Tuesday, December 17, 2013

Holiday Wish

Check-up Time:7:39pm



Overrated na ata ang magkaroon ng Christmas wish na entry.


Naalala ko last year ng ganitong panahon ay naging masaya at interesting ang Christmas ko dahil sa ganitong panahon nagsimulang magkaroon ng follower ang blog ko. Nagsimulang magkaroon ng follower ang twitter account ko at bulabog ang FB account ko ng nainvite na ako ng mga ibang bloggers as FB Friend ng dahil sa blog thread na Christmas wish kenembot something... (hindi ko matandaan ang title ng thread, basta naging recipient ako nun tapos gumawa din ako ng ganung hanash).


Ang iba sa kanila nasa limbo pa, siguro nag iipon pa ng creative juices para mag simula na ulit sa pagsasalitype ang iba naman ay active na active at ang iba ay, ayun ok pa rin naman sila :D


Hindi ko matandaan kung may kabatch ako sa pagbblog eh, pero ok lang kung mag-isa lang ako hindi naman issue kung may kasabay ka sa pagbblog o wala ang importante eh may mga blogger na nakakasundo mo, nagkaka-jamming ng saltik at pareho kayo ng vibes (bigla kong naalala ang principle namin ni Tony at Fiel sa mga follower lolz).


 
Henny waste! dami ko nanaman hanash di na ako dumerecho sa point ko.... So ano nga ba ang Christmas wish ko?


Una gusto ko sana maayos si Leuke ang aking itouch na nasira. May sentimental value kasi sya dahil yun ang kauna-unahang gift sa akin ni Diko galing ng Middle East.

Pangalawa sana magkaroon na kami ng oven ng hindi na puro non-baked cake yung ginagawa ko. Gusto ko na magbake ng cake Lolz.

Pangatlo sana after na ng new year dumating yung visa ni Diko ng makasama naman namin sya ng New Year.

Pang-apat ay gusto ko sana magkaroon ng 2013 edition ng libro ng idol kong si Bob Ong na ABNKKBSNPLA ko. Maglalaslas ako pag di ako nagkaroon nito (OA much? nyahaha).

Pang-lima ay magkaroon ng lowcut na running shoes. Sira na kasi ang pasalubong ni Diko sa akin.




Yung keyboard ng laptop ko ay makakapaghintay pa naman hanggang next year. Mga damit? magpapapayat na lang siguro ako ng maisuot ko yung mga damit na nabili ko noon. CC points ng Dragon Nest? tyagain ko na lang. Ragnarok points? nahhh tagal na ako di naglalaro ng ragnarok... mag private server na lang ako. Bag? pagtyatyagaan ko na lang muna yung luma, ok pa naman sila.


So far yung naunang lima ang gustong gusto ko makuha ko magkaroon ngayon Christmas. Sana sooner or later magkaroon ako ng ganun.


Siguro sa susunod kong post ay ang mga higlights na ng aking asylum sa taong 2013... Sana po ay maging merry ang Christmas nyo. Para po sa  mga regalo ay bukas palad ko po itong tatanggapin. Tumatanggap din po ako ng cash, Charito Solis! Kahit fun sign na lang keri boom boroom boom base na siguro yun hihihi.

Isa lang ang masasabi ko sa inyo ngayong holiday.... Madadagdagan ang timbang nyo lolz.







Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik.
God Bless!

23 comments:

  1. Ang lakas makachristmas special nitong post na ito! Hehe naway matupad ang iyong mga kahilingan. :)

    Happy christmas rix! :)

    ReplyDelete
  2. Hope for your wishes to come true this Christmas season :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat simons... Merry Christmas sa inyo ni Cheng

      Delete
  3. Naaayyyy kumi-Christmas wishlist :)) gusto ko rin sana gumawa ng ganito kaso wag na lang... (na trauma sa birthday wishlist ko lol --> you know what I mean nyahahaha!)

    may 2013 edition pala ung book ni Bob Ong? anung pinagkaiba nung sa first version? lolz

    sana mapadlad si Santa dito sa Asylum, para matupad ang iyong mga wishes.

    di ako mangangako... pero... basta hihihihi :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahaha hindi maka get over?

      Yep yun ang gusto ko na makuha ngayon. Nirevised ang iba sa mga nakalagay sa libro at may mga dinagdag daw ayon sa Bob.

      *cross legs* ay fingers pala lolz

      Delete
  4. Nakaabot pala sayo yung All I want for Christmas post ko last year! Imagine that! Lol. Gagawa dapat ako nung first week of December eh pero ewan ko ba bat di ko nahanapan ng time. Nakita ko yang bagong edition ng ABNKKBSNPLAKo? I wonder kung bukod sa hardbound na siya eh may bagong content sa loob.

    Sana matupad mo ang wish mo this Christmas :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. chrew pikachu lolz.

      meron daw po nadagdag sa kwento, yung iba naman inedit daw :D

      Sana nga hihihi

      Delete
  5. Oo nga no. Di ko naisip mag sulat ng Christmas wish. Maybe in my next post:)
    Hope your wishes will come through:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. ehehe makakapag post ka na ng Christmas wish mommy Joy kasi nakatag ka sa christmas wish kenembot ehehehe

      Delete
  6. Magkano kaya yung new edition book na yun? I want it. :3

    ReplyDelete
    Replies
    1. hooooyyyyyy nakakainis ka uunahan mo pa ako ahaha.

      Delete
    2. your so bad nang-iingit ka...

      Delete
    3. Biro lang. *hehe* Tinignan ko to kanina sa National Bookstore sa MOA. Nasa 6h siya.

      Delete
    4. huhuhu ang mahal.... bakit ganun sa iba 400 lang sya ano difference nga ulit? ahahaha

      Delete
  7. alagad ni Bob Ong ka din pala. sana maibalik yung tinanggal na website niya hehe ^___^

    ReplyDelete
    Replies
    1. uu isang tagahanga...

      Haizt nilipat ang mga article sa page na yun sa isang multiply account kaso lang mukang hindi na-me-maintain...

      Delete
  8. Aba Rix, nawa'y mabasa ito ng Diko mo dahil para pala siyang Santa Claus. Good luck! Ako ay hindi nag wiwishlist kasi buy ko na lang, ha,ha,ha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahaha ayaw ko na mag request sa kanya... ngayon na bumuo na sya ng family nya dapat maging priority nya iyo..

      * bait na bata *

      Delete
  9. hala! hindi na nga ako nag mamano para di obvious ang age pero gusto pa mag mano.... nyahahaha.

    ReplyDelete

hansaveh mo?