Kamusta na mga tambay sa asylum ko.... Halo-halo ang emosyon ng post na ito... Kaya sisimulan ko na po...
-------------------------------------------------------------------------------------------
Sagarin mo pahhhhhhhhhhhh....
Oo nag desisyon na ako na tigilan ito... Ayaw ko ng gawin pa dahil sa parang ang sama ko sa mata ng mga kasama ko...
Subalit ano ba ang magagawa ko? Dumating ang panahon na naging desperado ako... Oo pinipigilan ko ang sarili ko na gawin ang bagay na akala ko ay hindi ko na gagawin pero malakas ang pagtawag mo sa akin... Ang panunukso mo. Wala akong nagawa kundi ang sundan ang tawag mo... Para akong isang puppet, isang laruan na walang buhay na tanging nagawa ay gumalaw ayun sa kagustuhan mo....
Unti unti akong lumapit sayo... Hinawakan ko ang katawan mo. Sinisigaw ng isip ko na huwag itong gawin pero naging mahina ako.. Hindi ko pa rin napigilan ang sarili ko na hawakan ang kabuoan mo. Naging mapangahas ang mga kamay ko ng hawakan at salatin ka. Hindi ko na pigil na pindutin ang ibang parte mo.. hanggang sa dumating na ang oras para subukan ko na tikman ka...
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pero nanaaig ang kagustuhan ko na gawin ito... mapangahas ako habang tinatalupan kita at sabik na tikman ang matamis mong lasa. Hindi ko kayang itago ang pananabik ko. Para kang isang masarap na putahe sa hapag at ako naman ay gutom na gutom na at gustong gusto na kitang lantakan..
Hindi ako nagkamali... ubod ka ng tamis, bawat subo ko ay ibayong saya ang naramdaman ko... Bawat subo ko ay mas lalo akong nananabik sa iyo... haggang sa huli ay higupin ko ang likido mo.
Iba ka.... ang sarap sarap mo.....
Dahil sa iyo nabawasan ako ng timbang ng 3 kilo lalo pa at sinasabay kita sa balik alindog program ko...
Akala nyo kung ano na noh?
It is not what you think....
but I love the way your thinking... Charot!!!
Opo eh tinopak po ako.... ayan ang resulta...
Mga halos the same na post, baka lang bet nyo tignan... lolz...
-------------------------------------------------------------------------------------------
Listahan ng mga litanya...
-------------------------------------------------------------------------------------------
Kaarawan ni Mama
Kaarawan ng mahal kong Ina noong October 5. Kahit na nasa heaven na sya eh inefortan namin na icelebrate ang birthday nya gaya ng napag-usapan namin ng family ko...
Nagluto ako ng Pasta Italliana na request ni Bunso, Nag litson din sila ng Manok... simple lang ang niluto namin pero busog na busog naman ako...
-----------------------------------------------------------------------------------------
Pakikiramay...
Nagulat ako sa bilis ng pangyayari nung nagkwento si Bunso sa akin... ANg dati naming kasamahan sa compound kung saan kami nakatira sa Makati ay pumanaw na...
Nabangga sya ng isang sasakyan habang nagbi-bisekleta kahit na mahina lang ang nagyaring pagbangga ay naging kritikal at delikado ang lagay nya dahil sa nabagok ang ulo nito sa gutter ng kalye.
Sinabi ng mga dokcor sa OsMak na kailangan nila maghanda ng 500K para sa operasyon pero hindi nito ginagarantiya na magiging maayos ang kalagayan ng pasyente... Hindi naman iniwan ng nakabundol ang pamilya ng pasyente..
Ikinagulat ko ang binulalas nila sa akin ng gabi ng sabihin nila na alas dose ng tanghali kahapon na bumigay na ang katawan nito ay sumakabilang buhay na...
Bukas ay pupunta kami sa kanila upang makiramay...
Isa ito sa mga bagay na nagpabigat ng kalooban ko nitong linggo....
Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik.
God Bless!
Buti back to blogging ka uli:)
ReplyDeleteNaka reduce ba yong pineapple? :)
Anyway, happy birthday to your mom there in heaven. Like my father this october month:)
Death is not we are waiting for, but dumatating talaga sa least expected time:(
Have a nice peaceful week:)
nakahanap lang po ako ng panahon... mabilisan po ito.
DeleteYep nakatulong po, tatlong kilo po ang nabawas sa sahod ko.
Salamat po Mommy Joy.
Happy birthday to your mom... (in heaven..) I bet mas engrande ang celebration nila...
ReplyDeleteKalungkot naman ng nangyari sa dating kasama nyo...Ganyan talaga, walang nakakaalam kung anong pamamaraan ng...(alam mo na)...
Anyway, lubhang katakamtakam talaga yang isinubo mo. Very healthy : )
Siguro nga po bongga ang celebration nila.
DeleteKaya nga tukayo nakakalungkot po talaga.
Masarap po sya... try mo po :D
Alam ko na yung tinutukoy mo kasi nakita ko yung picture bago ko man basahin ang posting mo. Siyempre naman, kahit sino ang magbabasa nito, iba ang iisipin.
ReplyDeleteOo nga, i-celebrate kaya din namin ang birthday ng mom ko kahit nawala na siya this year. In a way, may family gathering na maaaring maganap for her sake.
So sad naman yung story, pray na lang po natin si kasamahan mo. Amen!
Lolz...
DeleteNapag-usapan po kasi namin na naiwan ni Mama na kahit wala na sya lahat ng nga araw na normal namin sini-celebrate noong kasama pa namin sya ay dapat pa rin gawin as if she's still with us...
Salamat po..
Paki share nmn ung balik alindog program mo
ReplyDeletehala balingkinitan ka na kaya... para kanino ba sayo o kay Jikoy? lolz
Deletehahahaha!tatak sikolohista talaga! at sa simpleng blagak madedeadz na :( rip to him?
ReplyDeletehindi naman po chamba lang..
Deletetama po ang bilis ng pangyayari...
kudos sa balik alindog program!
ReplyDeleteRIP nadin dun sa kasamahan mo.
Salamat Xan...
Deletehindi ko naisip yun kasi wholesome ako. ahaha
ReplyDeleteanyway mukhang masarap nga ang mga snackbites na yan ha! shet kailangan ko rin ng mga yan! hehe
Sabi ko naman talaga KC hindi mo sya iisipin lolz.
DeleteGo nagbabalik alindog program ka na din di ba?
Bwisit ka Rix! Pinag-isip mo pa ko ng masama. *hahaha*
ReplyDeleteTeka, nahilo ako. Iba't iba ang topic. :P
Deletehala! kasi naman basahin muna lahat bago mag imagine.... tsk tsk tsk
Deleteyep halo halo po ang post na ito....
DeleteDapat singilin mo ang Del Monte ng talent fee para sa product endorsement nyahahaha :D
ReplyDeletenyahaha alam mo naman na kapag nagkasaltik ako eh lumalabas yung mga baliw moments na tulad nito lolz.
DeleteHahaha ikaw na dong! Hehe, kunyari diko alam diba, so nag iimagine ako... hahaha sagwa lol
ReplyDeleteUy, buti ka pa bumabalik alindog na... Susunod nito, lablayp na yiiii!
naku hindi na daw uso ang lablayp sa akin.... suko na daw sya...
DeleteEh yung instant endorser ka ng del monte? Hehe!
ReplyDeletePAK!
sideline daw.... Salamat sa muling pagbisita...
Delete