Sunday, October 20, 2013

tenchu po c",)

Check-up Time: 9:39

Sa lahat po ng bumati sa aking kaarawan sa previous kong post at sa facebook (pm man, sa wall ko o sapag sagot sa mga naunang post),


MARAMING SALAMAT PO!

Para sa akin ang birthday ko ay isa lamang ordinaryong araw dahil sa noon ay bihira lang namin ipagdiwang ito, ang tanging nagpapasaya lang sa akin ay ang mga pagbati ng mga nakakakilala at malapit na kaibigan ko lalo na ang pamilya ko. Dahil sa pagbati na ito ay nararamdaman ko na masaya ako kahit na wala kaming handa...

Kahapon po ay sinubukan ko po ulit magluto ng cake na madalas ko ishowcase sa pahinang ito pero nag-level up na sya from bare na dark chocolate cake. In-fairview muka na talaga syang cake lolz.

Nage-evolve  na ang non-bake cake ko, ngayon isa na syang dark choco almond non-baked cake hihihi

Dapat ay magluluto din ako ng tuna white sauce pasta pero dahil sa mas pinili ni Bunso na sumama sa mga ka-klase nya na mag-out of town (nakinasama ng loob ko) napagdesisyunan ko na lang na mag eat all you can na lang kami ni Paping sa Dads dahil meron sila "celebrate your birthday in Dad's for free" kembot.

Hindi ko na ipopost yung mga kinain namin kasi kahit ako naumay, wala na kaming binatbat ni Paping pagdating sa eat all you can, olats na kami... Siguro isang pic lang ang ipapakita ko ahahaha.


Lamb stake

Ikinasosyal ko ang pagkain ng turkey at ng lamb na stake... Pero sa totoo lang hindi ko sya masyado nagustohan sa lamb ay, although tamang tama ang pagkakaluto nya ay nagco-complement ang lasa ng souce nya sa tender na meat ng lamb na madaming pepper at malasa dahil sa margarine eh very distinctive ang amoy nya at masasabi mong hindi sya karne ng baboy o baka, sumisipa ang amoy nya na sya ay isang tupa.

Marahil dahil sa ito ang unang beses ko nakatikim ng lamb kaya ganito ang reaction ko pero ganun talaga eh... Wala ng nasabi? ahahaha

Henny waste, maraming maraming salamat po muli sa inyo, nawa po ay tampalin kayo ng kaligayahan, sikmuraan kayo ng biyaya, tadyakan kayo ng pagmamahal at sikuhin kayo ng swerte dahil sa kaligayahang ipinadama nyo sa akin...

O yung mga regalo nyo po pa-deliver nyo na lang.. CHAROT!



Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik.
God Bless!

14 comments:

  1. Walang anuman. Talagang celebrate dahil naka red ka pa with our dad sa resto. Hindi ko kaya ang all you can eat, lugi ako diyan. Mag buffet na lang tayo sa hotel, oks pa dahil sa desserts. Mag lunch na lang tayo pag nagkita tayo, ok, yan na ang gift ko.

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahaha suko na talaga ako sa e.a.y.c. taas na ang dalawang kamay ko dyan ahaha. naku salamat po :)

      Delete
  2. Susyalin nakatikim na ng lamb at turkey. Ako nga, kambing at itik pa lungs ang natitikman ko nyahaha!

    Glad you had a grand time celebrating your birthday with your dad, Rix!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat Fiel hoy isama nyo ako sa balak nyo ni tonyo ang daya nyo...

      Delete
  3. dahil hindi kita nabati sa mismong araw ng kaarawan mo, hayaan mo kong batiin pa rin kita ng happy happy birthday. alam kong late na toh pero better late than pregnant. Ingat sila sa iyo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha yang mga banat na yan ang gusto ko sayo Cy eh ahaha. Salamat po.

      Delete
  4. No internet connection kami the whole day yesterday, anyway, belated happy birthday to you. Mukhang nag-enjoy naman kayo sa food festival : )

    ReplyDelete
  5. halo... musta na.... buti enjoy ang birthday.....

    ReplyDelete

hansaveh mo?