Another repost po. Sana ay maaliw kayo sa kwento na ito.
* = * = *
Kung ang lahat ay may halloween special papakabog ba ako? Oh, heto na ang kwento ko....
Third eye, marami ang nagsasabi na kapag bukas ang pangatlong mata mo ay mararamdaman mo ang bagay na di nararamdaman ng ordinaryong tao.
Ordinaryo lang ang araw na iyon para sa akin sa pagkakatandan ko, Walang masyadong bago. Dahil sa bagot ko ay nagpasya akong lumabas ng opisina at magpunta sa malapit na tindahan para bumili ang ano man ang maibigan ko.
May naunang bumili sa akin na bata, biscuit na Hiro ang binili nya. Dahil sa inggit ay iyon na rin ang binili ko saka di ko gusto ang isa pang biscuit na nakita ko sa estante dahil matamis ang panlasa ko sa Cream O. Habang kinakagat ang biscuit na binili ko ay napansin ko ang batang nauna sa aking bumili na nakikipag laro sa madungis na pusa dahilan para sa maging madungis din sya. Tinignan ko ang relo ko at nakita ko ang oras. Alas tres na ng hapon. Inilagay ko ang natirang Hiro sa likod ng pantalon ko at nagsimula ng tahakin ang opisina namin ng biglang.... BLAG!!!!
kahit na maingay ang jackhammer sa paligid dahil sa ginagawang gusali ay dinig ko parin ang malakas na kalabog ng galing sa likuran ko. Nilingon ko ito at nakitang nagkagulo ang mga tao. May nasagasaan ata, bata, ito ang pagkakarinig ko dahil sa medyo maingay ang paligid. Ilang minuto din akong napako sa kinatatayuan ko at nag oobserba lang. Dahil sa di ko talaga ugali makiusyoso lalo na sa mga nasagasaan dahil sa ayoko makakita ng mga lasog lasog na katawan ay nagpasya na akong bumalik sa opisina namin na may makita ako... Ang batang naunang bumili sa akin ng biscuit, nakatingin sa akin, duguan...
Kahit di ko nakikita ang sarili ko ay alam kong namutla ako. Nagmadali akong lumakad papunta ng opisina, di ko mapigilan ang sarili ko, dahil sa sinasabi ko na guniguni ko lang ito ay lumingon ako pabalik at nakita ko na sinusundan ako ng bata. Dahil sa takot ko ay tinakbo ko na ng gusali kung saan naroon ang opisina namin. Humahangos ako ng marating ko ang opisina namin. "Ok ka lang ba? anong nangyari sayo?" tanong ng kaopisina ko. "ah, wala. May nakita akong dati kong kakilala eh hinabol ko para kamustahin" ang tanging naging palusot ko.
Akala ko ay doon na matatapos ang panggugulo sa akin ang batang iyon pero hindi pala. Paglabas ko ng opisina ay nakita ko sya na parang naghihintay. Nakatingin pa rin ang duguang bata sa akin. Sa takot ko ang sumabay at humalo ang sa mga taong nag lalakad kasabay ko. Mukha namang nagtagumpay ako. Yun ang akala ko. Komportable na ako sa bus ng mapalingon ako sa likurang parte nito at nakitang nakatingin ang bata sa akin. Ipinikit ko ang mga mata ko at tumungo at umusal ng dasal hanggang sa makarating ako sa bababaan ko. Aligaga ako sa paglalakad habang tinatahak ang bahay namin. Pagpasok ko ng bahay ay pininid ko agad ang tarangkahan at ang pinto namin. Nakita ko pa rin ang bata na nakatingin sa direksyon ko. "Hoy ano nagyayari sa iyo?" Tanong ng Mama ko, nagulat man ako sa tanong nya at sinabi ko na wala naman iyon. Di ko maintindihan dahil di naman pumapasok ang duguan bata sa bahay kaya kahit paano ay kampante ako ngunit di sya umaalis sa tapat ng bahay dahil sa nandun sya tuwing sisilip ako sa labas. Takot man at kinikilabutan ay nagpasya na akong matulog tumabi ako sa kapatid ko, iniisip ko na kung ano man ang mangyari ay di ako masyado matatakot dahil sa nandyan ang kapatid ko. Kinaumagahan, mukang napagod na sya kakasunod sa akin. Wala na ang bata nung lumabas ako ng bahay.
Medyo inaantok pa ako kaya pupungas pungas pa sa bus at sa muling pagkakataon, palingon ko sa likurang parte ng bus ay nandun pa rin ang bata. Nilukuban na ako ng takot at kaba. "bakit di ako tinatantanan ng batang ito? wala naman akong ginawang masama" ito ang sigaw ng utak ko na umaalingawngaw... Bumaba ako sa sunod na babaan at nag pasyang mag-taxi na lang. Nakarating ako ng opisina ng walang sumusunod na bata sa akin. Di ako lumabas o bumaba ng opisina dahil sa takot ko na baka nandun ulit ang batang kinatatakutan ko.
Takot man ay buo na ang isip ko, kailangan kong kausapin at tanungin ang bata kung bakit ayaw nya ako lubayan kung makikita ko ulit sya nag matapos ang oras ng trabaho ko. Di ako nagkamali naghihintay pa rin ang bata sa tapat ng gusali kung nasaan ang opisina namin. "Ano bang kailangan mo sa akin? bat ayaw mo akong lubayan? Wala naman akong kasalanan at ipinagdasal kita ng maraming beses" sambit ko habang naginginig ang tuhod ko. "yung biscuit" sagot ng bata sa akin. Namumutla na ako, ito ang pakiramdam ko ng biglang tapikin ako ng sikyu na naka-duty. "hoy, anong nagyayari sayo?" tanong nya. "Yung bata po? nakikita nyo ba?" sagot ko. Tumawa ng nakakalokong tawa sikyu. Di ko maintindihan ang ngyayri "kahapon may nasagasang pusa, iyon ay alaga ng isang bata. Matapos masagasaan ng pusa ay tinabi nya iyon" sabi ng sikyu. Nagtataka ako kung ano ang koneksyon ng kwento kahapon. "Iyan ang batang iyon" sabay nguso ng sikyo sa bata. "Kuya, akin na lang po yung biscuit na di nyo naubos. Yung nilagay nyo sa likod ng pantalon nyo" sabi ng bata....
At iyan ang kwentong fibisco ko.
Kayo anong kwentong fibisco nyo?
PS. habang ginagawa ko ng entry kong ito ay kinakain ko ang Hiro na ginamit kong props hihihi.
Sa mga dadalaw po ng puntod ng kanilang yumaong mahal sa buhay, ingat po tayo. Sa mga busy at walang oras pumunta sa puntod ng mahal nila sa buhay just text DALAW to 2366 at sila mismo ang dadalaw sayo. hihihi.
Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik.
God Bless!
Naisahan mo ako dun. Akala ko naman totoong may third eye ka.. hehe...
ReplyDeleteLolz ahaha happy Halloween Tukayo.
DeleteMoral lesson: laging magdala ng biscuit! Ano raw? Haha
ReplyDeleteHmmp makapagtext nga sa 2366... Baka sakaling may dumalaw dito sa UAE
Ahaha hindi pwede nagdi-dyeta ako eh ahaha anong konek?
Deleteahaha, pwede baka malay mo Kuya Mar dumalaw talaga sila Lolz..
YAN KASI! hahaha!
ReplyDeleteahaha dahil sa Hi-Ro
Deleteanu ba yan, feeling ko nagsheshakerattlenroll na ko eh! ampisiting biscuit! hahaha.. kawawa naman yung miming nya :(
ReplyDeleteAhaha na-good time ka din ba? Lolz. Fiction lang naman ito ayaw ko mag kwento ng totoo kasi kinikilabutan din ako ahaha.
DeleteAhahaha, grabe naman yang batang yan. Hindi maka move on sa biskwit. Maghapon at magdamag kang sinundan. Buti hindi yun hinanap ng mga magulang nya lols.
ReplyDeleteParang gusto ko tuloy kumain ng Hi-Ro XD
Happy Halloween Rix!!!
Nyahaha pssssssttttttt... huwag kang lilingon.... ahahaha. Happy Halloween dins.
DeleteHahahaha! Adik much! Natawa naman ako sa batang duguan na sumusunod pa sayo para lang sa biskwit! Hahaha! At ipinagdasal mo pa sya!
ReplyDeleteHappy halloween! :D
May susunod din sayo kala mo.... kaya ang masasabi ko lang sayo.... huwag kang lilingon.....
Deletemas bet ko ang cream-o! haha
ReplyDeleteahaha ehhh paano yan di na sya kwentong fibisco lolz.
Deletee di chikang cream-o! haha
Deleteahaha saan naman nakakalibi nun? lolz
DeleteMahirap nakakakita ng multo and I am one of them. Hindi ko naman sila nakikita, nagpaparandam lang naman at napapanaginipan ko. May gusto silang sabihin. Ingat!
ReplyDeleteYep I know po ehehe. I know how you feel. Pero prayers pa rin ang mabisang way to help them.
DeleteHahaha ayaw ko ng text DALAW na yan, ako na lang dadalaw sa kanila wag lang sila dumalaw sa akin :)
ReplyDeleteUnique naman ng kwentong Fibisco mo! :)
Happy Halloween Rix! :)
Nyahaha ikaw ano ang kwentong fibisco mo Zai?
DeleteBuset ka Rix! Lakas ng tawa ko sa ending! *hahaha*
ReplyDeleteNyahaha nagoyo nanaman kita noh? lolz...
Deletetss. ibalik mo ang takot ko kuya! ay wag na lang pala. hahahaha
ReplyDeletehahaha nabiktima ka din ba jaig ? lolz
Delete