommy Joy, malaking bagay naman ang tulong at supporta mo sa PBO kahit wala ka sa pinas, yun lang po ay sobra sobrang tulong na...

      Delete
  6. Na intriga namans ako jan sa melon pink mo na barong hihihi :D

    at... don't cha forget my pasalubong when you get back home. yung buhangin from Bora na nasa bote hihihi XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahaha. hindi yung barong ang melon ping yung kamiseta di chino lang...

      naku huhu, excess bagage na ako sa dami ng buhangin ahaha.

      Delete
  7. Eh binabasa ko pa lang itineraries mo pagod na ako. Bakasyon ba yan? Ala ka, pag tapos ng bakasyon na ito, kailangan mo ng extended bakasyon para maka pahinga. Gets?

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama pero hindi pwede mag pagud-pagodan... madami ako maiiwan na work ahahaha.

      Delete

hansaveh mo?